"Walang maingay! Hindi raw makakapasok si Teacher, may emergency siya," sigaw ng pabibo kong kaklase habang nasa harap ng teacher's table.
Tumayo naman ako at mataray na hinarap siya.
"You do note, huwag kang pabibo riyan. Mabuti pang umupo ka nalang at magreview," sabay irap sa kanya. Hindi naman siya nakasagot at nakayukong umupo nalang.
'Pambansang Kontrabida',
'Yan ang tawag ng karamihan sa akin. Pagdating kasi sa barahan at supalpalan, walang makakatalo sa akin.
"Pengeng payb," nagpanting ang tenga ng marinig ang bulong ng isa sa mga kaklase ko. Kaagad kong hinanap kung sino 'yon at humarap sa kanya. Nabigla naman ito sa akin.
"You do note, huwag kang buraot. Kung wala kang pera, magtipid ka. Marami ng corrupt dito sa Pilipinas, huwag ka na sanang dumagdag pa."
"Heto naman, nagbibiro lang eh," naiinis na sagot nito sa akin bago nagdadabog na umalis.
Napailing ako at nagbasa nalang ng mga lecture notes. Nasa kalagitnaan na ako sa pagrereview nang biglang may naglapag ng mineral water sa desk ko.
"Hmm pinapabigay po ni Miguel," nahihiya pang sabi nito. Napalingon ako kay Miguel at nahuling nakatingin ito sa akin. Inirapan ko siya at tiningnan ng masama ang nagbigay.
"You do note, walang forever. Sakit lang ng ulo ang mga 'yan. Kaya kung gusto mo pang mabuhay, mabuti pang umalis kana sa harapan ko," paismid kong sabi.
Nabigla kaming lahat nang tumayo si Miguel mula sa kanyang upuan at pumunta sa harap ko.
"You do note, liligawan kita at wala kang magagawa para pigilan ako," nakapameywang nitong sabi sa akin.
"Aba ---," kaagad nitong pinutol ang sasabihin ko at sinenyasang tumahimik.
"You do note, sasagutin mo ako at magiging tayong dalawa," dagdag pa niya na lalong nagpainis sa akin.
Samantala, napaatras naman ako nang yumukod ito at pinantayan ang mukha ko. Narinig ko rin ang malakas na singhap ng mga kaklase ko sa ginawa niya.
"And lastly you do note, whether you like it or not, para tayo sa isa't isa at akin ka lang", seryosong sabi pa nito bago maangas na umalis sa harapan ko.