SR : part 79

2.3K 183 55
                                        


Weekly routine na ganon si Red.  Mostly ay late na siya nakakapunta ngayon. Minsan ay gusto ko na siyang kausapin pero bigla din magbabago ang isip ko.

"Honey may problema ba?" nang isang gabing medyo maaga siyang nakauwi. Araw ng huwebes.

"Wala naman" mahinang sagot ko.

"Tahimik ka kasi. Saka ni hindi mo ko kinakausap. May nagawa ba ko----kung meron just tell me. Para makahingi ako ng sorry"

Hindi ko nga alam kung meron kang nagawa. Pero unti unti kang nagbabago. Yung kinatatakutan ko noon na mapagod ka, parang nangyayari na.

"Wala nga" tugon ko. Puyat lang ako.

"Sure ka" paninigurado pa nito bago tumabi sakin sa kama.

"Oo nga---matulog na siguro tayo" sabi ko nalang.

Tumalikod ako dito. Hindi ko kasi kayang tingnan siya, nandoon parin ang pagdududa ko pero hindi ko maisatinig ang nararamdaman ko.

Baka kasi nagkakamali lang ako, nagiging Oa.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit unti unti siyang nagbabago?

May iba na kaya siya?

Or bumalik kaya ulit si Ven?

Pwedeng hindi natuloy ang kasal nito at bumalik kay Red.

Posible...

At ang posibilidad na yon ang hindi ko napaghandaan.

Ngayon palang, nasasaktan na ko.

Naramdaman ko ng yakapin ako ni Red.

"I love you Honey, so much" humalik pa ito sa buhok ko "kung ano man ang iniisip mo, sana sabihin mo sakin para alam ko ang dapat kong gawin kung may nagawa man ako sayo. It hurts me Honey, na tahimik ka lang. Na ayaw mo akong kausapin. Mas gusto ko pang sigawan mo ko, saktan mo ko at least alam ko ang mali ko kaysa ang hindi mo ako kibuin. Hindi ko kasi alam kung ano gagawin ko. You're here with me pero parang ang layo mo. I can hug you pero pakiramdam ko, katawan mo lang ang yakap ko, hindi kasama ang puso mo. Sorry Honey kung may nagawa ako"

Sorry din Honey...nais kong sabihin pero ayaw bumukas ng mga labi ko.

Humarap ako dito saka yumakap ng mahigpit.

"I love you Honey, please kung may nagawa ako. Sorry na ha. Ayaw ko ng ganito" dugtong pa nito.

Umiling lang ako habang nakasubsob ang muka ko sa dibdib nito

"I will assume na na-mis mo lang ako Honey" sabi pa nito.

Muli ay hindi ako sumagot.

"Honey" dumausdos ito pababa upang pumantay sakin.

"Can I kiss you?" mahinang tanong nito.

Hindi ako sumagot at nakatitig lamang ako sa mga mata nito.

"It's okay if you don't----

Ako na ang unang humalik sa mga labi niya.

Naramdaman kong nagulat pa ito pero mabilis ding tumugon sa halik ko.

Naging mahigpit ang pagkaka kayakap nito sa katawan ko, at naging mas malalim ang simpleng halik na yon.

Halik na tila ba uhaw na uhaw.

Sobrang init.

Nakakalunod.

At ako na din ang unang bumitiw ng kinapos na kaming pareho ng hininga.

"Thank you honey----I love you"

Then we slept together without breaking the hug.

To be continued...

You expected something ano 😂

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon