Red
I'm not going back to US. Dahil yon ang desisyon nina mom at dad. Labag sa loob ko ang kagustuhan nila.
I am going to missed everything sa US. My friends, climate, specially si Ven. My girlfriend. Sinabi ko pa naman dito na once I came back, I will marry her.
Pero paano ko gagawin yon kung ayaw na akong pabalikin nina mom at dad doon?
Ayaw kasi nila kay Ven kaya alam kong isa yon sa mga dahilan kaya ayaw na nila akong bumalik sa US.
And I can't go against my dad's will.
May sakit ito sa puso. He had his stroke just a year ago buti nalang at naka recover siya.
Kaya natatakot na kami ni mom na maulit yon. And I love my parents so much. Hindi man ako showy pero deep in my heart, I love and I respect them.
"Son can we talk?" si dad kasunod si mom na pumasok sa room ko. We have our own house dito sa Pinas. It's our old antic house na minana pa ni mom kay lola. Pero medyo modern antic style kasi yari ito sa purong bato.
"Have a sit dad" sabi ko dito. Tumabi naman dito si mom na tahimik lang.
"Son----your mom and I decided something and it matters to you" panimula nito.
"About what?" mabilis na tanong ko.
"Anak. Gusto namin na si Adel ang maging asawa mo" Si mom ang sumagot na ikinabigla ko.
"Wait---what is this mom? Dad?" Hindi ko maiwasang magtampo dahil sila na ang nag decide sa buhay ko. Lalo na sa babaeng mapapangasawa ko.
"Son listen----- we talk about it even when youre young. We agreed that when you both comes to your right age. We want you and Adel to get married" sabi ni Dad.
"No way dad. I can't marry a woman I'd never known all my life. She's a stranger dad, mom?" tila ba humihingi ako ng saklolo kay mom ng mga sandaling yon.
"Anak makinig ka. Ang gusto lang namin ay mapunta ka sa mabuting babae. At si Adel yon. At mga bata palang kayo, napag kasunduan na namin iyon nina Lorma at Henry"
"Pero mom. Marriage is a serious matter"
"Exactly son. That why we wanted you to marry Adel. I can assure you that you can be happy with her. She's a nice girl. And we know her and her family" Si dad.
"No dad" madiing tanggi ko. Just once, kokontra ako sa gusto ng mga magulang ko.
"Kenzo" mahinang tawag ni mom.
Nakita kong sapo ni Dad ang dibdib nito.
"Dad! Dad!" sabay hawak ko sa dibdib nito.
"I----I'm okay" Mahinang sagot nito habang pilit na huwag indahin ang sakit na nararamdaman nito.
"Tara na muna sa kwarto dad. Pahinga ka muna. Baka mapano ka pa" nag aalalang sabi ni mom.
Lumingon sa akin si mom bago ito lumabas ng kwarto.
At alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig.
Huwag na akong kumontra kung ayaw kong mapa hamak si dad.
Napasabunot ako sa buhok dahil sa kinakaharap kong problema.
Ano nalang ang sasabihin ni Ven?
Na hindi ko siya pinaglaban.
Na hindi ko siya pinili.
Mahal ko siya pero anong laban ko sa kalagayan ni Dad.
It's like I'm in between life and death situation.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?
