SR : part 57

2.3K 173 41
                                        


Fe

Kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko kung paano iniyakan ni Red ang pagkawala ni Adel. Ayaw nitong bitiwan ang walang buhay na katawan nito.  Paulit ulit itong bumubulong kung gaano ito nagsisisi at kung gaano niya kamahal ang kaibigan ko. Paulit ulit niya din itong hinahagkan na tila ba mapapawi non ang lahat ng nagawa niya. At sa bawat halik na yon ay ang  pagnanais na muling mabuhay si Adel.

Lahat kami ay parang nalantang gulay ng mga oras na yon. Nawalan kami ng lakas. Habang hawak ako ni Randel sa mga bisig nito. 

Habang magkayakap sina tito Henry at tita Lorma.

Habang pilit na inilalayo ng mga nurse si Red sa katawan ni Adel.

Nangingibabaw sa loob ng silid na yon ang malakas na sigaw ni Red.

Hindi pa siya patay. Gigising si Adel.  Huwag niyo siyang kukunin. Gigising siya at uuwi kami kasama ng anak namin. Hindi niya kami iiwan...patuloy na sigaw nito.

Na lalong nagdudulot sa amin ng labis na kahungkagan.

Na may isang taong nawala na nang tuluyan sa buhay namin.

Na may isang anghel na tuluyan ng iniwanan ng kaniyang ina.

Bakit ngayon lang Red...tanong ko sa sarili ko.

Bakit ngayon mo lang pinaramdam na mahal mo siya...Kung kailan hindi na niya maririnig pa ang lahat. Na hindi na niya mararamdaman pa ang pagmamahal mo...bakit huli na Red.

Dumating ang ilang security guard dahil hindi makayanan ng mga nurses na naroon na kuhanin sa mga bisig ni Red ang katawan ni Adel.

Ngunit pati ang mga ito ay hindi makayanan na ihiwalay si Red kay Adel.

Pumasok si Randel at kinausap si Red.

"Red----you have to let her go. Kailangan nang madala sa morgue ang katawan ni Adel. She's resting peacefully now. And she's not going to like if she sees you like this" dinig kong sabi nito dahil lumapit narin ako sa mga ito.

Para makita ang kaibigan ko.

Looking at her makes me cried harder.

Masakit dahil wala nang pag asang bumalik pa muli ang isang kaibigan na naging kapatid mo sa mahabang panahon.

Sa pakiusap ni Randel ay unti unting binitiwan ni Red si Adel. Habang patuloy parin ito sa pagluha.

Nagsi-alis na ang iba pa. Naiwan ang dalawang nurse na magdadala sa katawan ni Adel.

Inakay namin si Red palabas ng ER kahit pa ayaw nitong iwan ang bangkay ni Adel.

Pagbagsak itong naupo sa floor tile at tahimik na lumuluha.

Sa kakaiyak ni tita ay muli itong pinanawan ng ulirat kaya dali dali din itong dinala sa isa sa mga room na nandoon upang matingnan ng ibang doctor.

Si Randel na alam kong ginawa ang lahat para matulungan si Adel ay kanina pa din tahimik. Alam kong mas mabigat para sa kaniya ang nangyari. Hindi lamang itong nagsasabi pero bakas ang pagkabigo at galit sa anyo nito.

Nakita ko ng tinatanggal na ng mga nurses ang mga aparatong nakakabit sa katawan ni Adel.

Tumalikod ako dahil hindi ko kayang tingnan oras na takpan na siya ng puting kumot.

Hudyat na talagang wala na siya.

Naupo ako na tila nauupos  na kandila. Sa tapat ko ay naroon si Red at kitang kita ko ang mga kamay nitong puro galos at halos may dugo pa. Tahimik ang pagluha nito. Gusto ko sana itong damayan pero kahit sarili ko ay hindi ko alam kung paano tatanggapin ng maluwag sa loob ko na wala na ang mahal kong kaibigan.

Nang biglang nagkaroon ng komosyon sa loob ng ER.

"Doctor Randel" tawag ng isang nurse.

Mabilis na bumalik sa loob si Randel at mabilis din akong sumunod dito.

At nabigla ako...

To be continued...

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon