SR : part 09

1.9K 168 88
                                        


Red

"Anak, magbihis ka ng presentable mamayang gabi" utos ni mom.

"What for?" walang ganang tanong ko habang ka chat si Ven.

"Mamaya na gaganapin ang formal announcement para sa kasal niyo ni Adel" napatayo ako mula sa pagakakahiga sa sofa.

Anong formal announcement?

Did I already told her na mag back out?

Anong nangyari?

"Pwede bang hindi nalang ako dumalo" pagtutol ko.

"Anak----ikaw ang ikakasal. Kaya kailangan na nandoon ka. Mahiya ka naman sa pamilya ng mga tita Lorma mo. Lalo na kay Adel. Magiging asawa mo na siya, kaya pag aralan mo nang pakisamahan siya he maayos" utos ni mom.

Hindi na ako kumibo pa.

Lagot siya sakin mamaya.

-

Nakita ko agad si Adel pagdating namin sa bahay nila. Marami rami naring mga bisita kaya humahanap lang ako ng pagkakataon para makausap ito.

I admit, she's pretty in her long white dress. Simple lang ito at hindi masyado naglalagay ng make up. Hindi katulad ng ibang babae na kulang nalang ay gawing coloring book ang mga muka sa kapal ng make up.

So what if she's pretty.

Mas maganda parin ang girlfriend ko sa kaniya.

At kailangan ko siyang makausap para hindi matuloy ang kasal namin.

After ng announcement nang nalalapit na kasal namin ay pa simple ko siyang hinila papunta sa loob ng kotse ko.

"Bakit Red?" bakas ang pagtataka sa muka nito kung bakit ko siya dinala sa loob ng kotse ko.

"We need to talk?" sabi ko.

"Tungkol saan?" nakatingin ito sa mga mata ko.

Her eyes were even pretty.

I shake my head.

"Tungkol sa sinabi ko sayo. What have I told you----di ba sabi ko mag back out ka. How come na may announcement na ganito?" inis na tanong ko.

Tumingin ito sa labas ng bintana ng kotse.

Bumuntung hininga pa ito.

"Hindi ko kaya Red" mahinang sagot nito.

"Anong hindi mo kaya. All you have to tell them is that you're not going to marry me. Simple lang, hindi kita gusto. Hindi mo rin ako gusto. At alam mong may girlfriend ako" medyo mataas na ang tono ng boses .

"I know ok. Pero hindi ko kayang saktan ang mga magulang ko"

"So kaya pumayag ka sa kalokohang to. God Adel, you're making the situation worst. Hindi ako ang pwedeng magsabi kay dad na ayaw kong magpakasal tayo. Pwede niyang ikamatay yon and that's one thing I'm afraid of. Kaya ikaw lang ang inaasahan ko. My girlfriend is waiting for me. Can't you understand that?" naiinis na talaga ako sa nangyayari.

Para naman kasing ok lang sa kanya ang mangyayaring kasal.

I can't see any regret or objection on her face.

"I understand Red. Hate me kung iyon ang gusto mo. Tatanggapin ko. Pero ang hindi ko kayang tanggapin ay kung ang mga magulang ko ang magalit sa akin. Sila lang ang meron ako Red. Ang dami nilang sakripisyo sakin. Ito lang ang magagawa ko para mapasaya sila" sagot naman nito na lalong ikinaiinis ko.

"If I know------kaya gustong gusto mong makasal tayo ay para makabalik kayo sa dati niyong pamumuhay di ba" napatingin ito sa akin. Halatang nagulat ito sa sinabi ko.

"Alam kong naghihirap na kayo. Unlike before na may mga negosyo, maraming sasakyan, malaking bahay-----tell me Adel. That's the real reason right? Nasanay ka sa marangyang buhay. Kayo ng pamilya mo. Kaya kami ang nakita niyong dahilan para ma bawi ang lahat ng nawala sa inyo di ba. You're only after money"

Slap

To be continued...

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon