HER SWEETEST LIES

966 32 0
                                    


My girlfriend was the most untrustworthy woman in the universe.

Akala ng iba, babae lang ang pwedeng magpakatanga. Martyr na kung martyr pero isa ako sa mga milyun-milyong taong naging tanga sa pag-ibig.

Yes. Lalaki ako. Lalaki ako na sobra kung magmahal sa babaeng mahal ko. Sabi nga nila, kapag nagmahal ka, hahamakin nito ang lahat masunod lamang ang gusto ng puso mo. Kahit anong pigil at pilit mo sa sarili na kaya mong tiisin ang taong 'yon, bibigay at bibigay ka rin pala.

"Babe, matutulog na ako," paalam sa akin ng girlfriend ko.

Matagal na kaming magkarelasyon ni Cara. Magkakilala na kami simula no'ng elementary pa lang dahil na rin sa magkaibigan ang mga magulang namin. For 7 years of being together, masasabi kong kilala ko na siya. Sa mga kilos niya, sa ugali niya at sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Sa isang bagay lang talaga ako nalilito ng husto, sa pagiging sinungaling niya.

Hinintay ko siyang mag-out pagkatapos i-seen na lang ang message ko. After a few minutes, nag log-out nga siya.

But knowing my girlfriend, scam lang ang pag log-out niya. Inakala siguro niyang matutulog na ako kaya online na naman siya.

Napailing na lang ako. Sinungaling talaga. Ilang beses ko na siyang nahuling ginawa ito kaya hindi na rin ito bago sa akin. Maybe, she thought that I'm still clueless of her action so she's still doing it until now.

I observed her activities with her account. Shared posts in her timeline, status about something and even reacts in different pages but there's none. Despite of that, I didn't bother to send her a message. Mahuhuli niya ako kapag ginawa ko 'yon. The best thing to do is to let her. Let her do things that can make her happy until she decided to confess everything to me.

"Babe, hindi kita masasamahan kumain ng lunch. Hindi na ako makakapunta sa cafeteria dahil marami akong ginagawa," chat niya sa akin. Hindi ako nagreply.

Knowing her again, scam na naman ito. Itinuon ko ang mata sa entrance ng cafeteria.

"Isa, dalawa, tatlo.....," pagbilang ko. Sa ikalimang bilang, namataan ko na siyang papasok dito.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sinungaling nga talaga.

No'ng unang ginawa niya sa akin 'to, I got mad at her. Of course, she lied to me but as years passed, nasanay na akong ganiyan siya.

"Babe, alis lang kami ng mga kaibigan ko. Pupunta lang kaming mall," sabi niya sa akin nang tumawag ako.

Sabado no'n nang madiskubre ko ang isa na namang kasinungalingan niya. Nakalimutan yata niyang kapatid ko ang bestfriend niya.

Sa puntong ito, napangiti ako. She's really a liar but I understand her.

Kabisado ko na siya. Alam ko na ang lahat sa kaniya. At some point, I pity her. I pity her because I really love her. She has a "mythomania" disease, a chronic behaviour of compulsive or habitual lying. She tends to lie for no reason. She's not in control of her actions and sometimes even with her behaviour. Kahit anong gawin niyang pigil, she always ends up lying.

Magpapaalam siyang matutulog na pero ilang minuto lang, makikita kong online naman. Online sa account ko. Tinitingnan niya kung sinu-sinong kinakausap ko. I checheck niya lahat ng conversation ko sa iba't ibang babae because she's a jealous girlfriend.

Magchachat siya sa akin na hindi niya ako masasamahan kumain pero ilang segundo lang papasok na sa cafeteria. Papasok na sa cafeteria dala ang mga pagkaing niluto niya para sa akin. Kung minsan naman ay huhulihin niya lang ako kung sinong yayayain kong kasamang kumain.

Aalis daw sila ng mga kaibigan niya pero nandito naman sa bahay ang kapatid ko, which is her only bestfriend. Aalis lang siya sa bahay nila dahil dito sa amin siya tatambay at gagawing mall ang bahay. Lulusubin at uubusin ang laman ng refrigerator, pili doon, pili dito. Iraransack ang kabinet ko, susukatin lahat ng damit ko at iuuwi sa bahay nila ang lahat ng magkasya sa kanya. Guguluhin ako sa paglalaro ng ml at pipiliting maglaro ng Talking Tom.

Minsan, iniisip kong siya yung pinakasinungaling na tao sa mundo, pero ang totoo, siya yung pinakatotoong taong nakilala ko. The way she acts, she tantrums, the way she loves me, there's no pretentions. Despite of her disease, she's still the best girlfriend I've ever met in my life. Alam ko, walang perpektong tao sa mundo but the thought that she's enough for me, it makes me complete. Hindi na yata ako magmamahal pa ng ibang babae kung sa kaniya palang, sobrang swerte ko na.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon