"What's happening?" Tanong ko kay Fe habang nananakbo kami patungong delivery room.
"Have you read the letter?" balik tanong nito.
"Oo----pero may hindi malinaw sakin. Why would she choose a normal delivery kung alam niyang delikado para sa kanya at sa baby namin. Why not CS section?" muling tanong ko dahil narin iyon ang narinig kong kaninang sabi ng doctor.
"We're here----sabi nito it's her request. Ginusto niya yon dahil gusto niyang maranasan ang totoong pakahulugan ng isang pagiging ina. At kahit ayaw naming lahat, sinunod namin ang kahilingan niya----dahil baka----baka iyon na ang huling pag hiling niya" sagot nito at muling bumalong ang luha sa pisngi nito.
Huminto kami sa tapat ng kwarto kung nasan si Adel. Nandoon ang mga magulang nito at si Randel.
"Tita" tawag ni Fe.
"Fe" umiiyak na tugon ni mama Lorma habang nakayuko si Papa Henry na tila nagdadasal.
"Ano na pong nangyayari?" Kahit wala ako sa position para magtanong, nilakasan ko ang loob ko dahil mag ina ako ang nasa isip ko.
Tumingin sa akin si mama Lorma.
"Nahihirapan siya pero ayaw niyang pumayag na i-cs siya. Kahit anong pagkumbinsi ng doctor, ayaw niya talagang pumayag" umiiyak na tugon nito.
Hinawakan ko ang kamay ni mama Lorma at humigpit iyon dahil sa galit na nararamdaman ko sa sarili ko at awa para kay Adel.
Pinili niyang mabuhay ang anak namin kapalit niya....
At heto ako...walang nagawa para sa kaniya...
Pakiramdam ko...napaka inutil ko tao. Walang silbi.
Tumayo ako at naglakad bahagya palayo sa lugar na yon.
Gusto ko lang ilabas ang nagpupuyos na galit sa loob ko.
Sa kawalan ng masasandalan at mapag sasabihan ng nararamdaman kong ay sinuntok ko ang pader na nasa harapan ko.
Once
Twice
Thrice
Hindi ko na mabilang. I've felt numbed. Physically and emotionally.
Slowly, I've curled myself and cried silently.
A cry of pain, hate and losing hope.
At sa oras na may mangyari kay Adel...hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko.
Why it has to be ended this way?
""Red" malakas na tawag ni Fe.
Nanakbo ako pabalik sa tapat ng delivery room. I don't care if they saw me crying.
"Ano nang nangyayari? " tanong ko dito.
Maya maya ay lumabas na ang nurse at tulak na nito ang isang baby stretcher.
"Yan na ba ang apo ko" tanong ni mama Lorma.
"Opo ma'am. A healthy baby girl" nakangiting sagot nito.
"Henry---ang apo natin" sinilip nila ang baby habang ako'y natulos sa kinatatayuan ko.
Makalipas ang ilang segundo ay nasa tapat ko na sila.
Ang anak ko...
Puno ng luha ang mga mata ko nang hawakan ko ang napakaliit nitong mga kamay.
At nang maramdaman ko ang lukso ng dugo para sa anak ko ay lalo akong naiyak.
Daddy na ako...
May anak na kami ni Adel....
"Sir, ilalagay ko po muna siya sa nursery" sabi ng nurse ng mapansin nitong hindi ko na binitiwan pa ang mga kamay ng anak ko.
Tumango na lamang ako at hinabol ng tanaw papalayo ang anak ko.
Maya maya ay siya namang paglabas ng doctor.
"Doc----how's my wife?" mabilis na tanong ko.
"She made it" sagot nito na bakas ang pagod sa muka.
"Oh God Salamat po" usal na pasasalamat ni mama Lorma. At si Papa Henry, bagamat tahimik ay nakitaan ko ng bahagyang pag aliwalas ng muka.
"She made it" nakangiting bulalas ni Randel. Nakangiti ito saka niyakap si Fe na luhaan parin ng sandaling iyon. Pero batid kong luha iyon ng kaligayahan.
God thank you...usal ko.
Pero maya maya ay....
"Doctora, ang patient" sabi ng isang nurse na halatang kinakabahan.
Muling sinara ang delivery room.
Muling bumukas at nagmamadali ang mga taong nasa loob nito.
Maya maya ay may mga nurse na may tulak tulak na kung anong aparato ang pinapasok sa loob.
"What's happening?" pagpigil ko sa isang nurse na papasok ng kwarto.
"Sir hindi ko po pwedeng sagutin yan. Sige po" at dumiretso na ito sa loob.
"Anong nangyayari? Akala ko ba ok na?" humagulgol na si mama Lorma hanggang sa mawalan ito ng malay tao.
To be continued...
Me at the moment
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.