SR : part 14

2K 157 82
                                        

O heto na po....may lakad kayong lahat eh ano ha...

Maikli lang po talaga ako mag update...kinakapos ang brain ko 😂😂😂

_____

That morning ay nag breakfast ako sa dati kong kinainan.

Hindi sa inaasam kong makita si Randel, masarap lang talaga ang mga pagkain nila at affordable talaga.

Habang nakayuko ako ay may naupo sa bakanteng upuan sa mismong table kung nasan ako.

Pag angat ko ng ulo ko ay si Red ang tumambad sa harap ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal pang tanong ko.

Hindi ko kasi inaasahan na makikita ko siya. He's avoiding me kaya nakapag tataka na nandito siya ngayon.

"Kakain. Bakit bawal ba? " sarkastikong sagot nito.

"H-hindi naman" Yumuko nalang ako at hinarap ang pagkain na in order ko.

Nag order narin ito ng pagkain niya ng may tumawag sa pangalan ko.

Lumingon ako at nakita ko si Randel na papasok ng resto.

Medyo kinabahan ako dahil kasama ko si Red.

Yes-----he's not like a real husband to me pero were still married.

Pwede kasing iba ang maging interpretation niya kay Randel.

Matipid akong ngumiti bilang tugon saka ito nag tuloy sa counter.

Tila ba pansin niyang naging kabado ako kaya hindi na niya ako tinawag pa o nilapitan.

At ang nasa harapan kong si Red ay masama ang tingin sa kin.

"We've  just got married tapos may lalaki ka na" sabi nito na ikinabigla ko.

Oo----nabigla ako dahil ang pangit pakinggan ng salitang "May lalaki" ako.

"Mali ang iniisip mo" pagtatanggol ko sa sarili ko sa mahinahong paraan.

"Really huh? " sabi pa nito bago uminom ng hot coffee.

Umiwas nalang ako ng tingin. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko saka mabilis din na lumabas ng resto palayo kay Red.

Masakit makarinig ng paratang na walang katotohanan at alam kong walang saysay ang magpaliwanag dito dahil alam kong hindi naman ito makikinig sa isang katulad ko na ang tingin niya ay mukang pera.

Bumalik ako sa hotel at nagkulong sa kwarto. Five days stay kami sa Paris at ngayon palang ay gusto ko nang umuwi.

Mahirap palang may kasama ka nga pero parang wala din.

May asawa ka nga, pero invisible ka sa paningin nito.

Mahal mo siya pero pagkasuklam ang nararamdaman niya para sayo.

Akala ko, yung pagkakaroon ko ng sakit noon ang pinaka mahirap na pag dadaanan ko. Hindi pala.

May mas matindi pa pala.

At ito ay ang mabuhay sa piling ni Red.

Bakit ba ako na pasok sa ganitong sitwasyon?

Sana hindi nalang kasi tumibok ang puso ko para sa kanya?

Sana kaya kong suwayin ang kagustuhan ng mga magulang ko?

Kung kaya ko lang.

Pero higit kanino man, ang mga magulang ko ang pinaka importanteng tao sa buhay na kahit kailan ay hindi ko kayang saktan at biguin.

Kaya ko to!

Laban lang Adel!

Darating ang panahon, hindi man niya ako matutunang mahalin.

Malaman lang niya ang katotohanan na hindi pera ang habol ko at hindi kami ganon kasama, ok na sakin yon.

Magkahiwalay man kami, at least. Nalaman niyang mali ang iniisip niya.

To be continued...


SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon