SR : part 105

2K 135 46
                                        


Adel

Scene stealer...

"Red. Come with me. We'll have a great life sa US. Iwan mo na si Adel. Ako ang mahal mo di ba....di ba Red?" pagpupumilit ni Elizabeth.

Tinaasan ko ng isang kilay si Red dahil ayaw talagang tumigil ni Elizabeth.

Inalis nito ang brasong nakapalupot sa kanang braso nito.

"Elizabeth----I don't know how to say this. I don't want to hurt you coz you're important to me. You're my family. I'm sorry if you feel that way. I'm just concerned about you, dahil wala akong kapatid. Everything na ginawa ko para sayo noon, lalo na noong mga bata palang tayo, it's just  part of my obligation as an older brother. You just mistook it for something. At mahal ko si Adel. At walang makakapagpabago non. Kahit ikaw"

"No Red. Ako ang mahal mo di ba. Nagkakamali ka lang. Nilason niya ang isip mo. It's me who's right for you Red. It's just me" nagulat ako sa ginawa nito ng mabilis itong nakadampot ng kutsilyo mula sa isang lamesa na malapit sa kanila at itinapat sa pulsuan nito.

"Oh God " bulalas ni Fe.

"Red do something" utos ni Randel.

"Sige Red. Mamili ka. Ako o si Adel" pananakot nito Elizabeth.

"Elizabeth please.  Don't do this" pakiusap ni Red dito.

"No----sasama ka sakin o magpapakamatay ako. Mamili ka" sigaw nito.

Tumingin sa akin si Red.

"She's crazy" bulungan ng mga taong nakaka saksi sa pangyayari.

"She's obsessed. Sayang, maganda pa naman" patuloy kong nadidinig ang mga sinasabi ng tao patungkol kay Elizabeth.

Sinensyasan ko ito at sana makuha ni Red ang ibig kong ipahiwatig.

Tumango ito.

Dahan dahan itong lumapit kay Elizabeth.

"Elizabeth. Drop the knife. I'm coming with you" sabi ni Red.

"No----niloloko mo lang ako" sigaw muli nito.

"I mean it. I'm coming with you"

"Talaga. Sasama ka na sakin. Iiwan mo na si adel?" tuwang tuwang tanong pa nito.

"Yes----so drop that knife now. I'll go with you" utos ni Red. Dahan dahang binitiwan ni Elizabeth ang kutsilyo saka mabilis na niyakap ni Red.

Muli itong lumingon ito sakin.

Tumawag na ako sa isang hospital habang kinakausap ito ni Red. Kaya ilang minuto lang ay dumating na agad ang ambulance.

Hindi ko alam kung baliw ba siya o obsessed lang.

But the point na kaya niyang saktan ang sarili niya, it's serious.

"Red---ano to. Red" sigaw ni Elizabeth nang lapitan siya ng hospital staff at suutan ng straight jacket.

"I'm sorry Elizabeth. It's for your own good. Tatawagan ko sila tita. You'll be okay" sabi ni Red dito.

"No Red. Ayaw kong sumama sa kanila.  Ikaw ang gusto kong kasama. Bitiwan niyo ko" pagpupumiglas nito.

"Kami na po ang bahala sa kaniya. Sumunod nalang po kayo" sabi ng isang staff bago tuluyang inilabas si Elizabeth na patuloy sa pagsigaw at pagpupumiglas para makawala.

"I'm sorry everyone for causing a scene. I'm so sorry" Paghingi nito ng paumanhin sa mga nakasaksi ng eksena.

"Gwapo mo naman kasi kaya pinag aagawan ka" komento ng isang babae.

"Are you sure married ka na? Baka pwede mag apply" at talaga naman. Napaka lalan****i.

"Gusto mong sumunod sa Elizabeth" sabat ko.

"Nagtatanong lang. Hmmmp" Irap pa nito bago tumalikod.

Nauna na akong lumabas ng resto kasunod sina Fe at Randel.

Narinig ko ang pahabol na tawag ni Red.

"Honey wait"

Hinarap ko ito "Wag mo kong ma honey honey Red. At wag mo kong susundan. Puntahan mo yung babaeng baliw na baliw sayo. Ayusin mo yon. Intyendes"

"Honey naman. Wala naman akong ginawa----

"Stop. Pupuntahan mo si Elizabeth at wag ka munang magpapakita sakin. Pa-surprise surprise ka pa, ano ngayon. Ikaw ang na surprise" tinalikuran ko na ito ang nauna nang sumakay sa kotse ni Randel.

"Honey" kumakatok ito sa bintana ng kotse pero hindi ko na pinansin.

"That's my girl" nakangiting sabi ni Fe.

"She's quite but deadly" Si Randel.

"Oo. Kaya ngayon alam mo na. We're sister kaya umayos ka" Banta ni Fe.

"Good boy to. Don't worry"

"Good boy good boy. Lahat ng good boy nakakagawa din ng mali. Kaya binabalaan na kita"

"O kakatapos ko lang makipag away. Gusto niyo din" singit ko.

"Ine-explain ko lang inang. Gwapo kasi. Mahirap na"

Napapailing nalang ako.

To be continued...

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon