Ang minsang pagdalaw ni Red sa bahay ay inakala kong sa umpisa lang, yun bang parang pa kitang tao lang.
Pero nagkamali ako. Araw araw ay sa bahay ito tumutuloy pagkagaling sa trabaho, hindi na ito nagbibihis at uuwi lang pag bandang alas onse o alas dose ng hating gabi.
Minsan, sinasabihan ako ni mama na doon nalang patulugin si Red dahil pagod ito pero tumatanggi ako. I'm not punishing him kung iyon ang nakikita ng iba. Hindi palang ako handa. At medyo nandoon parin ang pagka ilang ko.
It was Saturday at wala siyang trabaho. Maaga palang ay nasa bahay na ito dahil ako ang nag bukas ng pintuan para makapasok ito.
I'd never see him like this. Yung ngiti agad ang isasalubong sayo kahit na ramdam kong nahihiya siya. Aaminin ko, everyday na nakikita ko siyang ganito, mas lalo siyang gumagwapo. Wearing simple shirt and khaki. At kahit siguro hindi ko masaksihan, pag nakita siya ng ibang babae, sigurado akong may magkaka interes dito. Kahit pa medyo suplado.
"Morning"
"Morning"
"Tulog pa si hopie" tanong nito.
"Oo"
"For you and Hopie, and para kina mama"
She bought some foods for breakfast, para sa lahat. At karamihan ay healthy foods lalo na kung para sakin. At hindi nawawala dito ang fresh fruits pati mga vitamins ko at kay Hopie.
He even buy clothes para sa amin. Minsan nga lang, mukang next year pa pwedeng isuot ni Hopie dahil oversize.
At ang nakakatuwa, kalalaki niyang tao pero puro pang babae ang mga binibili niya.
Natawa kami ng makita namin kung ano ang laman ng isang box.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Puro shoes ni Hopie.
"Bakit ang dami?"
Bumaba si Papa karga karga si Hopie.
Si mama ay isa isang sinukat sa natutulog na si Hopie ang mga binili nitong sapatos.
"Para maraming choices. Saka baka maliit yung iba o malaki" paliwanag nito.
I'll take a picture of it at pinakita ko kay Fe through MMS.
Pati ito ay natawa. Um-over naman daw si Red. Pwede na daw ako mag tayo ng shoe store pag kinaliitan lahat ni Hopie.
"And this one is for you" handing me a box.
"Ano to?"
"Open it" utos nito.
Wow...
Hindi ako nakapag salita ng makita ko ang damit na binili niya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang ganda...
"You like it" tanong nito.
"Yeah. Thank you" sagot ko.
"I knew it would fit on you. Let's go, kain na tayo ng breakfast habang tulog si Hopie" anyaya nito.
Unti unti na naming nakakasanayan na palaging nandoon si Red.
He makes sure na tutuparin niya ang pinangako niya kina mama pati narin sa amin ni Hopie.
I won't forget that day sa hospital...paulit ulit niyang sinasabi na babawi siya sa amin...sa akin.
Hindi ko lang alam kung hanggang kailan siya ganito...may takot parin ako. Baka kasi kung kailan sanay na kaming nandiyan siya palagi, saka naman siya biglang mawala..
"Are you okay?"untag nito nang mapansin niyang nakatulala ako.
"Oo---okay lang"
"Masama ba pakiramdam mo. I'll bring you to the hospital" nag aalalang tanong nito.
"No---okay lang talaga ako. May iniisip lang" nakita ko ang concern sa mga mata nito. Pati sina mama at papa.
"Magpahinga ka na muna after kumain. Ako na bahala kay Hopie okay" sabi nito na tinanguan ko nalang.
-
"Anak, okay ka lang ba?"Si mama.
Nasa sala sina Red at Hopie ng mga sandaling yon. Kasama si Papa at nanay Pinang.
"Opo naman ma"
"Bakit tahimik ka?" Anong iniisip mo?" umupo ito sa tabi ko.
"Naiisip ko lang kasi ma, Paano kung isang araw, mapagod nalang bigla si Red. Tapos bigla siyang mawala kung kailan sanay na kaming nandiyan siya" pagtatapat ko.
"Anak, mahal ka ni Red. Nakikita ko yon, at alam kong nararamdaman mo yon. Natatakot ka kasi hindi mo din siya kayang mawala sa buhay mo. Bakit hindi ka pa bumalik sa kaniya. Hindi kita tinataboy anak. Ang sa akin lang, mag asawa naman kayo. Dapat magkasama sa iisang bubong. At kung ano man ang pinagdaanan niyo, Alma kong maayos yon. Dahil unti unti, nakikita ko ang pagsisikap ni Red na magka ayos kayo" payo nito.
"Pero hindi ba masyado namang mabilis. I mean---hindi pa ako sigurado kung totoo sa loob niya ang ginagawa niya"
"Anak----hindi ko masasagot yan. Ikaw mismo ang makakasagot niyang tanong mo. At ito ang gamitin mo" itinuro niya ang tapat ng puso ko "hindi ka kailanman man lolokohin ng puso mo "
Napangiti nalang ako sa tinuran ni mama.
"Hay ang anak ko, na inlove na ulit sa mister niya" panunukso pa nito.
"Ma"
"Huwag na magkaila. Kita naman sa mga ngiti mo pag nandiyan siya. Yung mga mata mo, may spark"
"Parang ikaw kay Papa" sabi ko.
"Oo----parang tayo sa mga taong mahal natin. Kaya hanggat maaga pa, mag decide ka na para hindi kung ano ano ang iniisip mo"
"Ay speaking of. Malapit na ang binyag ni baby. Saan natin gaganapin?" Tanong ko.
"Huwag ka ng mag alala pa tungkol don. Inayos na po lahat ng asawa mo. Ang kailangan mo nalang ay mag beauty rest"
"Ma"
"Bababa nako. Ako na magluluto ng lunch. Pupunta muna ako sa palengke. Bye anak"