SR : part 43

2.2K 161 30
                                        


"Tell me anak. Anong nangyari?" alalang tanong ni mama. I asked Fe and Randel na sunduin si mama. Yung palihim lang. I have this feeling na hinahanap ako ni Red. For whatever reason? Still, I don't really know, and I'm not interested anymore.

He's free now.

Pwede na silang magsama ni Ven.

"Long story ma. Pero sana pakinggan niyo akong mabuti. And try to understand kung bakit ko nagawa yon" panimula ko.

"I will listen anak" sagot nito.

Kami lang dalawa ang nasa kwarto. Randel and Fe gave us some privacy para makapag usap ng sarilinan.

"Remember that day, nung tinanong niyo ako kung papayag akong magpakasal kay Red. Pumayag ako. Dahil alam niyong may feelings ako sa kaniya kahit na noon lang ulit kami nagkita.  Nag decide ako dahil------unti unting namuo ang luha sa mga mata ko. I try to stop it pero hindi ko kaya and nakita ni mama yon. She wiped it and asked me to continue pumayag ako mas higit sa kadahilanang kayo ang iniisip ko"

"Pero bakit kami anak?" pagtataka nito.

"I know na masyado akong naging pasanin, kayo ni papa. I never heard any complain from you. Pero ramdam ko ma, kahit sa murang edad ko noon. Alam kong nahihirapan na kayo. Sa lahat lahat. Checkup, medication, yung surgery na hindi lang isang beses. Yung pa pagpunta sa ibang bansa. Yung schooling ko na alam kong malaki din ang binabayaran niyo. Lahat yon alam ko. At dahil sa naging sakit ko, nawala ang lahat sa inyo. Lahat ng naipundar niyo ni papa. Alam ko kung gaano yon ka importante sa inyo. Kaya nung dumating yung time na yon, na ipapakasal niyo ako kay Red. Pumayag ako. Dahil gusto kong masuklian ang lahat ng sinakripisyo niyo para sakin. Kasi naisip ko, kahit yun man lang ang magawa ko para sa inyo. Ayaw ko kayong biguin ma. Ayaw ko nang ako parin ang iniintindi niyo. Gusto kong makita kayo ni papa na masaya. Na walang ibang iniisip. Kaya pumayag ako sa napag kasunduan niyo. Pero------napahawak ako sa mga tuhod ko at nagsimulang manginig ang mga kalamnan ko maging ang tinig ko nagsinungaling ako sa inyo ma"

"Anong ibig mong sabihin?" umiiyak na ding tanong ni mama.

"Lahat ng sinabi ko sa inyo. Lahat yon, kasinungalingan. Hindi totoong maayos ang pagsasama namin ni Red"

"Anak anong----

"Ma-----sinaktan niya ako. Physically and emotionally" humahagulgol na kwento ko.

Napatutop sa bibig si mama sa mga Ipinagtapat ko.

"Naranasan kong makarinig ng masasakit na salita mula sa kanya. Naramdaman ko din ang maitulak at mamilipit sa sakit. He insulted me many times. He didn't let me say anything. Para akong robot ma. Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko. Dahil sabi ko----ginusto ko to. Kaya pangangatawanan ko. Tiniis ko ang lahat ma. Pero dumating yung point na napagod na ko----This past few days. Akala ko, nagbago na siya. Pero may dahilan pala ang lahat. I saw him with Ven. Ang babaeng totoong mahal niya. He even asked me, that same day ng formal announcement ng wedding namin na mag back out sa kasal. Pero hindi ko ginawa. Kaya mas lalo siyang nagalit sakin. Pero ma, ang mas masakit sakin. Na sa kabila ng lahat, bakit mahal ko parin siya" patuloy ang pag iyak ko na sinabayan din ng pagluha ni mama.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni mama habang patuloy sa pagluha at paghingi ng tawad.

To be continued....

Saya saya....saya saya 😂😂😂

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon