Unedited
"Ma'am Adel, pinapa bigay po ni sir. Kainin niyo daw po. At nandiyan na din po ang mga gamot niyo. Bilin niya, huwag niyo daw po kakalimutan" pagkasabi ni manang Lora ng mga bilin ni Red ay umalis na agad ito.
Is this true...I mean.
Ok, alam kong inubliga siya ng mga magulang ko. Pero ok na ko. At saka hello...I can still walk. Sprained lang. Hindi totally ill.
Maybe it's just hallucinations.
Mamaya, babalik na sa dati ang lahat. Maririnig kong muli ang mga sigaw ni Red.
Itutulog ko lang to...then back to normal.
-
"Ma'am Adel, pasalubong po galing kay sir. Bilin niya, hinay hinay lang. Baka sumakit ang tiyan niyo pati ang ngipin niyo" tulad ng dati ay mabilis din itong aalis kahit hindi pa ako nakakapag salita.
Chocolates...eggpie...and wow Starbucks Coffee.
Hindi na hallucinations to...bangungot na to.
Gising Adel...gising. hindi mo pa oras.
Paunahin ko si Red no.
"Shit Red" na pasigaw ako.
Sabay takip ng bibig ko ng ma realize ko ang nasambit ko.
Bigla bigla ba naman kasing mag ring ang phone ko.
Hello Fe - sagot ko
Oh Adel, kamusta. Hindi ka ba naman naging punching bag ngayon or nagamitan ng megaphone? - pang iinis nito na may halong katotohanan.
Hindi nga eh...himala di ba. Samahan mo ko ulit sa hospital bukas - sabi ko
Huh bakit? May nangyari ba sayo? - alalang tanong nito.
Wala---pero pakiramdam ko, hindi paa ko ang may problema. Yung utak ko. Hindi ko kinakaya ang mga ginagawa ngayon ni Red - sagot ko.
Huh? Bakit? - unending na tanong nito.
Imagine, pinadalan ako ng pagkain sa room ko. Pati Medicine ko, binilin din niya. Tapos naman ngayon, aba may pasalubong pa. O hindi ba. Hindi ko ma imagine na gagawin niya yon. Kaya magpa check up ako bukas - sagot ko.
Ay nako. Hindi ikaw ang dapat magpa check up. Yang asawa mo. Palagay ko, nabagok ang ulo niyan. Nako mabuti pa, bumili ka ng helmet. Para manatili ng ganyan. Hindi ko pwedeng sabihin na nasaniban. Matatakot ang anghel na sasanib sa kanya - saka ito tumawa
Ang harsh mo masyado friend. Pero agree ako - saka kami nagtawanan.
Sige na nga. Magpahinga ka na. Lock your door my friend. Baka ngayon wala siya sa katinuan. Biglang pumasok sa isip niya na asawa ka niya. Ay nako alam mo na. Baka maging kabilugan agad ng buwan. Maging ninang agad ako - walang tigil sa pagtawa si Fe sa kabilang linya.
Buang ka Fe. Na inlove lang eh - panunukso ko.
Inlove ka din naman. Yun nga lang, ang puso ng lalaking minahal mo ay singlaki ng puso ng butiki - saka ito humagalpak ng tawa.
Fe---- sigaw ko dito.
Love you friend. Ba bye - mabilis nitong pinutol ang tawag.
-
After a week at ok na talaga ako ay ginawa kong muli ang nakagawian ko.
Hawak ang vacuum na mabilis na inagaw sa akin ni manang Lora.
"Manang ok lang. Sanay ako dito" sabi ko.
"Nako ma'am. Hindi pwede. Kabilin bilinan sa akin ni sir na huwag kitang pag tatrabahuhin ng kahit ano. Kaya please ma'am. Baka ma pagalitan ako ni sir" sagot nito.
"Okay sige---pero ako po ang magluluto. Pwede niyo po akong tulungan. Hanggang doon lang" nakangiting sabi ko.
"Sige po ma'am" nakangiting sagot naman nito.
"At manang. Ayaw ko po ng ma'am. Adel nalang po ang itawag niyo sakin pwede"
"Pero ma'am"
"Manang Lora----
"Hay bahala kayo ma'am---ay este Adel pala"
"That's good. Tara luto na tayo" aya ko dito dahil past nine na ng magising ako at gutom na ako.
Si Red naman ay nasa work na.
-
Nagbago kahit papano ang pakikitungo sa akin ni Red. Hindi na niya ako sinisigawan. Siguro dahil nahihiya ito kay manang Lora.
Hindi na din ako ang tinatawag nito para utusan kung may kailangan ito. Si manang Lora na ang palagi nitong tinatawag.
Sa hapag kainan naman ay casual na ito makitungo.
Nakikipag usap na kahit papano. Which is napaka strange para sakin. Hindi ako sanay. O hindi ko alam kung masasanay ba ako sa bagong Red na kasama ko ngayon.
"Ok na ba ang paa mo?" tanong nito.
"Ok na" maikling tugon ko.
Tumango na lamang ito at muling hinarap ang pagkain pero manaka naka ay nagkakahulihan kami ng tingin.
Na mabilis din naming binabawi.
Pag tapos naming kumain ay pumanik na ako sa kwarto ko. Ganon din ito. Pero walang imikan.
Hindi naman nagtatanong si manang Lora about sa arrangement namin. Yung hiwalay na kwarto. I guess, nasabi na ito ni Red sa kaniya. Good thing dahil hindi ko kayang magpaliwanag...which is unnecessary naman.
Pero may pangyayari na hindi ko inaasahan...na ikinatakot ko.
To be continued...
Tanong?
Sagot?
BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?