Kaya yung mga reply ko sa inyo...pwedeng serious pwedeng ding puro kalokohan. Kaya pagpasensyahan niyo na ha.
Kung serious ka....serious din ako
Kung Baliw ka...MasBaliw ako
Kung mayaman ka.....ok bye 😂😂
_____
Alam kong hindi na bumalik ng room niya si Red. Dahil dinig ko ang pagbukas o ang pagsara nito ng pintuan sa room nito.
Nag basa muna ako ng story sa app sa cellphone ko. Sa wattpad. Minsan ito ang libangan ko kapag nagpapalipas ako ng oras.
It is a story about a girl na nagmahal, nasaktan at lumayo.
Nasa kalahatian na ako ng mapagod ang mga mata ko.
I decided na sulitin nalang ang mga araw ko dito kahit mag isa.
Sayang naman kasi ang ilang araw ko dito kung magkukulong lang ako sa kwarto.
Nang hingi ako ng map sa front desk ng hotel para hindi na ako manligaw ulit.
Sumakay ako ng taxi hanggang sa makarating ako sa isang pamosong lugar sa Paris.
Ang Pont des Arts o ang love lock bridge.
Marami raming tao ng mga oras na yon dahil papalubog na ang araw. Masarap ng mamasyal.
Love lock...I lock ko nalang kaya ang sarili ko dito....naisip ko.
Pinagmamasdan ko lang ang mga lock na nandoon. Yun iba may date pa kung kailan sila nagpunta dito. Yung iba may promise of forever pa.
Nakakainggit din pala.
Kung sana mahal din ako ni Red. Edi sana, naglalagay na din kami ng love lock namin.
Pero ngayon, if ever ever na kasama ko siya dito mismo, hindi love lock ang ilalagay niya kundi hate lock.
And that hate will remain forever hanggang sa mawala nalang ako sa mundong ito.
Sa di kalayuan ay nakita kong mag nagtitinda ng iba't ibang klaseng lock.
Lumapit ako dito, hindi naman ako sigurado kung bibili ba ako. Na curious lang.
Hanggang sa isang pink cartoon lock ang nakatawag ng pansin ko. Ang ganda nito para sa akin kaya binili ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ano naman ang gagawin ko dito? ----tanong ko sa sarili ko.
Naisipan kong mag lagay din ng lock. Saka ko kukuhanan ng picture, remembrance lang.
Then I wrote...
Sana isang araw, mahalin nya din ako ♡
Adel :')
Pagka lagay ko ng lock ay nag ikot ikot lang ako sa lugar na yon.
Hanggang sa mapahinto ako sa isang dako ng tulay kung saan kilala ko kung sino ang nakatayo doon.
Si Red...
At may kasama itong babae.
Magkahawak kamay pa at sweet na sweet.
Biglang nanikip ng dibdib ko dahil sa nasaksihan ko.
Harap harapan akong niloloko ng asawa ko.
Pero wala akong karapatan sa kaniya. Papel lang ang hawak ko. Hindi ang puso niya.
Tumalikod ako at kinayang maglakad palayo habang unti unting tumutulo ang mga luha ko.
"I think you need this" sabi ng isang boses sabay abot ng isang panyo.
Tumingin ako dito at si Randel ang nakatayo sa daraanan ko.
"Randel!" mahinang sambit ko sa pangalan nito.
"Let's go" sabi nito saka niya ako sinabayan sa paglalakad.
Tahimik kaming pareho sa byahe na alam kong pabalik ng hotel.
At pagdating sa hotel ay inaya niya akong umakyat sa rooftop.
At doon ko nakita na maganda pala ang ayos ng rooftop. May pool, may mini garden at mini house kung saan may nakalagay na sofa.
Inaya niya akong maupo malapit sa tabi ng pool.
"Is it ok if I asked you why did you cry?" tanong nito.
"I don't know you personally. I don't know if I can trust you?" sagot ko.
"Listen to you heart. And you can decide" sabi nito.
Dapat ko bang sabihin ang nakitako at ang kalagayan ko?
To be continued...
Question : ano ang magiging papel ni Randel sa buhay ni Adel?