SR : part 106

2.4K 162 61
                                    


Fe

"Anong nangyari Fe? Bakit salubong ang kilay ni Adel?" Bungad na tanong ni tita ng makauwi kami sa bahay.

"Nako tita. Nahuli lang naman niya si Red na may kasamang babae"

"Ano?" panabay na tanong ni tita at tito.

Natawa ako sa mga itsura nila. Si Randel naman ay napapailing sa tabi ko.

"Kalma lang tito, tita. Nahuli niyang may kasamang babae si Red pero hindi naman niya po babae talaga"

"Huh?" lalong kumunot ang mga noo nito.

"Pinsan niya po-----well paano ba. They're cousin, yon po ang alam nila. But this woman named Elizabeth found out na hindi pala. She's adopted"

"And" Pag interup ni tita.

"And she likes Red. She's obsessed I guess.

"That woman is sick.Mahal niya si Red. And she even tried to hurt herself para lang makuha ang gusto niya" bakas ang inis sa muka ni Adel ng bumaba ito galing sa kwarto karga si Hopie.

"Come to tinangs Hopie. Mainit ulo ng mommy" saka ko ito kinandong.

"Akina" inagaw naman ito ni Randel sakin saka nilaro.

"Wait nga lang. I-explain niyo nga ng maayos. Ang gulo niyo" naguguluhan paring tanong ni tito Henry.

"Sinabi na ni Fe pa. Si Elizabeth, mahal niya ang asawa ko. At gusto niyang makuha si Red samin ni Hopie"

"Ay nako friend. Kalma ka nga. Nagpaliwanag na si Red kanina di ba. Mahal niya si Elizabeth as his little sister. Kung magpumilit man si Elizabeth, wala naman siyang magagawa. Ikaw ang mahal ng asawa mo. Kaya kung ako sayo, pag nagpunta siya dito, kausapin mo. Intyendes" tinaasan ko ito nga kilay.

"Eh kasi ba naman. May pa secret secret pang na nalalaman, yan tuloy, na paranoid lang ako. Kung sinabi niyang gusto niyang magpakasal ulit, edi wala sanang problema"

"Teka----kasal?" pagputol nito tita sa pagku-kwento ni Adel.

"Opo ma. Plano niyang pakasalan ulit ako. Kasi heto, nagkaloko loko lang"

"Si Elizabeth lang naman ang problema friend. Inaayos na ni Red kaya please lang----yung temper mo, ibaba mo ng konti. Kung ayaw mong buhusan kita ng malamig na tubig"

"Haissst-----problema din pag gwapo ang asawa. Kaya ikaw Randel, mag iingat ka sa mga may mala anghel na muka. Baka hindi mo namamalayan, inaaahas ka na pala"

"That's won't happened. Hindi lahat ng gwapo, pumapatol sa kung sino sino. Stick to one still exist----and I, was clinically proven and tested----di ba sweetie? "

"Magtigil ka nga. If I know----baka pag maganda ang pasyente mo, hindi lang sugat ang ginagamot mo" singhal ko.

"Wait----si Red at Adel ang may problema. Bakit nalipat sakin----paki explain" hinarap ako nito.

"Oh kayong dalawa. Nasa tabi niyo pa naman ang apo ko. Saka wag nga kayong mag away ng walang dahilan. At tandaan niyo to, Fe , Randel at Adel----walang mag asawa ang hindi nag away, ang hindi nagseselos, ang hindi nagkakasamaan ng loob. Kakambal yan ng pag aasawa. Pero dapat, alam niyo i-handle ang mga bagay bagay. Pag mainit ang sitwasyon, palamigin niyo muna. Walang nalulutas na problema pag parehong galit, dahil hindi nila pakikinggan ang isat isa. They're saving the self pride at yon ang hindi tama. Learn to forgive, at ang pinaka importante sa isang samahan, yung willingness to listen, para malaman niyo ang mali ng isat isa. Learn to open up. Walang pag aasawa na perpekto. May magkakamali at magkakamali kahit pa anong gawin niyo. At kung mahal niyo ang partner niyo----irespeto niyo. Katulad nang kung paano niyo gustong irespeto din kayo" mahabang paliwanag ni tita and she's right at ngayon----nasaan  si Red. Kami ang maghaharap"

"Ma!" Si Adel.

"O bakit? Kakausapin ko lang naman. Oa ng itsura mo anak"

"Yung itak ko ma" Si tito Henry.

"Pa! "  napatayo si Adel sa kinauupuan nito.

"O bakit na naman? May tatagain akong puno sa bakuran"

"Yung totoo pa" tinaasan ni Adel ng kilay ang papa nito.

"Oo na-----aabangan ko yang asawa mo. Magtutuos kami. Lalaki sa lalaki"

To be continued...

Red-----yung puno baka maputol 😂😂...someone stop tito Henry.

Di makaka 50

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon