"Ma, pa----I'm going to mis you" naiiyak na sabi ko."Juskong bata ito. Para bang napakalayo niyo. Eh di bibisita kami sa inyo o kaya kayo naman ang pupunta dito" natatawang sabi ni mama.
"Nasanay na kasi kami ni Hopie na nandiyan kayo palagi"
"Masasanay ka din na wala kami palagi sa tabi mo. Dahil nandoon naman ang asawa mo para alalayan ka. At nandito lang kami palagi anak----isang tawag mo lang" Si Papa.
"Ma mi-mis ko tong cutie patutie na to" panay ang halik ni mama kay Hopie.
"Akina nga yang batang yan at hahalik din si Papi----wag ka iyakin doon ha. Baka mabalibag kayo ng bato ng kapitbahay----manang mana ka kasi sa mommy mo"
"Pa!"
"Nagsasabi lang ng totoo. Masama ba----okay sige na. Tara na at ihahatid ko na kayo"
"Hopieeeeee" sigaw ni Fe na umiiyak.
"Anyare" tanong ko.
"Wag ka ngang ano. Syempre aalis na itong maganda kong inaanak. Wala na akong lalamutakin araw araw"
"Dalawin mo kami palagi ah " sabi ko nalang.
Yakap, halik...mga pabaon nila kay Hopie.
At aaminin ko----hahanap hanapin ko ang ganito.
"My turn" Si Randel mula sa kusina "come to papa----huwag agad magpapaligaw okay. Ask me first kung approved"
"Ang advance mo naman sweetie. Hindi pa nga nagsasalita yan" natatawang sabi ni Fe.
"Syempre first baby. Kailangan dumaan sa masusing paglilitis ang sinumang aakyat ng ligaw sa baby ko"
"Hay ka strict ni papa Randel baby no. Don't worry, si tinangs ang bahala sayo"
"Kunsintidor na tinangs"
"Mahal ko lang si Hopie" sagot ni Fe.
"O baka naman mag away pa kayo niyan" natatawang sabi ko.
"Nakikita ko na pag nagka anak na yang dalawang yan" Si mama.
"Asot pusa" Si Papa.
"Ay sandali at ako ay hahalik muna sa anghel na yan" Si nanay Pinang. May dala pa itong isang panyolito.
"Para sayo ito apo. Para may alaala siya mula sa lola Pinang"
"Ang ganda nay" isang kulay puting panyo na may nakalagay na pangalang hope sa pinaka gitna nito. At may mga pala muting bulaklak sa gilid "Salamat nay" humalik ako dito.
"Mag iingat kayo palagi. Ma mi-mis kayo ni nanay" umiiyak na paalala nito habang yakap yakap si Hopie sa mga bisig nito.
Naiyak na naman ako.
"Group hug nga diyan" sabi ko.
"Picture" Si Randel.
I am happy with my decision but part of me was left in this house.
My heart
This will be my home...always.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
Fiksi PenggemarWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?