SR : part 67

2.6K 197 42
                                        


Katulad ng sabi ni mama, naayos na lahat ni Red ang kakailanganin sa binyag ni Hopie.

At ang reception ay sa resto nito na pinasara niya na kahapon pa para maayusan ito para sa binyag.

Siya lahat ng bumili. From clothes, souvenirs at siya na din ang nag deliver ng mga invitations. He asked me kung sino ang iimbitahan ko then bahala na siya.

That night ay sa bahay na siya natulog dahil maaga kami bukas sa church.

Binilan niya muli akong ng damit para sa okasyon.

Pati kila mama at Papa,  kay nanay Pinang at Fe. He insisted na bilan din si Randel pero tumanggi si ito.

At sa mga nakikita kong effort niya...

Konti nalang Red...babalik na kami sayo ni Hopie.

"Matulog ka na. Ako na magbantay kay Hopie" sabi nito ng matutulog na kami.

Sa kama ako, sa sofa siya.

"Sure ka?"

"Yes honey"

Honey...okay medyo kinilig ako. Pero konti lang. Pakipot muna syempre.

Nakahiga na ako ng lumapit ito at naupo sa tabi ng kama ko.

Yumuko ito at bago pa mag sink in sa utak ko kung ano ang gagawin nito ay mabilis na itong humalik sa noo ko.

"Goodnight" bumalik na ito sa sofa matapos silipin sa crib si Hopie.

Goodnight Red...sagot ko pero sa isip ko nalang.

-

Malakas ang pakiramdam ko pag nagigising si Hopie pero bago pa ako makatayo ay nakita ko nang buhat ito ni Red. Muli ay nasa rocking chair sila.

Hawak nito ang baby bottled at pinapa dede na ito. Nag ha humming pa ito habang mahinang itinutulak ng paa nito ang rocking chair.

Pinagmamasdan ko lang sila at hindi ko maiwasang mapangiti sa ganoong scenario.

Tama si papa---magiging mabuting ama si Red kay Hopie.

Hindi ako nagpaparamdam na gising na ako. Nagmumulat ako ng mga mata ko para lang silipin sila.

Gusto ko lang makita ang mga gagawin niya. Kung paano si Red magpaka ama kay Hopie.

Katulad ng nakagawian ni Hopie,  hindi ito natulog. 

Mahina itong kinakausap ni Red at naririnig ko ang mahinang boses ni Hopie na tila ba naiintindihan niya ang daddy niya.

"You woke up so early baby. Paano ka lalaki agad niyan ha. Siguro pinupuyat mo si mommy every night no. Kaya antukin at masungit ang mommy eh now you know...Sabi ko sa isip ko you're smiling at me. You love me na baby. You love daddy na. I love you more baby. Kayo ni mommy. Wag tayo maingay, baka magising si mommy. You should sleep na. You're Christian na tomorrow. Magsisimba tayong every Sunday okay. Deal ibig kong matawa dahil para silang nagkakainitindihan kung mag usap I love you. Love you. Cutie patutie naman ang baby ko. Tama ang pakikipag kwentuhan ha. Sleep ka na"

Narinig kong natahimik ang mga ito.

Nagmulat muli ako ng mga mata ko at nakita kong nakapikit na si Red at tahimik na din si Hopie.

Tumayo ako at kinumutan ang mag daddy.

"Hey" mahinang sabi nito.

"Shhh----magigising ulit yan. Malakas pakiramdam niyan" sabi ko "you want anything"

"Pwedeng tubig"

"Sige kukuha lang ako sa baba"

Kumuha ako ng tubig para sa amin saka bumalik sa kwarto.

Ako na ang nagpa inom dito dahil yakap niya si Hopie. 

"Thanks honey"

Tumango lang ako at saka bumalik sa kama.

To be continued...



SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon