SR : part 58

2.5K 194 97
                                    


Red

"Red" malakas na pag tawag sa akin sa akin ni Fe.

Nag angat ako ng ulo at hinanap kung nasaan siya.

Nasa loob ito ng ER kasama si Randel. Maging ang mga nurse na kukuha sa katawan ni Adel ay naroon parin at pawang nakatulala.

"Red" muling tawag sa akin ni Fe.

Nanlalambot man ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumayo. Hindi ko parin kayang tanggapin na wala na sa akin si Adel.

Marahan lamang ang naging paghakbang ko. Sa totoo lang ay gusto ko muna mapag isa ng mga sandaling yon.

Dahil ayaw mag sink in sa utak ko na wala na ang asawa ko.

Hinila na ako ni Fe sa tabi nito at ngayon ay pinaharap niya ako sa kama ni Adel.

At ganon nalang ang pagkabigla ko ng makita kong muli sa monitor ang pag tibok ng puso nito.

Mabilis akong lumapit dito at hinawakan ang mga palad nito.

Mainit at nakita ko ang pagtaas baba ng dibdib nito.  Patunay na humihinga itong muli.

"Oh God" naibulalas ko "thank you God, thank you" at mariin kong siniil ng halik ang mga labi nito kahit pa tulog parin ito.

"Nandito lang ako Adel. Hinding hindi kita iiwan, Pangako yan" bulong ko habang umaagos ang masaganang luha ko. 

Ang sakit na nararamdaman ko kanina lamang ay napalitan ng walang ibayong saya. Ang makita kong buhay ang babaeng tinatangi ng puso ko. Ang ina ng anak ko.

"Red----mahinang tawag ni Fe habang palapit sa amin "yang pagmamahal mo sa kaniya ang nakikita kong dahilan kaya lumaban pa siya. Naramdaman ka niya. At sana, huwag mo na siyang sasaktan pa" umiiyak na sabi ni Fe.

Tumayo ako at mahigpit na niyakap si Fe.

"Salamat sa lahat Fe----at huwag kayong mag alala. Hinding hindi ko na hahayaang maulit pang muli ang nakaraan. At nangangako ako sa inyo---kung pa patatawarin ako ni Adel, gagawin ko ang lahat para lang maging masaya siya sa piling ko" sambit ko.

"I know she will and I will trust your word Red. I've witnessed your love for her. Pero mahal mo na ba talaga siya?" tanong nito habang nakatingin kay Adel.

"Noon pa. At alam kong sa pagkakataong ito, ibinigay siya muli sa akin ng Diyos para mapunuan ang lahat ng pagkukulang ko-----Randel" baling ko dito "thank you" yumakap din ako dito tanda ng taos pusong pasasalamat.

"Keep your word Red, dahil once na saktan mo ulit yang kaibigan namin, kami na ang magkalayo sa kaniya" sambit nito.

"I will" sagot ko saka ko muling binalikan ang natutulog na si Adel.

"Maiwan na muna namin kayo.  Kailangan itong malaman nina tito at tita" paalam ni Fe.

Tumango na lamang ako bilang sagot.

Muli ay tinunghayan ko ang muka ng asawa ko.

"Adel----Salamat at hindi mo kami iniwan. Salamat at lumaban ka. Alam kong naririnig mo ko, at gusto kong sabihin sayo-----na mahal kita. Mahal na mahal. I'm sorry kung nasaktan kita. I'm sorry kung huli ko na na realize. I'm sorry kung muntik ko na kayong iwan ni Hope. I'm sorry kung nagduda ako. I'm sorry sa lahat lahat. At pag gising mo, kung okay lang sayo, gusto kong mag kausap tayo. Gusto kong makabawi sayo at kay Hope. Sana-----mapatawad mo ako Adel"

At muli ko itong ginawaran ng mainit na halik sa mga labi.

To be continued...

Brand new start na ba?

PS....hindi ko po hahayaang mawala ang pinaka importanteng character sa kwento ko.

Pag nawala siya...walang happy ending di ba.

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon