SR : part 53

2.6K 171 64
                                        


"What's really happening?" tanong ni Red habang nasa sasakyan kami papuntang hospital.

"Here take this" inabot ko sa kanya ang sulat ni Adel.

"What's this?" muling tanong nito.

"Lahat ng tanong mo, nandiyan ang sagot Red pero pwede bilisan mo pa. Baka hindi na tayo umabot" samut sari ang nararamdaman ko ng mga sandaling yon.  Kung pwede lang namin liparin ang hospital kung nasan si Adel.

"Anong umabot?----can you please answer me Fe. You're scaring the hell of me. What's really happening about Adel? About our baby? " Nakailang tanong na ito pero ni isa ay hindi ko magawang sagutin.

Sinuway ko na si Adel sa pakiusap nitong huwag ipaalam kay Red ang lahat hanggat hindi siya nakakapanganak. Ayaw ko nang dagdagan pa ang kasalanan ko kay Adel.

"Just drive Red" nasabi ko nalang. ..habang tinatahak namin ang daan papuntang hospital ay tuloy ako sa tahimik na pagdarasal.

Hindi ako madasalin pero malakas ang pananampalataya ko....at ngayon, sa kaniya ko iniaasa ang lahat at sana, hindi niya ako biguin.

Red

I'm getting more nervous dahil sa mga sinasabi ni Fe. And f*** she's not answering any of my questions and it's really bothering me.  I wanted to read what's on the letter but can't do it at the moment.

As soon as we reach the hospital. She jump off and run as fast as she can.

And I was petrified.

I followed her hanggang sa makarating kami sa delivery room.

"Tita" tawag niya kay mama Lorma? Katabi si papa Henry.

Napatingin sa gawi ko ang mga ito at isang matalim na tingin ang pinukol nila sakin. Lalo na kay Papa Henry na kulang nalang ay kainin ako ng buhay. Nakakuyom ang mga palad nito na hindi inaalis ang mga mata nitong nakasunod sakin kahit isang Segundo.

"Tita, tito-----huwag po muna ngayon. Sinuway ko po si Adel, pati narin po kayo. Pero may dahilan po ako. Sana po maintindihan niyo" pakiusap ni Fe.

Hindi sumagot ang mga ito pero hindi rin tumanggi.

"Ano na pong balita?" tanong nito.

Ako ay tahimik lang na nakikinig habang hawak parin ng mahigpit sa kamay ko ang sulat na binigay ni Fe.

Maya maya ay lumabas ang doctor.

"We still have to wait for another twenty or more minutes. Hindi niya kinaya sa first try. Nahirapan ang puso niya. We're waiting for her to calm down saka po ulit namin susbukan. Pero kung wala po talagang mangyayari, we will proceed a CS section. Kahit pa ayaw niya" sabi ng doctor.

"Gawin niyo po ang lahat para sa anak ko doctor" umiiyak na pakiusap ni mama Lorma.

"Fe--- Ano ba talagang nangyayari?, ano yung tungkol sa puso ni Adel. Is she sick?" Sunod sunod pero mahinang tanong ko dito, yung kabog ng puso ko ay hindi ko na maintindihan.

"It's in the letter " sagot nito.

"Pwede mo nang basahin kung gusto mo. Habang-----huminto ito sa pagsasalita at umiyak nalang katulad nina mama Lorma at Papa. Henry.

"Fe----pupunta lang akong chapel" paalam ko.

Wala akong masabi kahit isang salita. Parang naumid ang dila ko ng mga oras na yon. Gusto kong kausapin ang mga magulang ni Adel pero batid kong may galit ang mga ito sakin at naiintindihan ko.

I deserve to be hated.

To be continued...

Kayanin mo Red!

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon