Nang sumunod na araw ay naging bisita ko sina mama at Papa, kasama si nanay Pinang.Wala si Red dahil nasa trabaho pa ito ng mga oras na yon. Kaya alam kong kahit papano ay hindi nila malalaman ang tunay kong sitwasyon sa piling ni Red.
Sana lang ay hindi sila mag abot.
Nagluto ako ng merienda katulong sina mama at nanay Pinang.
"Kamusta ka dito anak?" si Papa.
"Ok naman po pa" sagot ko pero hindi ako makatingin dito. Dahil alam kong makikita nila na nagsisinungaling ako.
"Hindi ka ba nahihirapan na mag isa ka lang naiiwan dito anak. Parang ang tahimik masyado" Si mama.
"Sanay na ako ma"
"Si Red. Kamusta naman ang pakikitungo sayo" Si Papa.
"Ok naman po si Red pa. Mabait saka maaalahanin kaya wala po kayong dapat ipag alala." Nakailang ulit na ba akong nagsinungaling.
Parang hindi na ako to.
Ang Adel na palaging matapat sa mga magulang ko. Ngayon ay puro kasinungalingan na ang sinasabi.
"Bakit ba hindi kayo kumuha ng kasambahay? Baka mapagod ka anak sa trabahong bahay" pag aalala ni mama.
"Ok lang ma. Dalawa lang naman kami dito saka palagi naman siya sa trabaho niya. Kaya halos wala din naman akong ginagawa" sagot ko.
"Basta palagi kang mag iingat anak. Mag isa ka pala dito palagi" paalala ni nanay Pinang.
"Salamat nay" yumakap pa ako dito. Nakakamis din pala na nasanay kang may kasama sa bahay. Ngayon ay mag isa nalang ako palagi.
"Mainam pa intayin na natin ang pagdating ni Red tutal ay malapit naman ng maghapunan" suhestiyon ni papa na tutol ako.
Sobra ang naging kabog ng dibdib ko.
Paano pag nalaman nila ang totoong kalagayan ko dito.
Hindi lang sila mag aalala, higit sa lahat, baka maging isa itong malaking gulo.
Hindi lang sa pagitan ni Red at ng pamilya ko.
Mas malala ay kung pati ang pagkakaibigan nila nina mommy Catherine at daddy Kenzo ay madamay.
"Ba-baka po gabihin kayo sa byahe ma, pa" sabi ko.
"Nako okay lang yon. Minsan lang naman kami makadalaw sa inyo. Edi sulitin na" sagot ni mama.
Patay
-
"O Red. Nandiyan ka na pala" bati ni mama habang naghahanda na kami ng hapunan na niluto namin nila nanay Pinang.
Halata ang pagkagulat sa muka nito ng makita niyang bisita namin sina mama at Papa.
"Halika na at ready na ang hapunan" pag tawag ni papa.
"Good evening ma, pa" bati nito sa mga magulang ko. Nagbigay galing naman ito kahit papano.
"Good evening din anak. Sige na, magpalit ka na at ng makakain na tayo" utos ni mama.
Bago ito umalis ay tumingin pa ito sa akin ng makahulugan.
At alam kong makakarinig na naman ako sa kaniya ng kung ano anong salita pag wala na ang mga magulang ko.
Mabilis lang ito nagbihis at bumaba na rin para sumalo sa hapunan.
Tumabi ito sa akin at humalik pa sa pisngi ko.
Medyo nagulat ako sa inakto niya pero napagtanto kong palabas niya lamang yon para hindi makahalata ang mga magulang ko.
"Kamusta ang trabaho iho?" pag uusisa ni Papa.
"Ok naman po. Medyo busy lang kaya madalang kami magka bonding ng asawa ko" asawa?
Masarap pala sa pandinig....
Kahit kasinungalingan lang...
"Make time for your wife Red. Baka isang araw, malaman mo nalang na wala ka nang asawa" sabi ni papa.
Napalingon ako sa sinabi ni papa.
"Pa, ano ba yang sinasabi mo? Pag sita ni mama.
"Sinasabi ko lang ang katotohanan. Mostly kasi sa isang pamilya lalo na at workaholic ang isang lalaki, o kahit pa ang babae, ang tendency ay nasisira ang pamilya nito. Nagkaka hiwalay ang mag asawa dahil narin sa kawalan ng time sa isa't isa. Kaya hanggat maaari Red, wag sana kayong umabot sa ganong pangyayari ng anak ko" paliwanag nito.
Kahit naman po may time siya, hindi niya iyon ibibigay sa kin.
Kay Ven....pwede pa
To be continued...
Kita kita nalang tayo sa ending...
I am not hurting you dahil lang lang sa gusto ko..I'm doing it with purpose
Gusto kong maramdaman niyo yung sakit.
Para maramdaman niyo ang ibig sabihin ng....
Paghihiganti. ....charot lang

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?