SR : part 19

1.9K 162 98
                                    

Hindi ako nagsawang pagsilibihan si Red kahit hindi parin nagbabago ang pagtrato niya sakin.

Parang katulong

Parang hindi asawa

Parang estranghero

At hindi ko mapaniwalaaan ang nararamdaman ko kung bakit sa kabila ng lahat ay patuloy ko siyang minamahal.

Nang makaalis na ito upang pumunta sa trabaho ay nilinisan ko ng kwarto nito.

Medyo makalat na kasi at kung saan saan niya nalang mailagay ang ibang damit nito.

Pati ang cabinet nito ay medyo magulo na din.

Inumpusahan ko sa cabinet. Sinunod ko ay ang mga damit niyang nagkalat. Kinuha ko ito at lalabahan ko mamaya. Isinunod ko naman ang kama nito. Sunod ang mga gamit nito. Pang huli ang banyo. Halos manananghalian na ng makatapos ako.

Pagkatapos kong mananghalian ay labahin naman ang inasikaso ko.

"Hay, nakakapagod din pala" sabi ko sa sarili ko.

"Ganito pala talaga ang buhay may asawa sa papel.

Nagpahinga ako sa kwarto pagkatapos nang mga trabaho ko.

-

"Adel" narinig kong malakas na pag sigaw ni Red mula sa labas ng kwarto ko.

Nakatulog pala ko.

Nag madali akong bumangon kahit pupungas pungas pa ako.

"R-Red" bigkas ko sa pangalan nito.

"Ano ba naman. I was calling for nth times dahil may ipapakuha ako sayo sa kotse. Pero ano, natutulog ka lang pala. Ang sarap naman ng buhay mo" galit na sabi nito.

"Pasen----

"Stop-----ayaw kong makarinig ng kahit ano mula sayo. Kunin mo ang mga gamit ko sa kotse at dalin mo sa study room-----now" malakas na sigaw nito na dagli ko namang sinunod.

Kinuha ko ang ilang kahon na nasa trunk ng kotse nito at saka iniakayat sa study room nito.

"Adel" muling sigaw nito mula sa kwarto nito.

Takbo ako papunta dito.

"B-bakit? " medyo natatakot na tanong ko.

"Who told you na pakialaman mo ang mga gamit ko" itinuro nito ang table niya kung saan nakapatong ang lahat ng personal things niya.

"Nilinisan ko lang kasi medyo magulo na" nakayukong sagot ko

"Come here " utos nito.

Hindi ko maihakbang ang mga paa ko palapit dito.

Ewan ko pero sa paraan ng pagkaka tingin nito sa akin ay para bang handa niya akong patayin ano mang oras.

Nang makalapit ako ay mahigpit  niyang hinawakan ang braso ko.

"R-Red,  masakit" mahinang sabi ko.

"Masasaktan ka talaga. At mas matindi pa diyan ang aabutin mo sa oras na pakialam mo ulit ang mga gamit ko. Naiintindihan mo" galit na galit na sabi nito.

Nangilid ang luha ko dahil sa dalawang bagay.

Ang sobrang higpit ng pagkakahawak nito at ang mga salita nito na para bang napaka laki ng kasalanang nagawa ko.

Tumango na lamang ako dahil parang ayaw lumabas ng mga letra sa bibig ko.

"Out" sabay tulak nito sa akin.

Sa lakas ng tulak niya ay tumama ang balakang ko sa gilid ng kama.

Masakit yon dahil yari sa matibay na kahoy ang frame ng kama niya.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa sobrang sakit pero ni impit na daing ay hindi ko ginawa. Baka mas lalo lang madagdagan ang galit ni Red.

Nauna itong lumabas ng kwarto kaya naiwan akong namimilipit at pinipilit tumayo.

Napaluha ako sa sobrang sakit.

Pero mas masakit sa loob ko. Sa puso ko.

Bakit kailangang ganito ang pakikitungo mo sakin Red?

Bakit kailangan mo akong saktan?

Ang tahimik na pagluha ay naging hagulhol pero pinigilan kong huwag makagawa nang kahit kaunting ingay.

Pumunta ako sa kwarto ko at isinubsob ang muka ko sa unan.

Doon ko malayang inilabas lahat ng nararamdaman ko.

Nasasaktan ako Red pero bakit mahal parin kita.

Bakit ikaw pa?

Bakit?

To be continued...

May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag...

Ang magmahal kahit walang kapalit...

Ang magmahal kahit nasasaktan...

Ang mapuyat makapag update lang 😂😂😂

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon