"Can I excuse, Josh Bautista? May ibibigay lang po ako sa kanya," magalang na paalam ko sa teacher. Tinawag naman niya si Josh at pinalabas na ng room.
Pagkalabas niya ng room, kaagad ko siyang kinaltukan. Napa-aray siya pero hindi ko iyon pinansin.
"Ano bang iniisip mo ngayong umaga para cellphone lang madala mo pagpasok, Josh? Hindi ka na bata para paulit-ulit mong gawin 'to!," buwelta ko sa kanya.
"Baby naman sorry na. Late lang talaga akong nagising kaya nagmadali na akong pumasok," katwiran naman nito. Napataas ako ng kilay sa naging sagot niya.
"Anong magagawa ng sorry mo? Josh naman, nakalimutan mo na pera mo pati itong lunch mo pero 'yang cellphone mo, dala dala mo pa rin? Paano ka nakapagbayad sa jeep? Puro ML na naman inatupag mo 'no?," asik ko pa sa kanya.
"Baby naman. 'Yan na nga, dala-dala mo na baon ko. Naunahan lang ako ni mama pero ayoko talagang pabigay sayo."
"Lagi ko nalang bang ipapaalala sa'yo? Ang tigas talaga ng ulo mo!"
But knowing Josh, idadaan lang niya sa lambing ang galit ko.
"Baby, tingnan mo nagpapa-stress ka na naman. Tatanda ka n'yan," pagbibiro nito na binuntunan pa ng nakakaasar na tawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil ito sa kakatawa at itinaas ang dalawang kamay na parang bang sumusuko.
"Stop na po ako, baby. Alam ko na, para mawala yang stress mo, lapit ka sa akin", inilahad nito ang dalawang kamay sa akin. Naiinis na lumapit ako at niyakap siya.
"Ikaw kasi," paninisi ko pa.
"I love you", saad niya na hindi pinansin ang sinabi at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Namula ako at isiniksik pa lalo ang sarili sa kanya.
"Hey! Wala bang I love you too d'yan?" napansin siguro niyang wala akong balak sumagot matapos ang ilang minutong katahimikan. Kumalas ako sa yakap niya at umatras.
"Bakit, love ka ba?," ako naman ang mang-aasar. Nang makitang akmang hahawakan niya ako, tumakbo ako palayo sa kanya. Bago ako makalayo ng tuluyan, humarap ako sa kanya sabay sigaw ng...
"I love you more, baby,". nakita kong napailing siya at napangiti sa ginawa ko bago naglakad papasok ulit sa room niya.
Isa lang 'yan sa mga hindi ko malilimutang memories namin noong high school. Sabi nila, high school daw ang pinakamemorable na year ng mga estudyante. Doon, nagsisimula ang mga tuksuhan, pagliligawan at mga heartbreaks. But having Josh, he made me realize one thing, it's not the year which is memorable, it is the person whom you've spent it for.
Noong college naman, I remembered one scene.
Kasalukuyan kami ngayong nasa isang Ice Cream Parlor at kumakain ng ice cream.
"Ang sarap talaga ng ice cream lalo na kapag cheese flavor," parang bata itong dumidila sa ice cream/
"Sa kakahilig mo sa cheese, nagiging cheesy ka na tuloy," hindi yata mabubuo ang araw naming dalawa nang walang asaran.
"Gusto mo lang yatang makarinig ng isa mga banat ko kaya sinasabi mong cheesy ako. Sige, pagbibigyan kita," pakikisakay niya.
"Luh, hindi. Ewan ko sa'yo," kunwaring pagsusungit ko.
"Baby, Ice cream ka ba?," napangiti ako pero hindi sumagot. "Sabihin mo, bakit? Naghihintay ako," alam kasi niyang hindi ako sasagot.
"Sige baby, bakit?," ngumiti ako.
"Ang sarap mo kasi eh," nabigla ako sa naging sagot niya kaya hindi sinasadyang nabatukan ko siya.
"Aray! Ang sakit no'n," reklamo nito sabay himas sa batok niya.
"Ikaw kasi, ang bastos ng bibig mo!"
"Ang sarap mo kasing mahalin. Hindi mo muna kasi pinatapos," magsusungit na yan.
"Sus, palusot mo."
Lumipas ang ilang taon, kakatapos lang namin kumuha ng board exam. Luckily, nakapasa kaming dalawa. Kasalukuyan kaming narito sa simbahan para magpasalamat. Walang misa kaya naupo na lang kami at nagdasal. Nang matapos magdasal, napagpasyahan muna naming magtagal ng kaunti.
"Baby, kapag tayo kinasal, saang simbahan mo gusto?," tanong niya sa akin.
"Magpapakasal ba ako sayo?," pag-aasar ko. Nalukot ang mukha niya kaya muli akong nagsalita.
"Seryoso nga. Kahit saang simbahan naman gusto ko."
"Gusto mo ngayon na?," sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya.
"Minsan lang ikasal ang mga babae kaya gusto ko, kapag ikinasal ako, pinaghandaan. Ayoko ng padalos-dalos."
"Sige baby, paghahandaan ko 'yan", sagot niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Like other relationship, sinusubok din ang katatagan ng relasyon namin. His work requires him to travel around the world. Hindi na bago sa akin ang madalas niyang pag-alis sa bansa.
Tulad ngayon, nasa airport ako para ihatid siya. May dalawang araw kasi siyang seminar sa Italy na dapat puntahan.
"Baby, babalik ako agad," tulad ng dati, 'yan ang lagi niyang sinasabi sa akin.
"Ingat ka do'n baby. 'Wag kang mambabae roon kungdi lagot ka sa akin," idinadaan ko nalang sa biro ang pagbabanta sa kanya na tinawanan lang niya.
"Opo, baby. Takot ko nalang sa'yo. Sa Saturday ng umaga, nandito na ulit ako. Ingat ka lagi, okay? I love you."
"Ikaw din baby. I love you more," huling sabi ko sabay yakap sa kanya bago siya pumasok sa eroplano.
He promised to be back on Saturday morning. But three years had passed,
He never came back.
I waited. Kahit ilang tao na ang nagsabi sa akin na tumigil na ako. I still remember their words a while back. It hurts me so much.
Paano ko ba naman kasi makakalimutan ang isang taong kalahati yata ng buhay ko ay kasama ko siya? Ang dami kong tanong pero kahit isa walang sagot.
Paano kung may nangyaring masama sa kanya?
Paano kung naaksidente siya then nawala lahat ng memories niya kaya hindi siya nakabalik?
Sino bang niloko ko? This is not a fairytale lovestory. Hindi ito teleserye na ako ang bida.
I already knew the answers. Lahat ng tanong na iyon, it was answered by a horrible truth.
A headline of a magazine popped up on my screen.
'Successful Engineer Josh Bautista, confirmed his engagement with his two-year girlfriend, Samantha Velasco.'