Everyday ay narito si Red after work. Pero pagdating ng Friday night till Saturday ay hindi to nagpupunta sa bahay.Minsan nagtataka na nga ako pati sila mama at Papa.
Nagtatanong nga din si Fe at nanay Pinang dahil sanay sila na hindi nag absent sa pag visit si Red sa amin ni Hopie.
Red - Honey I can't be there tonight until tomorrow. See you both on Sunday okay. I love you. Take care. Mis you already.
Friday kasi ngayon at hindi na naman siya darating.
Ano bang ginagawa mo Red?
Mas importante ba yan sa min ni Hopie?
-
Sunday
"Hi Honey, hi baby" Nasa bahay na siya exactly seven in the morning.
Gusto kong magtanong, pero nag aalangan ako.
Hindi naman masama magtampo di ba.
Nasanay na kami na everyday nandiyan siya, pero bakit ngayon, every Friday night hindi na siya pumupunta and the whole day of Saturday.
Ito na ba yung kinatatakutan ko.
Na one day, mapagod nalang siya.
"Let's go Honey, sa labas tayo mag breakfast and lunch na din, ipapasyal natin si baby" sabi nito habang nasa kotse kami.
Tahimik lang ako pero tumango ako bilang sagot dito.
Napansin kong inihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada.
"Honey, what's wrong?" tanong nito.
"Ha! Wala, may iniisip lang ako" pagsisinungaling ko.
"Honey, I know some things bothering you. Ngayon palang tayo ulit nagkakasama ng ganito, I want you to be happy. Please tell me---I wanted to help"
"Wala naman. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ka nagpupunta sa bahay tuwing Saturday" pag amin ko "nagsasawa ka na ba, napapagod ka na ba?"
Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko saka dinala sa labi nito.
"I won't Honey. At tungkol don, may ginagawa lang talaga akong importante. At malalaman mo di yon soon" sagot nito. Lumapit ito at hinalikan ako sa mga labi ko.
Matagal at tila gusto pa nitong mas lumalim ang halik na yon.
"I love you Honey, at wala akong gagawin na ikakasakit ng loob. Just trust me this time okay" sabi nito na hindi parin lumalayo sakin.
"Okay" sagot ko.
Muli niyo akong kinintalan ng halik sa labi bago lumayo at muling mag drive.
"Honey, ikaw na maupo. Dito nalang ako" sabi nito
Isang seat nalang kasi ang natitira. Marami kasing talagang nagsisimba sa church na yon. Maraming deboto.
"Sure ka" tanong ko pa.
"Yes---akin na yung bag. Para hindi ka mahirapan kay Hopie"
Ako ay may karga kay Hopie dahil nakatayo lang si Red.
Bago mangalahati ang misa ay nag inarte si Hopie.
"Ilabas ko muna siya Honey. Babalik nalang kami pag hindi na umiiyak" sabi nito.
"Sige"
Malapit nang matapos ang misa pero hindi na bumalik ang mag ama.
Naiinip siguro si Hopie sa loob. Medyo mainit din kasi dahil sa dami ng nagsisimba.
Paglabas ay hinanap ko agad ang mga ito.
At natanaw kong pinapalibutan na sila ng mga babae.
At talaga naman tong mga babaeng to...walang pinipiling lugar.
At mukang enjoy naman yung mokong na yon.
"Honey" tawag ko.
Napalingon ito pati ang mga babaeng yon na aliw na aliw ...kung kay Hopie o sa asawa ko, hindi ko alam 😡
To be continued...
Bakod on the mode...🔫💣
Kakatuwa kayo...
Naging chatbox yung comments section...
Naempake ko na...ako na mag hatid kay Adel. ..
Yung banda I-ready niyo na..
Matinding pagsalubong ang gagawin natin 😂😂

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?