Probably...last update for today.
You will understand why after you read this...
This chapter...may challenge ako sa sarili ko. Pati sa inyo...
Try not to laugh challenge tayo...
-
Adel
Due month. Ito na yon
"Makikita ka na ng lahat Hope" habang hinihimas ang bilog na bilog ko pang tiyan.
Ang bilis lumipas ng mga buwan. Parang kailan lang. Ngayon ay iluluwal ko na sa mundo ang dahilan kaya lumalaban ako. At ilalaban ko siya hanggang sa huli.
Nagawa ko na ang huling bagay na gusto kong gawin bago pa man dumating ang oras na to.
Hawak na iyon ni Fe. Sa kanya ko pinagkatiwala ang lahat. Sila ni Randel na hindi ako iniwan kahit minsan.
At tatanawin ko itong isang napakalaking utang na loob.
Against man sila sa desisyon ko ay pinilit nilang tanggapin.
Mga magulang ko nalang ang kailangan kong kausapin tungkol sa desisyon ko. Tanggapin man nila o hindi, buo na ang desisyon ko.
-
"Anak kamusta na pakiramdam mo?" tanong agad ni mama oras na makapasok siya sa loob ng unit ni Randel. Pinasundo ko sila kina Randel at Fe ng araw na yon.
"Okay lang ma. Upo po kayo ni papa" sabi ko dito.
Kaharap din namin ng mga oras na yon sina Randel at Fe na alam ko namang mas kinakabahan pa sa kin sa ipagtatapat ko.
Kaba at takot
"Hindi mo kami ipapasundo kung walang problema Adel" Si Papa.
Higit kanino man ay sila ang linis na nakakakilala sa kin.
Kaya kahit ano pa ang gawin kong lihim ay malalaman at malalaman din nila.
Kaya hanggat masasabi ko pa, gusto kong marinig nila mismo sa kin.
"Ma, Pa. May sasabihin po ako sa inyo. At hiling ko po----sana ay maintindihan niyo ang naging desisyon ko. Masakit din sa kin to pero mas pinili ko ang tama. Anuman ang mangyari, huwag niyo sanang pababayaan sang anak kong si Hope" pauna ko.
"Ano bang sinasabi mo anak. Naguguluhan ako" Si mama na batid kong natatakot na sa kung ano man ang lihim ko.
"Ma, Pa" lumapit ako sa kanila at mariing pinisil ang mga palad nila.
"Nung araw na umalis ako sa bahay namin ni Red, nagdalawang isip pa ako. Pero mas naisip kong mas tamang lumayo ako. Una, dahil nasaktan talaga ako ng makita ko sila ni Ven, pangalawa " tila may bikig sa lalamunan ko ng mga sandaling yon mas pinili ko na ang lumayo para kung sakaling-----sakaling mawala na ako. Hindi siya ma guilty"
"Teka anak. Ano bang sinasabi mo ha" nag umpisa ng mangilid ang mga luha ni mama.
"Ma, Pa-----I'm sorry " Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko sa pag agos dahil sa kahit ako, ayaw ko pa. Gusto kong lumaban pero malabo na.
"Please Adel, linawin mo ang mga sinasabi mo" Si Papa na humigpit na rin ang hawak sa palad ko.
"Ma, Pa-----delikado po ang pag bubuntis ko. Unang check up ko, tinapat na ako ng doctor na sumuri sakin. Maliit lang po ang chance na isa sa amin ang mabuhay------At mas pinili ko po na mabuhay ang magiging anak ko-------humagulgol na si mama pagkasabi ko non at si Papa man ay hindi napigilan ang mapaluha sa mga pinagtapat ko.
"Ma, Pa. Alam ko pong maiintindihan niyo ang desisyon ko dahil magulang din kayo----at tulad niyo, ipinaglaban niyo ako noon para mabuhay. At iyon din po ang gusto kong mangyari. Gusto kong bigyan ng pagkakataon ang anak ko na mabuhay kapalit ko-----alam ko pong mahirap tanggapin pero mas gugustuhin kong ako ang mawala kaysa sa anak ko. Naranasan ko na ang mabuhay, at gusto kong maranasan iyon ng anak ko. Sapat na yung panahon na nabuhay ako. Hindi man ako naging masaya sa buhay may asawa, kahit papano, naranasan ko ang magmahal. At sa inyo, Randel, Fe. Salamat sa inyo. Sa lahat lahat. Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng tulong niyo sakin at pag aalalaga-----at sa inyo mama, papa. Utang ko sa inyo ang buong buhay ko. Ang lahat ng pagsisikap niyo para sakin. Lahat ginawa niyo mabuhay lang ako. Kaya sana, si Hope ang maging daan para mapasaya ko kayo. Alam kong aalagaan niyo siya higit pa sa pag aalaga niyo sakin. Mahalin niyo siya na parang ako. Hindi ako mawawala sa inyo, gagabayan ko kayo. At kay Red, kung hilingin niya na maging ama kay Hope, ibigay niyo po sa kaniya ang pagkakataon. Hindi siya naging masaya sa piling ko. Kaya sana, sa pamamagitan ng anak ko, mapasaya ko siya. At kung sakaling hindi na kami magka usap pa. Pakisabi nalang na alagaan niya si Hope. At Pakisabi na din na mahal ko siya. At huwag siyang mag alala, matagal ko na siyang pinatawad"
"Ang anak koooo" napuno ang buong kwartong iyon ng iyakan.
Mahigpit na yakap ang binigay nila kay Adel.
Mula sa mama at Papa niya.
Kay Randel at Fe na parehong luhaan.
To be continued...
Hindi ako umiyak...wala ni isang patak na luha sa pisngi ko.
Wala talaga 😭😭😭
Wala nga talaga...I'm not lying 😭😭😭
BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfikceWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?