SR : part 95

2.5K 170 45
                                    


"Wow pasipol sipol pa si sir Red" bati ni manong guard.

Nginitian ko lang ito saka nag tuloy sa lift.

Pagpasok ko ay may mga kasabay din akong empleyado ng company.

"Sir, good mood yata tayo ngayon ah" Si Casey. And head sa accounting.

"Am I that obvious?" balik tanong ko.

"Nako sir, abot hanggang likuran ang ngiting niyo. Alin lang sa dalawa yan sir, may na close na naman kayong deal or sinagot ng nililigawan" Si Jake. Company supervisor.

"Non from both" sagot ko.

"Ano nga sir. Spill it na. Para naman mahawahan kami ng good mood mo" Si Casey.

"I'm inlove" para na akong timang dahil nakikita ko ang reflection ko  na hindi mawala wala ang ngiti sa labi.

"Ay wala na kaming pag asa sir" singit ni Vanessa.

Umiling nalang ako.

"Pwede pa yan. Agawin niyo si sir"  suhestiyon ni Jake.

"Kaya niyo ba akong agawin sa legal wife ko" sambit ko.

"Wife" choreong bulalas ng mga ito.

"May asawa ka na sir?" Hindi makapaniwalang tanong ni Vanessa.

"Not just wife. I already have a princess"

"Pwede mag apply ng yaya sir---para makita kita everyday" panloloko ni Casey.

"Sure---basta ba kaya mong harapin ang asawa ko.  She's a black belter"

"Ay okay nako dito sir. Masaya naman.  Nakikita naman kita"

"Natakot matsugi" kantiyaw ng dalawa.

"Go to proper places guys. Work work work" sabi ko saka kami naghiwa hiwalay ng landas.

This is life...

I'm inlove with you 🎵🎵🎼

"What's with that smile Red? " Si ninong.

"I'm just happy ninong. She's back" na kwento ko minsan dito ang pinag dadaanan ko. We go out one time and I'm totally drunk kaya nasabi ko. And he understood.

"Good for you. And I'm glad that you're happy now. Don't let her go away this time Red" he reminded me.

"Yes ninong" at nag start ng mag trabaho.

It feels so light...happy ang inlove. Can't wait to go home.

-

"Evening honey" I greeted kahit nasa bukana palang ako ng pinto ng bahay.

"Evening daddy" Si Honey habang nasa mga bisig nito si Hopie na nakangiti na agad.

"How's my baby" I kiss her little forehead , and never forget my wife.

"Nag tantrums maghapon"

"Why?" medyo nag alala ako.

"I think hinahanap ka niya. Look at her now, nakangiti na siya. Narinig lang ang boses mo"

"Really baby, you mis daddy----come" I get her from my wife's arm.

"Rest ka muna sa couch. Prepare ko muna damit mo. Tapos kain na tayo"

"Thank you honey " this is it. Ito ang pangarap ko. Being home with my wife and my baby waiting for me. Yung feeling na kahit pagod ka, makita mo lang sila, everything vanished in an instant. Feel energize.

"And you cutie patutie, wag na ikaw mag tantrums ha. Mahihirapan si mommy. Uuwi naman agad  si daddy after work. Hindi na ako mag overtime para maaga ako makauwi. Be good girl ha" I played her little fingers on me.

She opening her mouth and make some little noise.

It's music to my ears.

"Come on baby, mag bibihis muna si daddy" kinuha ito ni Honey mula sa kandungan ko.

"I'll be quick. Love you" placing a kiss on her cheek.

She smiled and kiss me back.

Parang ngayon lang ako na inlove. Though nagka girlfriend naman  ako back in US. Iba yung feeling na pinaparamdam sa akin ng asawa ko. Yung feeling na palagi kang nakalutang. Mahirap I-explain but I'm loving it.

At hindi ko na kakayanin kung mawala siyang muli sakin.

To be continued...

Sabi nga...you'll realize how important a person to you if he/she left you.

Kaya nga napaka halaga ng second chance if that was given to you...it's easy to forgive but it's hard to earn that trust again.

Like a broken glass, you can fixed it but it'll never be the same again.

Hugot bai

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon