SR : part 70

2.6K 175 43
                                        


Pinapalitan ko si Hopie ng diaper ng lumabas mula sa banyo si Red.

Nakatapis lang ito ng twalya sa baywang.

Bigla akong nakaramdam ng pagka ilang.

Napalunok.

Binilisan ko ang pagpapalit kay Hopie para makahiga na ako.

"She poof" sabi nito mula sa likuran ko.

Nalanghap ko ang natural na amoy nito. Yung amoy sabon.

Aminin niyo, mas masarap amuyin ang lalaking bagong paligo!

"Ha---oo" nauutal na sagot ko.

Adel---bakit ka kinakabahan? Naligo lang siya okay.

Mabango

Half naked...

O tukso...layuan mo ako.

"Tulungan na kita" mas lumapit pa ito at dumikit ang katawan nito sa likuran ko.

Bigla akong napatuwid.

Kalma Adel...walang mangyayari okay.

Yung utak mo...pirmi lang. Wag kung saan saan napapapadpad.

"Hindi---ako na. Matatapos naman na. Ma-magbihis ka na"

Juskolord...pandesal sa gabi.

Pagtalikod nito ay nakagat ko ang damit ni Hopie.

"After that, matulog ka na. Ako na bahala kay Hopie" utos nito.

"No----ako na. May work ka bukas di ba. Ako nalang"

"Sure ka" pagkumpirma pa nito.

"Oo naman----sure"

"Sige-----goodnight Hopie" humalik ito sa pisngi nito "night honey" akala ko ay yun lang pero bigla nalang akong hinalikan sa pisngi.

Dati sa noo

Ngayon sa pisngi

Adel----alam mo na ang susunod.

Ready ka na ba?

"N-night" mahinang sagot ko. Ni hindi ako makatingin dito.

Nahiga na ito sa sofa at mabilis na ipinikit ang mga mata nito. Tanda ng sobrang pagod dahil marami itong inasikaso kaninang umaga dahil sa binyag ni Hopie.

Kinuha ko si Hopie sa crib.

Gusto ko itong makatabi.

Bilin ni mama, hayaan kong matulog si Hopie mag isa sa crib para hindi ito masanay na palaging may kasama. Para daw maging independent.

Pero minsan lang naman, ang sarap kayang may kayakap na baby sa gabi.

Lalo na siguro yung....

Ahhh erase...

Wag kang mag imagine Adel....masama yon.

Syempre pag nagtabi...yayakap

Pag yumakap...syempre hindi pwedeng walang kiss

At pag may kiss...

Syempre doon na papunta yon

Another Hopie ang pwedeng mabuo

At hindi pwede...

Nanganib na ako minsan.

Baka hindi na ako makaligtas next time.

Kaya Adel. ..wag kang kumire.

Si Hopie nalang panggigilan mo okay.

Nakaidlip na ako ng maramdaman kong lumundo ang kama.

Antok na antok ako kaya hindi na ako nag abala pang alamin.

To be continued...

Kire...

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon