Natuloy kami sa Paris. Sayang naman din kasi yung gift ni tito Miguel.
Tahimik kami Ni Red sa buong byahe. Mula sa bagong bahay namin na regalo nina daddy Kenzo at mommy Catherine, hanggang sa eroplano hanggang sa buong byahe namin sa Paris papuntang hotel.
Ang hindi ko lang din inaasahan na magkahiwalay pala kami ng suit.
I thought, kahit papano. We're still husband and wife. Kahit sa papel lang.
Pero base sa mga ginagawa niya, sa pakikitungo niya, he really hated me at iniiwasan na tila ba may nakakahawang sakit.
At masakit pala.
At hindi ako masasaktan kung hindi ko siya mahal.
Pero kahit ganon ang pakikitungo niya sa akin ay hindi ko mapigilan ang puso ko na mahalin siya.
Tanga yata ang puso ko.
Tanga dahil nagmahal ako sa taong walang ibang nararamdaman para sa kin kundi galit at poot.
Sa loob ng suit ay pinalipas ko nalang ang oras ko sa panonood ng TV. Mag cellphone o kaya ay tumanaw sa labas ng bintana kung saan tanaw ang Eifel tower.
Gabi na ng maisipan kong lumabas upang mag hanap ng pwedeng makainan.
Sa isang resto malapit sa hotel ako nakasumpong ng kakakainan. Simple pero halatang pang mayaman ang mga kumakain don. Kaya nag alangan ako.
Yes, my husband is wealthy pero hindi ako.
I'm still Adel. Who lives a simple life.
Kaya naghanap ako ng mas mumurahing kainan at napadpad ako sa isang restaurant na pang affordable ang price ng mga pagkain.
Sa bandang dulo ako pumwesto dahil ang ayaw ko sa lahat ay yung makatawag ako ng attention ng ibang tao.
Habang kumakain ay nakatawag ng atensiyon ko ang isang lalaking kanina ko pa nahuhuling tumitingin sa akin.
Hindi siya Pilipino dahil iba ang kulay ng mga mata nito at medyo brown ang kulay ng buhok nito. Matangkad, gwapo.
Iniwas ko nalang ang paningin ko dahil baka isipin pa nitong gusto ko siya.
Nasan kaya si Red?
Hindi ko naman siyang pwedeng puntahan sa kwarto niya. Baka lalo lang yon magalit pag ginawa ko yon. Kaya nga siya humiwalay ng kwarto para hindi ako makasama. Kahit pa may room reservation na kami. Yon nga ay ang kwartong inuukupa ko.
Pagkakain ay naglakad lakad ako sa paligid ng hotel. Hindi ako lumayo dahil baka mawala pa ako. Sobrang ganda ng paligid at talagang naaliw ako ng husto. Pinasok ko na din ang ibang eskinita kung saan napaka raming mabibili bilang souvenir.
Hanggang sa hindi ko na namalayang na palayo na pala ako sa hotel. At hindi ko na matandaan kung saan ang daan pabalik.
Pero naaalala ko ang pangalan ng hotel.
Naglakad lakad ako pero lalo lang akong naligaw.
Pagbaling ko sa kanan ay nag siyang pagbangga ko naman sa isang bulto ng katawan ng isang lalaki.
Pagtingin ko ay ang lalaking nasa restaurant ang nasa harapan ko.
"Hi" matipid na sabi nito na nagpalitaw sa magaganda nitong mga ngipin.
Hindi ako sumagot dahil nakaramdam ako ng takot.
Mag isa lang ako. Babae pa. At malaking tao ang nasa harapan ko.
Wala akong laban kung may balak itong gawin sa akin.
Bakit ba kasi napalayo ako sa hotel?
Sinisisi ko tuloy ang sarili ko.
"Hey-----don't be scared. I'm not here to frightened you. I just noticed, seems like you're lost" sabi nito.
"I just want to help. That's all" sabi nito kaya medyo nakahinga na ako ng maayos.
"I'm sorry. I just thought-----
"No worries. You're lost right?" Muling tanong nito.
Tumango na lamang ako.
"You know your hotel" sabi pa nito habang naglalakad kami pabalik.
Sinabi ko kung saang hotel ako nag I-stay.
"I'm staying there too" nakangiting sabi nito.
Kahit papano ay mabait naman pala ito base sa paraan nito ng pagsasalita.
I'm not good at judging people.
I can sense he is a good man.
Nang makarating kami sa hotel ay huminto ako saglit para mag pasalamat dito.
"Ahm thank you for taking me back" sabi ko.
"It's ok. By the way, I'm Randel" inilahad pa nito ang kamay niya upang makipag kilala.
Alangan man ay tinanggap ko ito.
"Adel" sagot ko.
"Wow----our name rhymes. Randel and Adel" natatawang sabi pa nito na nagpangiti sakin.
Seems like it's been a long time since I smiled.
Simula ng makilala ko si Red.
Nakalimutan ko na yata ang ngumiti.
At yon ang tagpong naabutan ni Red na papasok ng hotel.
Ang mga kamay namin ni Randel na magkahawak parin at ang ngitian namin.
Mabilis kong binawi ang kamay ko.
Pero nilagpasan lang ako ni Red pagkatapos niya akong tingnan ng masama.
"Ahm bye Randel. Thanks again" pagpapaalam ko dito bago lumulan sa elevator.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?
