Kumatok muna ako sa kwarto kung nasaan sina Adel at ang baby namin na si Hope.
"Bukas yan ma" sabi nito.
So hindi niya alam na nandito na ako.
Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at sumilip sa loob.
Napangiti ako ng makita kong nasa mga bisig ni Adel ang baby namin. Nasa rocking chair ang mga ito. Nakayuko si Adel kaya hindi niya pa ako nakikita.
"Ahm hi" mahinang bati ko na nagpa angat sa ulo nito.
Ngumiti lang ito ng bahagya pero para sakin, sapat na yon para mabawasan ng bahagya ang kaba ko.
"Ahm para sayo nga pala saka kay baby" ibinaba ko ang mga pinamili ko sa tabi ng kama niya.
"Salamat" mahinang tugon nito.
Wala akong masabi kahit ano. Tila ba nalunok ko ang lahat ng letra.
Pero masaya akong nakikita sila habang nagdedede si Hope sa baby bottled. Hindi kasi pwede mga breastfeed si Adel dahil narin sa mga gamot na iniinom nito. Ang sarap sa pakiramdam na kahit hindi pa kami okay, yung pinapayagan niya akong makita sila, kontento na ako don.
Natapos mag dede si Hope ay akmang tatayo si Adel sa rocking chair kaya mabilis ko itong tinulungan.
"Thanks" sabi lang nito.
Ngayon ko lang muling natitigan ang anak ko.
She's really like an angel
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
At ang healthy.
"Gusto mong hawakan?" biglang tanong nito.
Nag aatubili ako. Ang liit niya kasi.
"H-hindi ba mababali yung buto niya"
"No---napakalambing ng pagkaka sabi nito "Basta huwag mo lang hihigpitan ang hawak sa kaniya "here" dahan dahan niyang inilipat sa mga bisig ko si Hope na tulog na tuloy parin.
"She's so soft" sabi ko.
"She is----like a cotton, light as feather, and beautiful like an angel" dagdag pa nito.
"Like you" sabi ko.
Natigilan ito pero hindi naman kumontra sa sinabi ko.
"Lalabas muna ko. Maiwan ko muna kayo" paalam nito na tila ba naiilang na nandoon ako.
Nang makalabas ito ng kwarto ay parang noon lang ako nakahinga. Kanina ko pa pigil ang paghinga ko.
Gano yata talaga pag sobrang saya ang nararamdaman mo, masaya na kinakabahan na natatakot, yung tipong lahat ng bagay humihinto.
At nang makita kong muli ang mga ngiti sa labi ni Adel, masasabi kong...
It'snot to late to be in love again...with the same woman.