"Sino ba kausap non? Ang tagal ah" dinig kong sabi ng isa habang ako'y nakaupo parin sa may kitchen counter at nagbabasa sa wattpad."Ma at pa. Pero ang sarap talaga ng pagkain no. Na busog talaga ko"
"Magagalit na naman ang misis ko nito. Sabihin na naman non, ini-snob ko na naman ang luto niya"
"Kahit naman hindi ka busog. Hindi mo naman talaga trip ang luto ng misis mo" natatawang sabi ng isa. Napapangiti lang ako habang nakikinig sa usapan nila.
Buti pa tong mga to...na appreciate ang luto ko.
Eh yung asawa ko...ni thank you nga di magawa...saklap
Mukang matagal pa sila aalis sa dining table kaya uunahin ko nang hugasan ang mga pinaglutuan ko para mabilis ko nang matapos mamaya. I decided na ituloy ang pagiging Web designer ko kahit mag asawa na kami ni Red kahit pa gusto niyang siya ang maging provider. Sa estado kasi namin, yung pagsasama namin, baka kasi one day. Isumbat niya sakin ang lahat ng ginagastos niya. Or much worst, bigla niya akong maisipang iwanan ng walang ipon kahit kaunti. May savings naman ako pero hindi ako dapat maging komportable.
"Hi---
"Bushak---- gulat na bulalas ko.
Lumingon ako at nakita ko ang isang sa mga kaibigan ni Red na nasa likuran ko...nakangiti.
"Sorry. Nagulat yata kita" paghingi nito ng paumanhin.
"M-medyo lang. Sorry din. Ahm may kailangan ka ba" kinakabahang tanong ko.
"Kukuha sana ako ng tubig. I didn't realize na may tao pala dito sa kitchen. Maybe ikaw si Adel" sabi nito.
Tumango lang ako.
"Hi----I'm Don" inilahad nito qng kanang kamay niya upang makipagkilala.
Nahihiya man ay nagpunas ako ng kamay ko saka inabot ang kamay niyang nakalahad.
"Hi Don" nakangiting sagot ko.
"So ikaw ang nagluto lahat non" sabay nilingon niya sa dining.
"O-oo" nahihiyang sagot ko.
Ngumiti muli ito "Wow. You're a good cook. Masarap lahat. Totoo yon ha. I'm not joking" natatawang sabi pa nito.
"Salamat naman at nagustuhan niyo"
"Oo naman. Madalang kaming makakain ng authentic pilipino foods. Pag trip lang and pag binibisita ako ni mom. Where did you learn those?" pag uusisa nito.
"Sa mama ko. She loves to cook kasi. Pati sa nanay Pinang ko. Yaya ko when I'm still young hanggang ngayon, they thought me everything para daw may alam ko sa mga gawing bahay lalo na yung pagluluto" sagot ko.
Ewan ko pero magaan ang loob ko kay Don. Parang ang gaan lang niya kausap.
"Good for you. Para pag nag asawa ka na. Hindi maghahanap ng iba ang asawa mo"
Sa sinabi niyang yon ay muli akong nakaramdam ng lungkot.
Bagong kasal pa nga lang kami pero niloloko na ko...hindi ko naman siya pwedeng pagsabihan o isumbong. He asked me to back out even before...mahal ko lang talaga siya.
"So you've met my wife" nagulat ako ng magsalita si Red na nakatayo sa may bukana ng pinto at matalim ang tingin sa akin.
"Adel is your wife?" pagkumpirma ni Don.
"Oo----sagot agad nito " Let's go" aya nito at nauna na itong tumalikod pabalik sa mga kaibigan nitong nasa sala.
"Wow. Kaya naman pala ayaw ka niyang ipakilala. He's keeping a gem" natatawang sabi nito.
"Ahm sige Adel. Nice to meet you. I guess, mauulit pa ang pag punta namin dito so brace yourself"
"Sure" sagot ko.
"Sige. Puntahan ko na sila. Thanks for the time talking to me. I had a great time" kumindat pa ito bago tumalikod.
Napapailing nalang ako kay Don.
To be continued...
Don don don don...don't do that...baka makalimot ako.
Baka itapon ko si Red ng walang pasabi...
Last update..nasa mood lang ako hehe
Malay niyo...sipagin pa ako mamaya 😂😂😂

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanficWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?