"Ligawan mo na kasi ako!" pangungulit ko pa kay Kurt habang sumasagot siya ng assignment niya sa Math. Nakita ko ang pagkairita niya nang sabihin ko iyon.
"Ayoko nga, bakit ba ang kulit mo?!" bwisit niyang sagot sa akin.
"Bakit ba ayaw mo?" pangungulit ko pa.
"Basta!" sagot nito sa akin bago umalis papuntang classroom niya. Mukhang nairita yata sa akin kaya hindi na tinapos ang assignment niya. Napabuntong-hininga na lang ako.
Nang sumunod na araw nakabuntot na naman ako sa kan'ya sa may harapan ng palengke. Mukhang bibili yata siya ng mga art materials niya.
"Kurt bilhan mo nga ako ng bulaklak para ligawan mo na talaga ako." excited na sabi ko sa kan'ya. Nakita ko naman ang pagsimangot niya.
"Ayaw ko nga hindi ba? Paulit ulit na lang tayo ditto," iritado niyang sagot sabay lakad palayo sa akin. Sumunod naman ako kaagad sa kanya at naabutan ko siyang bumibili ng illustration board at mga colored papers.
"Sige bumili ka na lang nga ng ganyan tapos gawan mo ako ng mga loveletters dali!"
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" kunot noong tanong nito sa akin.
"S'yempre nililigawan mo nga kasi ako." natatawang sagot ko. Napaismid na lang siya at naiiling na nagbayad sa cashier.
Minsan, naabutan ko ulit siya sa may garden ng school. Halatang busy ito sa kung anong binabasa niya.
"Hey Kurty!" bati ko sa kanya.
"Ano na naman?" bored nitong sagot sa akin.
"Ligawan mo na nga kasi ako!" pagpupumilit ko ulit. Ilang araw ko na siyang kinukulit pero ayaw niya pa din akong patulan.
"Bakit naman kita liligawan?"
"Kasi nga gusto mo ako at ayaw mo lang umamin sa akin!" proud kong sagot sa kanya.
"Tss"
"Bakit ba kasi ayaw mo akong ligawan?" tanong ko pa.
"Anong grade ka na ba ha? Ilang taon ka na?" paismid nitong tanong. Ngumiti naman ako nang makitang interesado na siya sa akin.
"Grade 12 na at 18 years old . Legal na kaya pwede mo na talaga akong ligawan!" sagot ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Eh? Ate paano kita liligawan kung grade 7 palang ako?" litong tanong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
Cerita PendekCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.