SR : part 21

2K 148 17
                                    


Pinilit niya akong pinapainom ng alak. Ayaw ko dahil ni minsan ay hindi ko pa sinubukan ang uminom non.

At sa pagpipilit niya ay tumama ang dulo ng bote sa labi ko. Dahilan para pumutok ang gilid ng labi ko at dumugo.

Akala ko ay titigil na siya pero mabilis niya akong kinabig at siniil ng halik.

Halik na mapag parusa.

Pinilit kong kumawala pero wala akong laban sa lakas nito. Hanggang sa napagod at hinayaan na lamang siya sa gusto niya.

Ang sakit sa pakiramdam ng ginawa niya sa akin. Alam kong galit siya at sakin niya ito ibinuhos.

Pero nang maramdaman ko ang mga labi niya. Pakiramdam ko ay may nabuhay sa puso ko. Isang mumunting pag asa na baka sakali...

Baka sakaling mahalin niya narin ako.

Sa kwarto ako nag tuloy nang lumabas ako ng kwarto ni Red at doon umiyak ng umiyak.

-

Isang gabi ay umuwi itong lasing na lasing.

Hinatid lamang ito ng isang lalaki na nagpakilalang kaibigan nito.

Nagpatulong muna akong maiakyat ito sa kwarto niya dahil hindi ko siya kakayanin mag isa dahil malaking lalaki si Red.

"Salamat " sabi ko sa kaibigan nito.

"Welcome" sabi nito bago umalis.

Binalikan ko sa Red sa kwarto. May dala na akong maliit na bowl na may lamang tubig at face towel pampunas dito.

Inalis ko ang sapatos at medyas nito. Sunod ang t-shirt nito.

Itinira ko ang pantalon nito.

Pinupunsan ko ito ng magsalita ito.

"Ven" tawag nito sa pangalan ng girlfriend niya.

Para akong sinaksak pagkarinig ko nang pangalan na tinawag niya.

Si Ven parin

Siya parin ang mahal na mahal mo

Ang swerte niya naman sayo

Malayo nga siya pero siya ang laman ng puso mo

Ako na nandito sa tabi mo. Kahit yata sa isip mo wala akong lugar.

Kundi lang kita mahal Red. Baka sumuko nako.

Natapos kong punasan si Red at binihisan ng bagong t-shirt.

Pinagmasdan ko ang maamo niting mukha.

Napaka perpekto ng muka nito. Kaya alam kong hindi ang katulad ko ang magugustuhan niya.

Dinampian ko ito ng isang halik sa labi bago ko ito iniwanan.

Naupo ako sa sofa sa sala dahil hindi pa ako makaramdam ng antok.

Nang mag ring ang cellphone ko.

Hello ma - sagot ko.

O bakit gising ka pa - si mama.

Hindi pa po ako inaantok eh. Kamusta na po kayo ni papa - me

Ok naman kami. Ikaw kamusta ka na diyanKamusta kayo ni Red - si mama

Ok naman po kami ma - pagsisinungaling ko.

Inaasikaso ka ba niya. Hindi ka ba nahihirapan diyan - si mama.

Hindi po ma. Maalaga po si Red. Saka mabait. Kaya wala po kayong dapat ipag alala - sagot ko.

Buti naman kung ganon. Isang araw ay dadalawin namin kayo diyan - si mama.

Sabhin niyo po kung kailan  para naman makapag luto ako - me

Okay Sige.  O siya, magpahinga ka na at gabi na. Love you nak  - si mama.

Love you ma. Pakisabi na din kaya papa na mahal ko siya. Bye ma - me

Muling dumaloy ang mga luha sa pisngi ko. ..muli akong nagsinungaling sa mga magulang ko.

To be continued...

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon