Adel"I love you"
Natigilan ako pagkasabi niya ng tatlong salita na yon.
Tamang narinig ko na yon sa kaniya simula palang nang nasa hospital kami. At ang iniisip ko lang non, baka nagi guilty ito dahil sa kalagayan ko.
Pero bakit iba ang dating nito ngayon sakin.
The way he looks to me.
Seryoso na ba talaga siyang mahal niya nako.
"Honey"
"H-huh? "
Itinuro nito ang pancakes na nasa plato ko.
Napangiwi ako ng makita kong nalulunod na ito sa syrup.
Binigyan niya nalang ako ng panibagong pancake sa plato.
-
"Sige po ma, nanay Pinang aalis na po ako" pagpapaalam nito.
"Sige Red. Ingat sa pag drive" paalala pa ni mama bago sila tumuloy ni nanay Pinang sa kusina.
Inihatid ko ito sa pinaka gate ng bahay.
Kung bakit naisip ko yon, hindi ko din alam. Parang gusto ko lang
Parang ano....
Feel ko magpaka asawa...
"Sige na honey. Go back to sleep. Basta pag maaga akong makauwi, darating ako"
"Hindi na. Tomorrow nalang"
"Sige. Bye honey" at mabilis itong humalik sa labi ko.
Napasinghap ako sa ginawa nito.
Nakalayo na ang kotse nito pero nakatayo parin ako sa may gate.
"Ayiii may pa ganon pa ngayon. Ano yan ha, bibigay na ba si friend" panunukso ni Fe.
"Tumigil ka nga" saway ko.
"Ay sus, eh bakit namumula ka. Aminin, inlove ka na ulit. Sabagay, sa effort ba naman ni Red. Imposibleng hindi ka muling mahulog don. Sagutin mo na kasi"
"Loka. Mag asawa na kami. Anong sagutin"
"Sige maglaro tayo ng tagu taguan. Taguan ng feelings. If I know, ang sinisigaw ng puso mo ay "in love na ako, in love na sayo" di ba"
"Tse. Eh kayo ni Randel, ano na balita sa inyo. Bakit hindi ka yata dinadalaw?"
"Doon kasi ako dumidiretso sa condo niya after niya akong sunduin"
"What?"
"Oh wag histerical. Alam ni nanay no. Saka nagpaplano na kasi kaming magpakasal. Pero inintay lang namin na nakakalakad na si Hopie dahil siya ang flower girl namin"
"Talaga. Congrats friend. Don't worry, mabilis lang ang panahon. Bukas makalawa, nananakbo na yung inaanak mo"
"Speaking of"
Gising na si Hopie at karga ni papa.
"Ayun pala si mommy. Narinig kong humuhuni kaya kinuha ko na sa crib----kay mommy ka na at mag aalmusal lang si Papi. May trabaho ako"
"Thanks pa"
Saka inabot sa akin si Hopie.
"Kailan yan masusundan?" biglang tanong ni Fe.
"Fe!"
"What? Anong masama sa sinabi ko. May asawa ka. Natural pwedeng masundan si Hopie"
"Alam mo naman ang pinagdaanan ko di ba"
"Alam ko. Pero pwedeng CS no. Ayaw mo lang kasi non dahil akala mo, last day mo na sa mundo. Eh mabait si Lord, kaya hayan. Second life. Kaya need ng second child"
"Kumain ka na nga. Gutom lang yan. Ang aga aga kung ano ano sinasabi mo"
"Di ba Hopie masarap ang may kapatid. Pag lalaki, ang name niya Believer"
"Anong believer?"
"Believer. Hope. Lahat ng pag asa, paniniwala, ipapangalan natin siya mga anak mo. Kung babae ulit, Faith"
"Kumain ka na nga. Maloloka ako sa tinangs mo baby"
"Ganon talaga pag inlove. Di ba friend"
"Ewan"
Nagtatawanan nalang kami habang papasok ng bahay.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
FanficWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?