SR : part 45

2.4K 161 32
                                        


"Magsalita ka Adel" muling utos ni papa.

"Pa-----m-may hindi ako sinasabi sa inyo" nauutal at nanlalamig ang pakiramdam ko.

"Ano yon?" humarap ito sa akin na parang sinusukat ang katapatan sa mga sasabihin ko.

"S-sinabi ko po sa inyo na okay lang yung pagsasama namin ni Red. Pero ----pero nagsinungaling po ako pa" panimula ko.

"Tell me" Hindi pa man ay nakita ko ang pagkuyom ng mga palad ni papa.  Indikasyon na may pinipigil itong galit.

"S-sinaktan po ko ni Red pa" napayuko ako pagkasabi ko non at biglang tumayo si Papa.

"Kailan pa"

"Mula-----mula pa po noong ikasal kami"

"Bakit hindi mo pinagtapat sa akin agad?"

"Pa------ako na ang magpaliwanag sayo" hinila ni mama si Papa na maupo sa kama katabi ko.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga pinagtatapat ni mama kay Papa.

At makailang beses kong narinig ang mahinang pagmumura ni papa. Bagay na hindi ko kailanman narinig sa kaniya.

At nang matapos si mama ay muling tumayo si Papa.

"Magbihis kayo, pupuntahan natin ang hayop na yon" nagngangalit ang mga ngipin ni papa sa sobrang galit.

"Pa----please. Wag na po" pakiusap ko.

"At ano----babaliwalain ko ang ginawa niya sayo. Ni hindi ka namin pinadapuan ng mga palad namin noong bata ka. Hanggang sa lumaki ka. Tapos siya tong walang habas kang sasaktan na parang pag aari ka niya.  Nagsisisi ako kung bakit pumayag akong makasal ka sa kaniya. Kung alam ko lang na ganon ang magiging buhay mo.  Ako na mismo ang unang tumutol sa kasal na yon" galit na galit na sabi ni papa.

"Pa----tama na po. Ginusto ko yon pa. Walang pumilit sa kin na gawin yon. Pumayag ako dahil mahal ko si Red"

"Ikaw Oo minahal mo siya----pero siya anong ginawa niya sayo. Magbihis kayo ngayon din" at saka mabilis na lumabas ng kwarto si Papa.

"Ma" paghingi ko dito ng tulong.

"Pipigilan ko siya anak hanggat kaya ko" sumunod din kaagad si mama kay Papa.

Tumayo na din ako upang pigilan si papa.

"Pa" malakas na tawag ko dito.

Nasa sala ito parit parito. Alam kong kinokontrol niya ang galit na nasa dibdib niya.

"Pa please" muling pakiusap ko.

"No Adel. Puputulin ko ang kagaguhan ng Red na yan" papalabas na ito ng pinto.

"Pa" mahinang tawag ko.

"Pa si Adel " dinig kong sabi ni mama.

Muling nanikip ang dibdib ko ng mga oras na yon.

Mabilis akong binalikan ni papa at mama.

"Anak-----anak anong nangyayari? " alalang alalang tanong ni papa habang buhat ako sa mga bisig nito.

"Anak" umiiyak naman si mama habang hinihimas ang tapat ng puso.

"O----okay lang po ako papa, mama. Pakiusap po, tama na" nanghihinang sabi ko.

Inilagak ako ni papa sa sofa, kumuha naman si mama ng tubig.

"Anak-----ano na pakiramdam mo?" Hindi mawala sa muka ni papa ang tindi ng pag alala sa kalagayan ko.

Ito ang iniiwasan ko noon. Ang alalahanin nila ako.  Pero heto, muli ko silang binigyan ng problema.

"Okay na po ako. Pa-----tama na ha. Wala na ako sa poder niya.  Sa isang kaibigan ako nakatira kaya wag na kayo mag alala pa. Ayaw ko po ng gulo" muli pa ay nakiusap ako.

"Henry----makinig ka sa pakiusap ng anak mo. Kahit para sa kanya nalang at saka magiging apo mo" utos ni mama.

"Ano pa ba ang magagawa ko. Nakapag desisyon na kayo. At mas inaalala ko ang kalagayan mo kaya makakaasa ka anak" tugon ni papa na nagpakalma sa puso ko.

"Salamat pa. Mahal na mahal ko kayo ni mama " sabi ko sa mga ito.

"O anong nangyari dito?" tanong ni nanay Pinang habang papalapit ito.

"Nako nay wala. Nagda drama lang ang mag ama" sagot ni mama.

"Na mis ka lang ng Papa mo anak" sabi ng nakangiting si nanay Pinang.

Isang mahigpit na hawak sa kamay ang tugon ni papa at mama.

To be continued...

A moment like this....

O Ayan. ..masaya na talaga yan.

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon