Sunday morning
He's early as the morning bird dahil nasa bahay na agad siya. He asked me kung pwedeng siya ang magluto mga breakfast kaya pinayagan ko naman.
Pero ang alam ko hindi siya marunong magluto.
Bahala siya ah...siya nag suggest.
Basta ba wag niya lang susunugin ang buong bahay...
I went back to my room upstairs dahil baka magising si Hopie.
I lay beside her sa kama. Niyakap at saka muling natulog.
It's only six am. At para sa mga may baby, six am ay oras parin ng tulog.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog.
Naramdaman ko nalang na parang may ibang tao. Nagsasalita ito, or should I say, nag be-baby talk.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
At nakita ko si Red karga si Hopie.
Nasa rocking chair silang mag ama, facing the window. May sinag ng araw don at alam kong pinapaarawan niya si Hopie habang kinakausap ito.
Panay ang ngiti ni Red at ramdam kong natutuwa siya habang kausap si Hopie.
Panay din ang halik niyo dito.
"When you grow up, dadalin kita sa Disneyland kasama si mommy. Kahit saan mo gusto, pupuntahan natin. Basta makita lang kitang happy. Be a good girl like mommy. Naging bad kasi si daddy eh. Pero I love you so much baby ko. Kayo ni mommy. Hindi ko pa lang masabi, nahihiya si daddy eh. Marami kasing kasalanan si daddy. Pero don't worry Hopie, gagawin ni daddy ang lahat. Love na love ko kasi yong mommy mo. Kahit medyo sinusungitan ako. Siguro sa akin ka pinaglihi ni mommy no. Kamukhang kamukha mo kasi si daddy"
Napangiti ako sa huling sinabi nito...
He's right....sa kaniya ko pinaglihi si Hope. I have a lot of photos sa gallery ko. Puro stolen shots nga lang. That was the time na magkasama kami sa bahay pero he never treated me as his wife.
I love taking photos of him kapag busy ito.
I just want to keep it as memories. Kahit yon lang.
"Morning" sabi nito.
Napansin na pala niyang gising na din ako.
"Morning " ganting bati ko bago bumangon at nagpunta sa banyo para mag toothbrush at maghilamos na din.
Paglabas ko ay nasa crib na si Hopie at wala na si Red.
Lalabas na sana ako ng kwarto ng biglang sumulpot si Red at may dalang breakfast.
"Breakfast in bed"
"Bababa naman ako"
"Nope. Tapos na sila. Iniintay lang kitang magising para sabay tayo" ibinaba niya sa ibabaw ng kama ang tray na dala niya.
"Ikaw talaga nagluto niyan"
"Oo naman. Nag aral ako last week pa"
"Bakit?"
"Wala lang. Sabi ko di ba, babawi ako. And it's the start. From now on, basta wala akong work, ako ang magluluto----let's eat" hinila niya pa ako para maupo na sa kama.
We're facing each other na nakakailang...at hindi ko maintindhan kung bakit ngayon pa ako na ilang.
"How was it?"
Masarap "Pwede na"
"So hindi pasado sayo. Don't worry, I'll try my best next time.
Nasaktan ko ba siya?
"Sige" sagot ko nalang.
Maya maya ay hinawakan nito ang kaliwang kamay ko nakapatong sa hita ko.
"I'm happy. Thank you"
Ngumiti ako dito masaya din ako. Sana nga tuloy tuloy na ang pagbabago mo.
To be continued...

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanfictionWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?