Muling sumapit ang araw ng linggo at tulad ng nakagawian ko. Maaga akong nagbihis para magsimba. Panata ko na yon simula ng bigyan niya ako ng chance na mabuhay ulit.Palagi akong sa bandang gitna pumepwesto para mas marinig ko ang pangaral ng pari.
Minsan sa buhay natin ay may mga bagay na hindi natin magpaliwanag, mga pagsubok na hindi natin alam kung bakit nangyayari. Na kahit ba anong isip niyo ay wala kayong makuhang kasagutan. Problema sa buhay, sa pera, sa pamilya , sa mga mahal sa buhay. Minsan, naitatanong mo sa Diyos, bakit mo ito binigay sa akin? Bakit ako? Marami naman diyan iba pero bakit ako ang napili mo?
Simple lang, ang gusto ng Panginoon ay subukin ka. Subukin ang pananampalataya mo sa kaniya. Kung susuko ka ba o mananatiling matatag sa kabila ng lahat ng pagsubok na pinagdadaanan mo.
Tandaan lang natin, na ang bawat paghihirap natin ay may katapusan. Bawat problema ay may solusyon. Bawat sakit ay may kagamutan. Ang bawat luha ay may kapalit na ngiti.
Kapit lang....huwag kayong bibitiw. Dahil sa oras na bumitaw ka, talo ka.
Nagkataon ba na ang Misa ay parang patungkol sa buhay ko. Sa pinagdadaanan ko.
At sa bawat salitang binibitiwan ng pari ay si Red ang nasa isip ko.
Si Red na puro sakit ang inaabot ko. Pero heto, nananatili parin ako sa piling niya.
Tama si father....hindi ako bibitiw.
Darating ang panahon, matutunan din akong mahalin ni Red.
-
Pagdating sa bahay ay pasado also nwebe na. Tahimik parin ang buong bahay. Patunay na tulog parin si Red.
Nag luto ako ng almusal kung sakali mang mag hanap ito ay may maihahain ako.
Pagkatapos ay ginawa ko ang mga bagay na nakasanayan ko. Mag linis, magligpit.
Metikolosa ako pero mas metikoloso si Red. Ayaw niya kahit ang konting dumi sa bahay. Sa bagay na yon ay walang problema dahil ayaw ko din ang maduming bahay.
Patapos na akong maghain ng bumaba si Red. Naupo agad ito sa silya at binuklat ang newspaper. Pinagtimpla ko na agad ito ng black coffee. Pinaglagay ng tinapay, sunny side up at bacon. May ginawa din akong fresh orange juice kung ayaw nito ng kape ay ito ang iniinom niya.
Kumain ito ng tahimik. Ni lingunin ako ay hindi nito magawa. Bagay na sanay naman na ako. It feels like I didn't exist. Ganoon ang buhay ko sa piling ni Red.
Masakit tanggapin na ganito ang naging buhay ko. Pero kakayanin ko. Para sa ikatatahimik ng lahat. Lalo na ang mga magulang ko.
Ang alam nila ay maayos ang buhay ko. Pangangatawanan ko kaysa mag alala pa sila.
Natapos itong kumain, tumayo at bumalik sa kwarto.
Ganon lang.
Immune na ako.
Pagkatapos ay hinugasan ko na din agad ang pinag kainan niya.
"Adel" sigaw nito mula sa study room nito.
Mabilis akong umakyat papunta sa study room nito.
"Clean this" utos nito saka tinuro ang mga papel na nakakalat sa sahig.
Mabilis naman akong kumilos sa utos nito.
Nang matapos ay tumalikod na din ako palabas ng study room niya.
Ilang minuto palang akong nakakababa ay sinigaw na naman nito ang pangalan ko.
"Adel"
Akyat muli ako.
"Where's that fucking phone?" paghahanap nito sa cellphone niya "find it" sigaw nito.
Paano ko malalaman kung nasan yon eh hindi pa naman ako nagliligpit sa study room nito.
Hanap dito hanap don. Pero wala.
"Damn it----I need that fucking phone. Find it, hurry up" muling pasigaw na utos nito.
"Go to my room. Find it everywhere" muling utos nito.
Takbo ako papunta sa room nito.
Pag inis ito ay tiyak na ako ang pagbabalingan niya.
Kakahanap ko ay natabig ko ang imported perfume nito.
Mabilis itong nahulog at nabasag. Sinubukan ko pa itong mahabol pero huli na.
"What the?" galit na pagsugod nito at nakita niya ang perfume niya sa sahig.
Nakayuko lang ako dahil hindi ko alam kung paano sasalibungin ang inis niya.
"Hindi ka ba nag iingat ha. Do you even know how much that perfume ha?" Bigla niya akong itinulak kaya napa upo ako.
"Out----get out" sigaw nito.
Kaya mo yan Adel!
May katapusan din ang lahat.
To be continued...
Tatapusin na rin kita Red...

BINABASA MO ANG
SPARKS from RED
Fiksi PenggemarWAGAS na pagmamahal? Meron pa nga ba nito? Kayo ba? Naranasan niyo na bang mahalin ng WAGAS o nagmahal na ba kayo ng WAGAS ?