SR : part 31

2.3K 162 43
                                    

Month later...

"Hellllooo" isang napaka gandang bati ang bumungad sa akin that Sunday morning .

"Omg...I miss you Fe. Buti naman naisip mo na akong bisitahin" sabay yakap ko dito.

"Labag nga sa loob ko to eh ----saka ito tumawa "seriously, matagal ko nang plano pero busy sa trabaho no. Saka alam mo naman na tumatanda na ang nanay"

"Kamusta na ba siya. One day bibisatahin  ko kayo don"

"Okay naman. Buti nga hindi sakitin saka malakas pa ang katawan. Pero mahirap narin syempreng makampante. Kaya nga after work, bahay agad para may kasama siya"

"Teka saan ba lakad mo?" tanong nito.

"Magsisimba...Tara samahan mo nako"  sabay hila ko dito.

-

After magsimba ay dumiretso kami kami sa bahay. Tulog pa usual ng mga oras na yon si Red.

Nagluto ako ng breakfast para kay Fe, sa akin at kay Red narin.

"Kamusta ka naman dito?" Tanong nito.

"Okay naman. Mag isa palagi pero sanay na" casual na sagot ko.

"Adel" sigaw ni Red.

Please Red...wag ngayon. Mabibisto ako ni Fe.

"Bakit?" Pasigaw na sagot ko mula sa baba ng hagdan.

"Find my fucking phone. I need it now" sigaw nito pabalik.

Paglingon ko kay Fe ay iba na ang tingin nito sakin. Naka crossed arms pa at salubong ang kilay.

"Sandali lang Fe ha" pagpapaalam ko dito saka mabilis na umakyat.

Hinanap ko ang phone ni Red pero hindi ko ito makita kahit saan.

Si Red din mismo ang nakikita sa phone niya pero sandamak na sigaw pa ang nadinig ko mula dito.

Paglabas ko ng study room ay nasa tapat ng kwarto ko na si Fe at masama ang tinging pinukol sa akin.

Hinila ko siya pababa sa kusina.

"Care to explain what's happening Adel" batid ang galit sa tinig nito.

"Ah yon. Wala lang yon. Ano ka ba? Normal lang yon?" Sagot ko pero hindi ko makuhang tumingin dito.

"Normal?----normal bang sigawan ka niya eh asawa ka niya" galit niyang sabi saka niya ako pinihit paharap sa dito.

"May nangyayari ba hindi namin alam?" seryosong tanong nito.

"W-wala naman" nauutal na sagot ko bago nagyuko ng ulo.

"Adel, ako pa ba. Sa akin pa ba magsisinungaling. I know you well para makapag tago ka sakin ng kasinungalingan. I will listen Adel. I'm your friend remember. You can trust me" sabi nito kaya napaluha nalang ako.

Niyakap ako ni Fe at ngayon ko naramdaman na mahina din pala ako, na kailangan ko din pala ng taong mapapagsasabihan ng lahat ng nasa loob ko.

"Makikinig ako okay" bulong nito.

Inakay ko ito papunta sa kwarto ko. Mahirap nang makita kami ni Red na siya ang pinag uusapan.

Ikinuwento ko dito ang lahat ng pinag daanan ko sa piling ni Red at galit na galit ito sa mga nalaman niya.

"Kailangang malaman ito nila tito at tita---

"Please-----don't tell them. Malaking gulo to pag nagkataon"

"So ano---hahayaan mo nalang na ganyan ka habang buhay"

"No-----alam ko maayos din ang lahat.  Kung kailan ----hindi ko alam. Basta mangako ka na wala kang pagsasabihan maski kanino"

"Pero bakit ka nagtitiis?"

"Because I love him"

"That's bullshit Adel. So porket mahal mo okay lang na gawin ka niya ang mga yon sayo whenever he wants"

"Please Fe----listen to me. Once na malaman nila to, ihihiwalay nila ako kay Red. Mahal ko si Red. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko yata kaya na wala siya. Tanga na kung tanga. Martir na kung Martir. At ayokonh masira ang pagkakaibigan ng mga magulang namin. And most of all----ako na naman ang iintindiilhin ng mga magulang ko.  Masyado na akong naging pasanin ng mga magulang ko alam mo yan. At ayaw ko ng bigyan muli sila ng problema. I want them to live na walang iniisip kundi ang maging masaya. Kaya kong mag tiis Fe. Kakayanin ko...mangako ka please ---

"Fine---pero oras na maulit pa to Adel. Sorry pero ako na mismo ang kukuha sayo sa bahay na to. And wala ka nang magagawa. Babalik ako dito. Mag uusap ulit tayo. At wag mong sasabhin kay Red na pupunta ako-----kuha mo"

Tumango na lamang ako bilang sagot.

To be continued...

Malapit na bang matapos ang paghihirap ni Adel ng dahil sa pagkakatuklas ni Fe ng katotohanan...

Yung mga nag aantay ng continuation ng chapter 30....

Balato niyo na sa kanila yon...

Kung may nangyari o wala.. 😂😂😂
     

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon