SR : part 54

2.4K 167 65
                                    


Pagkapasok ko sa chapel ay nakaramdam ako bigla ng bigat sa dibdib ko. Knowing that my wife is here and I was about to leave her behind. I know that some things happening at wala pang gustong sumagot sa mga tanong ko. And that's bothering me.

Malaki ang naging kasalanan ko sa asawa ko. Ngayong alam ko na na anak ko ang dinadala ni Adel sa sinapupunan niya, mas lalong nakadagdag yon sa kasalanan ko.

I now finally understand kung bakit pinili niya ang lumayo. She's only protecting our baby ng dahil sakin. And I'm such a jerk. Pinag isipan ko pa siya ng masama while she's having a hard time on her pregnancy and I was not there, not a single minute to help her.

How fool I am.

I wasn't able to control my tears as I was thinking how's my wife and my baby. I don't have the courage to face them though I wanted to.

Yumuko ako at muling napansin ang sulat na nasa mga kamay ko parin ang takot lukot lukot na ito dahil sa tindi ng nararamdaman kong galit sa sarili ko.

Hindi ko alam kung kaya kong basahin ang laman non dahil ngayon palang, kinakabahan na ako.

Pero ang sabi ni Fe,  lahat ng tanong ko ay masasagot ng sulat na yon.

______________________________________

Red

          Hindi ko alam kung saan at paano ako mag uumpisa.

         Siguro umpisahan ko sa totoo. Remember that day, nung i-aannounce yung tungkol sa wedding natin. You asked me na mag back out. And I said no. Hindi ko kaya. Una, ayaw kong biguin ang mga magulang ko. They've been through a lot at iyon lang ang naisip kong paraan para hindi na nila ako alalahanin pa.

      And yung isa pang reason...

      Pumayag akong magpakasal sayo dahil.....dahil mahal kita Red. Oo Red...minahal kita una palang kitang makita. Kaya kahit ayaw mo, hindi ako sumunod sa gusto mo. I wanted to be with you. Kaya natiis ko ang lahat lahat.

      Lahat ng sakit na pinaranas mo sakin, tinanggap ko yon. Kasi sabi ko sa sarili ko....balang araw. Baka sakali matutunan mo din akong mahalin.

      Umasa ako na isang araw, mangyayari yon.

      Pero hindi mo pala talaga akong kayang mahalin kahit anong gawin ko.

    Kaya umalis nalang ako. I want you to be happy. Kaya pinapalaya na kita. Pwede mo nang balikan si Ven. At pakisabi...sorry dahil inagaw kita sa kanya. Inagaw ko ang mga panahong sana ay kayo ang magkasama at masaya. Ngayon, isasauli na kita sa totoong mahal mo dahil hiniram lang naman kita.

       I was young nang ma diagnosed na may heart problem ako. I've undergo heart surgery. At na ulit yon when I was fifteen. Hindi namin alam if makaka survive pa ako but thanks to God, naka survive ako and as the years goes by,  hindi na ulit bumalik ang sakit ko. Which then I thought, I'm totally okay. But then, I didn't expect na babalik pala muli ang sakit ko. At ngayon pa nangyari.

      May hihilingin lang sana ako sayo bago....bago ako mawala. Nung umalis ako sa bahay natin, I'm already three weeks pregnant. Isa siya sa mga reasons ko kung bakit kailangan ko na talagang iwan ka. Ayaw kong mapahamak siya.

      Sana alagaan mo si Hope, mahalin mo sana siya. Kahit sa kaniya, ipadama mo sana yung pagmamahal na gusto kong maramdaman sayo. Magiging masaya ako pag ginawa mo yon.

     Alam kong hindi ka naging masaya sa piling ko, kaya sana, sa pamamagitan ng anak natin, mapasaya na kita.

       I'm sorry kung kinulong kita sa isang kasal na ayaw mo. Pero ngayon malaya ka na.

      Huwag mong pababayaan ang anak natin ha. Hindi ako mawawala sa inyo. San man ako mapunta, gagabayan ko kayo.

    At sana Red...huwag mong kalilimutan na minsan...may isang Adel na dumaan sa buhay mo. Na minahal ka ng totoo.

    Mahal na mahal ko kayo ng anak natin. Masaya akong lilisan sa mundong ito dahil nakilala kita at dahil sayo, may isang anghel akong isisilang sa mundo.

     I love you Red.....paalam

_____________________________________

No!

No! This is not true.

You're not going to die Adel.

This is not f****** true.

Nasuntok ko ang upuan kung saan ako mismo nakaupo.

I can't feel any pain from that...Mas nasasaktan ako sa nalaman ko.

At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

I am going to lose her.

At hindi ko man lang masabi sa kaniya na mahal ko siya. Ni hindi ko naipadama na importante siya sakin. Ni hindi ko nagawang maging isang asawa sa kaniya

Ang sama ko. Ang sama sama kong tao.

Ako nalang sana ang mamatay at hindi si Adel.

Hindi ang babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin ako sa kabila ng kasamaan ko.

Hindi ang babaeng magiging ina ng anak ko.

Ako nalang...

Diyos ko...ngayon lang ako hihiling sa inyo. Alam kong naging masama ako. At alam kong wala akong karapatang hilingin to. Pero kung maaari...Isa pang pagkakataon. Isa pang chance para maitama ko ang mga pagkakamali ko. Gusto kong makabawi sa lahat lahat ng pagkukulang ko sa kay Adel. Isang pagkakataon lang Diyos ko. Kahit ito lang....

"Red-----si Adel" humahangos na tawag ni Fe.

To be  continued....

Uwian na...

Yokona...

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon