SR : part 49

2.1K 155 39
                                        

After I've find out na magkaka anak na siya sa ibang lalaki at nakita ko kung gaano siya kasaya dito, titigilan ko na ang pag aasam na muli pa kaming magkakasama. I just pray na sana, na kung mag kaharap kaming muli, masabi ko ang nasa saloobin ko. Until now, hindi parin ako pinapa tahimik ng konsensya ko dahil sa pananakit ko sa kaniya.

I guess it's one of her many reason why she left.

Kahit bali baliktarin ko ang sitwasyon, may kasalanan parin ako kung bakit siya umalis. Kung naipadama ko lang sana sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. Hindi siguro siya maghahanap ng iba. Hindi niya siguro ako iiwan.

Siguro----masaya na kami ngayon. Kung hindi lang nahuli ang lahat.

Nag focus nalang ako sa trabaho ko at sa negosyo ko.

Bahay---- trabaho----bar

Ito ang naging buhay ko matapos ang lahat sa amin ni Adel.

I'm still watching her from afar. Ang unti unting pag laki ng tiyan nito. Ang selos na ayaw mawala sa puso ko.

Na sana...

Sana tayo ang magkaka anak...

Sana hindi kayo ni Randel...

Masaya itong inalalayan ni Randel papunta sa kotse nitong naka parada sa gilid ng kalsada.

Tinulungan na makasakay.

At saka umalis.

Sinundan ko ito hanggang sa hospital.

Alam kong magpapa check up ito.

Si Randel ay nakita kong nasa lobby kaya hindi ako nag tuloy sa loob. Tama na ang makita ko na okay siya kahit pa masakit na makita siyang may mahal ng iba.

Hinintay ko din ang paglabas nito hanggang sa muling nitong paglulan sa kotse ni Randel papunta sa mall.

Panay ang bili ni Randel ng mga laruan.

Laruang halos puro pambabae.

She's expecting a baby girl...muli akong nakaramdam ng selos.

Pati mga damit ay bumili rin ito. At iba pang baby needs.

Bagay na lalong kinainggitan ko.

Kung hindi lang kami nagkahiwalay----magkaka-baby na din siguro kami.

Hanggang sa pagkain ay asikasong asikaso ito ni Randel. Kulang nalang ay subuan niya ito.

At nakikita ko ang isang masayang Adel.

Isang babaeng kontento at masaya sa piling ng lalaking mahal niya.

Isang bagay na hindi ko nagawa.

Ang iparamdam at ipakita ang totoong nararamdaman ko.

Mas nanaig ang pagdududa ko. At ang pag aakala ko noon na si Ven ang mahal ko.

Ang bawat tawa ni Adel na sana ay ako ang dahilan.

Ang kasiyahan nito sa piling ni Randel na hindi ko naipadama kailanman.

Ang dami kong sinayang na panahon....ngayon ay puro nalang ako sana...

Sana pwedeng ibalik ang panahon at maitama ang mga maling nagawa ko...at nasabi ko agad na mahal ko siya.

To be continued...

You wanna know why it's hard to let go...

It's because you're not ready to accept that it's not meant to be...

anshakit...😭

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon