"Adel" sigaw nito.Nagmamadali akong lumapit dito"Bakit Red?
"Give me a cup of coffee. Not to black. No cream and sugar. Understand? " pag klaro nito.
Tumango ako.
"Dalin mo sa study room ko. Pakibilisan. Ayaw ko ng nag iintay" sabi pa nito.
Muli ay tango lang ang naging sagot ko.
Nagmamadali akong bumalik sa kusina at nag gawa ng coffee nito. Sinunod ang timplang gusto niya.
Muntik pa akong madapa habang paakyat ng hagdan sa pagmamadali.
Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok. Baka kasi lalo lang itong magalit sakin.
"Eto na yung coffee mo" mahinang sabi ko.
Itinuro niya kung saan ko ilalagay ang tasa ng kape.
Tinikman niya agad ang kapeng tinimpla ko ito at napabuga ito.
"What's this?" Inis na tanong niya.
"Co-coffee" nauutal na sagot ko.
"You called it coffee" sabay tapon niya sa tasa ng kape. Dahilan upang mabasag ito.
Napayuko ako dahil sa paraan ng pananalita ni Red.
Mahina ito pero pasigaw.
"Out" utos nito.
Tumalikod ako para lumabas na sana tulad ng utos nito.
"Where are you going?" sita nito.
"La-lalabas na" nauutal na sagot ko.
"Sino maglilinis niyan" saka niya tinuro ang nabasag na tasa ng kape "ako?"
Umiling ako. Pinulot ko ito ng tahimik saka tinapon sa basurahan ng di sinasadyang mahiwa ako nito.
Itinago ko ito kay Red dahil pag nakita niya ay baka kung ano pa ang marinig ko.
Pagkatapos ay mabilis akong lumabas ng study room nito.
Nanginginig ang kalamnan ko dahil sa pag sigaw nito.
Hindi kasi talaga ako sanay na sinisigawan o pinapagalitan.
At masakit dahil asawa niya ako pero kung ituring niya ay isang katulong.
Nakita ko ang sugat ko. Medyo malaki pala ito kaya pala ayaw tumigil ang pag dugo.
Hinugasan ko ito at saka nilagyan ng band aid.
Nang matapos ay inasikaso ko naman ang para sa hapunan namin.
Nalaman ko ang mga pagkaing gusto nito dahil sinabi sa akin ni mommy Catherine.
At masaya ako dahil lahat halos ay alam kong lutuin.
Pero ang pinaka gusto daw nito ay ang adobo.
Kaya iyon ang inihanda ko. Baka sakaling pag natikman niya na masarap ang luto ko ay magbago kahit kaunti ang pag trato niya sa kin.
Kahit bilang tao lang
"Red" mahinang tawag ko mula sa labas ng study room.
"What?" sagot nito.
"Ah----ready na yung dinner. Baka gusto mo nang kumain" sabi ko.
Wala akong narinig na sagot pero nadinig ko ang mga yabag nitong papalapit sa pinto kaya nanakbo na ako palayo pabalik sa kusina.
Naupo na agad ito sa usual na pwesto nito.
Malayo sa akin.
Pinagsilibihan kong muli ito bilang asawa niya.
Pinaglagay ng kanin at ulam sa plato nito. Pinagsalin ng fresh orange juice. Saka lang ako naupo sa kabilang dulo ng lamesa para kumain.
Tahimik lang kaming kumain na tila ba hindi kami magkakilala. Tanging ang ingay na nagmumula sa kutsara ang maririnig mo.
Nang matapos ito ay mabilis din itong tumayo.
"Next time sarapan mo naman ang luto mo. You're wasting food" sabi nito bago ako iniwan mag isa.
Napakagat labi ako sa sinabi nito.
Masarap naman ah.
Gustong gusto nga nila mama at Papa ang luto ko.
Kahit sila nanay Pinang at Fe.
Ang hirap mo naman I-please
Sige ka next time...gagawin kong sinigang yang adobo ko.
Or...gayumahin kaya kita :')
Pwedeeeee...bright idea 💡
To be continued...

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?