SR : part 20

2K 171 59
                                    


Araw ng linggo ay nasa bahay lang si Red dahil wala itong trabaho.

Maaga akong gumising upang magsimba.

Hindi ko ito nakakaligtaan kahit pa mag isa lang akong nagsisimba. Minsan ko nang inaya si Red pero ni isang salita ay wala itong isinagot sa akin.

Kaya tumahimik nalang ako.

Habang nasa simbahan ay may nakita akong isang pamilya sa di kalayuan.

Napaka sweet ng lalaki sa kanyang asawa pati sa batang kaaga nito.

Nakaakbay ito sa babae at palaging hinahalikan sa buhok nito.

Kumirot ang puso ko sa nakikita ko.

Kung sana ganyan din kami ni Red.

Lumuhod ako at tahimik na umusal ng panalangin.

Lord...Alam ko marami na akong hiniling sayo. At lahat yon ay pinag kaloob mo sa akin. At nagpapasalamat ako para don. Lalo na nung hilingin ko sayong sana ay mabuhay pa ako para sa mga magulang ko dahil ayaw kong masaktan sila kung mawala ako. Muli po...may gusto po sana akong hilingin. Kahit alam ko pong malabong mangyari. Pero naniniwala po ako na walang imposible. Hiling ko lang po sana...Sana kahit kaunti ay tratuhin ako ni Red bilang tao. Kahit hindi bilang asawa. Masaya po ako dahil magkasama kami. Pero sa araw araw na nasasaktan ako, lalo na ang puso ko. Minsan gusto ko nalang sumuko. Pero pag naiisip ko ang mga magulang ko na mag aalala para sakin, mas pinipili ko ang nanatili sa piling niya. Hindi ko po alam kung may nagawa ba akong mali noon. Dahil parang napaka ilap sa akin ng kaligayahan. Mahal ko si Red Panginoon. Malabis man na hilingin sa inyo....Sana dumating ang panahon na matutunan niya din akong mahalin. O kung hindi po talaga pwede...kahit maging mag kaibigan man lang kami. Gusto ko lang po ng tahimik na buhay. Kung ano man po ang maging tugon niyo...tatanggapin ko po.

Tahimik akong lumabas ng simbahan. Dala ang pag asa na sana, tugunin ng Panginoon ang panalangin ko.

-

Red

Nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan ko sa US.

Tawag na nagdulot sa akin ng galit.

How can you do this to me?

Sa galit ko ay naibato ko ang cellphone ko sa ding ding.

Wasak ito katulad ng nararamdaman ko ngayon.

Mabilis akong lumabas ng bahay at nag diretso sa isang bar.

Walang habas ang ginawa kong pag inom.

Bumili pa ako ng isang bote dahil gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak.

Nag drive ako pauwi para doon ituloy ang paglalasing ko.

"Adel" sigaw ko dito.

Nakita kong lumabas ito galing sa kusina.

"Dalan mo ko ng pulutan sa kwarto. Ngayon din" sigaw kong muli dito.

Nakita ko ang takot sa muka nito pero wala akong pakialam.

Galit ako.

At galit din ako sa kanya.

"Red, eto na" sabay abot nito sa akin ng pulutan.

"Upo" utos ko.

Pero hindi ito sumunod.

"Sabi ko-----upo" hinila ko ito sa braso.

Natumba ito sa tabi ko pero wala parin akong pakialam.

Inabot ko ang bote ng alak dito.

"Inom" utos ko.

Pero hindi nito kinuha.

"Sabi ko uminom ka"

Idinuldol ko ito sa bibig niya.

At nakita ko ang pag atras nito.

Ang pagsilay ng mapulang likido mula sa labi nito.

Ang pagdaloy ng mga luha niyo.

Mabilis ko itong kinabig at mariing siniil ng halik.

Pilit niya akong itinutulak pero hindi siya nagtagumpay. Nanlalaban siya at pilit kumakawala mula sa mahigpit na yakap ko.

At alam kong napagod na ito dahil tumigil na ito sa pagpupumiglas.

Hinayaan niya na lamang akong halikan siya.

Natikman ko ang tamis ng labi nito, ang lasa ng dugo mula sa sugat nito.

At ang alat na nagmumula sa walang tigil na pagluha nito.

"Out" utos ko ng bitiwan ko na ito.

Mabilis itong nanakbo palabas ng kwarto ko.

To be continued...

I do understand all your sentiments...you love challenging chapters, yung matapang na Adel, yung palaban. You hated Red. And I understand why because I've made his character to be hated by anyone. I made it on purpose...again I'm not going to reply to anyone...nor answer questions from you...asked my beloved followerscommentors how I worked on every piece of my  story.

There's are things that we can't explain as the story goes by...

There are heartless person...and everyone has their reason...but most are unreasonable...

There are someone who let their self be tortured...and hopping that someday...everything will changed...

Thank you to those who hated my story...

It fuels me up...to give you more heartaches...

Not because I'd love to but this is how I worked...

This is my story...about pain, sacrifice...

READ IF YOU WANT

LEAVE IF YOU CAN'T BEAR ALL THE HEARTACHES

I am not going to changed the flow of this story because nasasaktan kayo...

As I always said even on my previous story...

Kumapit ang gustong kumapit...

Bumitiw ang gustong bumitiw

And guys...

Y O U  K N O W  M E !!!

It's not yet the right time para bigyan ko ng pov si Red...his time will come

And karma is digital 😉

 

SPARKS from RED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon