SR : part 08

2K 154 49
                                    


Red

I've witnessed what she did. Akala ko kung para saan ang mga pagkaing tinake-out niya kanina

It was for a poor family living in the middle of the farm.

And I saw smile on their faces nang makita nila si Adel. Yumakap pa ito dito na hindi man lang nailang o nandiri dahil sa medyo maduming pananamit ng mga ito.

She's kind. But nothings changed.

I'd still don't want to marry her.

-

Adel

"Anak kamusta ang naging date niyo ni Red?" pag usisa ni mama kinabukasan.

Gusto kong sabihin ang totoo pero ayaw ko na silang bigyan pa ng alalahanin.

"Ok naman mama. Mabait naman pala siya kahit medyo tahimik" pagsisinungaling ko.

"Mabuti naman kung ganon. Akala ko kasi mahihirapan kang pakisamahan siya. Unang una kasi, ang tagal na nang panahong huli kayong nagkita. Mga bata palang kayo noon. Napaka close niyo na halos hindi nga kayo mapag hiwalay. Lumaki pa sa ibang bansa" komento ni mama.

Hindi na lamang ako kumibo at binaling sa TV screen ang attention ko.

Kinakabahan kasi ako pag may tinanong pa si mama. Tanong na kailangan ko na namang pasinungalingan. At hindi ako ako sanay na magsinungaling sa mga magulang ko.

Napakabuti nila para lokohin ko. At nagawa ko na. Nagawa kong magsinungaling dahil sa nararamdaman ko para kay Red.

"Anak-----muling tawag nito.

Lumingon ako dito.

"Bakit ma?" bakas sa muka nito na tila ba mag bumabagabag dito.

"Yung naging desisyon namin ng Papa mo saka ng mga tita Catherine mo-----ok lang ba talaga sayo. I mean----gusto lang naman kasi namin na mapunta ka sa maayos na pamilya. Yung mabuting pamilya. Nag iisang anak ka namin at ang gusto ko lang namin ay makasigurado na magiging ok ka sa magiging bagong pamilya mo?"

Nag isip pa ako bago sumagot.

Ok lang sa akin ang magpakasal kay Red. Pero si Red ang tutol sa desisyon ng lahat.

At nakiusap ito na kung maari ay ako ang mag back out dahil ayaw niyang may mangyari kay tito Kenzo.

Pero hindi ko din kayang biguin ang mga magulang ko.

"Opo naman ma. Alam ko naman po na para sa kin ang ginagawa niyo. Wag po kayong mag alala. On lang po sa kin yon" sagot ko dito saka sumandig sa balikat nito.

"Ang swerte ko talaga dahil napaka bait mong anak. Masunurin pa. Hindi mo kami binigyan ng problema ng Papa mo" nagkakamali kayo mama. Ang laki ng problemang binigay ko sa inyo ni papa simula ng magkasakit ako. Lahat ng naipundar niyo ay nawala. Nawala ng dahil sakin.

Kaya lahat ng hilingin niyo ni papa, susundin ko. Dahil kulang ang salitang salamat para masuklian ko ang lahat ng kabutihan niyo sakin.

Ako ang ma-swerte dahil kayo ang naging mga magulang ko.

"Mas lucky ako ma dahil kayo ang naging magulang ko. Never niyo akong pinabayaan. At promise ko sa inyo, lahat ng nais niyo ay mangyayari"

"Isa lang naman ang nais naman anak. Yun ay ang kabutihan mo. Alam kong hindi madali ang magpakasal lalo na at hindi mo lubusang kilala si Red. Sana balang araw, matutunan mo siyang mahalin. At ganon din siya sayo. Pag nangyari yon, kami na ang pinaka maligayang mga magulang sa mundo"

Mahal ko na siya ma.

Siya lang ang hindi.

At kung magiging mag asawa na kami, gagawin ko ang tungkulin ko sa kaniya bilang asawa.

Mahalin niya man ako o hindi.

Tanggapin niya man ako sa buhay niya o hindi.

Mananatili ako sa tabi niya dahil mahal ko siya.

To be continued...


SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon