Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Paki paliwanag guys hahaha...Yung lamang pa yung comments sa views.
Real talk guys...Sakay na sakay kayo sa kagagahan ko 😂😂 having fun talking to all of you kahit sa wattpad lang.
Last na to..wala nang hihirit. Uso pahinga. Uso kain. Uso banyo 😂😂
May bukas pa...
Red-dy na kayo?
Heto na...
One . . . . . . Two . . . . . Three . . . . . . Dame to cosita . . . . . .
Nakatingin ito sa akin at ganon din ako sa kanya.
Tumayo ako mula sa kama.
"Ma-may kailangan ka ba?" Hindi ko alam kung bakit ganon ang kabog ng dibdib ko.
Para bang sasabog. Parang nagkaka cart wheel ang puso ko.
"Yeah----pakiligpit naman yung mga bote sa baba. Then, make me a cup of coffee " utos nito.
"Sige. Magbibihis lang ako" naka bathrobe pa kasi ako dahil nga kakatapos ko lang maligo.
"Later na yan. Tayo lang naman dito. They left already" sabi nito.
Atubili man dahil kinakabahan talaga ako sa paraan ng pagkaka titig nito ay nagawa ko parin maglakad patungo sa pintuan.
Umatras ito para makadaan ako at nag diretso ako pababa ng hagdan papunta sa likurang bahagi ng bahay.
Mabilis ko lang naman nalinis ang mga kalat nila kaya nagtimpla na agad ako ng coffee ni Red.
Pagkatapos ay umakyat na ako para tunguhin ang kwarto nito at ibigay ang coffee na hiningi niya.
Naka ilang katok na ako ay wala paring sumasagot. Sinubukan kong pihitin ang door knob, bukas naman. Sumilip lang ako ng bahagya at nakita kong madilim sa loob nito, wala siya sa kwarto niya kaya sa study room naman ako nag tuloy pero wala parin siya don.
At ang huli kong naisip ay ang kwarto ko.
Hindi kaya doon na nakatulog dahil sa kalasingan.
Nakaawang ng konti ang pintuan sa kwarto ko at nakita kong nakahiga si Red sa kama ko.
Bakit dito siya sa kwarto ko nahiga? Eh sa tagal namin nakatira dito, neverpa siyang pumasok sa kwarto ko....himala
Pumasok at inilapag sa bed side table ang kape saka ito ginising.
"Red----eto na yung kape mo" mahinang sabi ko.
"Red" ulit ko dahil hindi ito tumitinag sa pagkakahiga. Parang tulog na nga.
Ok last na....pag di ka pagumising, Bababa na ako at no choice, sa sala ako matutulog.
"Red---" muling tawag ko at sa pagkakataong yon ay kumilos na ito.
"Paki masahe naman ng ulo ko" utos nito kahit nakapikit.
"A-ako" pag ulit ko pa.
"Nobody's here Adel, so it's you I'm talking about" sagot nito.
"O-okay" papahina na ng papahina ang boses ko.
Bakit nanlalamig ang mga kamay ko?
Masahe lang Adel ang gagawin mo okay...wag ka ngang kabahan
Wooohh...okay
Kalma Adel...one two three
Dahan dahan akong naupo sa gilid ng kama at lumapit kay Red na nakapikit parin.
Gwapomo talaga!
Focus Adel !
Focus
Marahan kong minasahe ang sintido nito. Nakikita kong ginagawa ito ni mama pag masakit ang ulo ni papa kaya natutunan ko.
"Where's my coffee?"
"Heto" kinuha ko ang coffee nito sa side table at inabot dito.
Marahan itong tumayo at ininom yon.
"It's cold" mahinang sambit nito.
"Gagawa nalang ulit ako ng bago. Sanda----
"No----it's okay. I just want to sleep" sabi nito at bumalik sa pagkakahiga pero bago pa ito makahiga ay tumapon ang kaunting coffee sa damit nito dahil hawak parin niya ang tasa.
Inutusan niya akong kumuha ng damit sa room niya para makapag palit siya.
Eh bakitkaya hindi siya lumipat sa room niya at doon matulog...
Utos here...
Utos there...
Sapakin na kita Red...
Kundi lang talagatumibok tong gagang puso ko sayo...
Noon ka pa pinaglamayan...
"Eto na Oh" sabi ko pagkabalik sa kwarto ko.
Bumangon ito at pilit tinatanggal ang damit niya pero hirap na hirap ito kaya tinulungan ko na.
Sa hindi sinasadyang pagkahila ko sa damit niya ay nahila niya din ako pahiga kaya napayakap ako dito.
Siya ang nasa ilalim.
At nakatitig ito sa muka ko.
Kung ang kabog ng dibdib ko kanina ay kumalma na, ngayon ay heto na naman at mas matindi pa.
Puso ko...kalma lang.
Baka bumigay ka.
Tatayo na sana ako pero hinigpitan niya pa lalo ang pagkakayapos sa katawan ko.
"R-Red bitiwan mo na ko. Lalabas na ko" halos pabulong nalang na bigkas ko.