Naranasan mo na bang ma-in love? Ma-in love sa tamang tao pero maling panahon?
Almost 5 years na kami ni Ryko. We started being friends, hang out with each other every weekends. Then one day, bigla nalang nag-iba ang tingin namin sa isa't isa. Something change the way we see each other. Hindi na lang basta pagkakaibigan ang namamagitan sa amin. Niligawan niya ako noong kakasimula pa lang ng high school. I never like or love anyone else but him. He never like or love anyone else also but me. Parang umikot na lang ang mundo naming dalawa sa isa't isa.
He always spoiled me with vms of him singing my favorite songs. Bombarged me with messages like,
"Natapos mo na ba project mo? Puntahan kita, tapusin natin."
"Galing mo sa roleplay kanina."
"Hindi raw nagreview, pero perfect naman sa exam!"
"Libre kita bukas."
We're classmates until the last year of junior high. He's not the sweet type, but I still love the way he talk to me.
I finally said yes when senior high school begins. Hindi nagimg madali ang relasyon namin. We started as a friend at wala kaming alam kung paano maging couple. We've never been in a relationship before! Bago pa lang sa amin ang lahat ng ito.
"Raine-ay babe k-kumain ka na?"
"B-babe, may practice kami mamaya. Nood ka na lang para mahintay mo ako."
Lagi siyang nauutal kapag may endearment. Hindi ko alam kung hindi lang talaga siya sanay o nahihiya lang talaga siya sa akin. But, he's cute though.
"Gusto kong maging doctor."
"Gusto kong magkaroon ng sariling hospital."
"Gusto kong maging tanyag sa buong bansa."
He knows all of my plans after college. As in lahat ng gusto ko. I know, he's aware that I still have no plans for us after college. We're still young and he understands me. I just want us, to achieve our dream first and enjoy our freedom before we finally settle down. Well, kung siya naman ang tatanungin, gusto naman niyang maging isang sikat na engineer. I know, that profession really suits him.
"Huwag kang magfocus sa akin. May tamang panahon para sa atin."
"Pag-aaral muna ang unahin natin, bago yung tayo."
Iyan lagi ang mga sinasabi niya sa akin everytime na pinipili kong makasama siya kaysa gumawa ng projects o kaya'y mag-aral para sa laboratory kinabukasan. Minsan kasi, nakakaramdam ako ng pagkamiss sa kan'ya kaya di ko maisawang unahin siya kaysa sa aking pag-aaral. Hindi tuloy namin maiwasan ang mag-away.
So I did. Sinunod ko siya. Nagfocus ako sa pag-aaral. I became one of the dean's lister in school. Kapalit naman noon, nagkalabuan kami. Nawalan kami ng oras para sa isa't isa. Masyado kong napaglaanan ng oras ang pag-aaral. Kahit minsan, nagmamakaawa na siya sa akin, na kahit kaunting panahon lang, mapaglaanan ko siya ng oras. Pero hindi ako nakinig. Nabitawan ko siya. Naiwala ko siya sa akin.
We broke up after college. Matapos ng sampung taong pagsasamahan namin bilang magkaibigan at halos limang taon bilang magkasintahan, pinaghiwalay kami ng tadhana. Napaghiwalay ang landas na tinatahak naming dalawa.
Maraming naging hadlang. Time. Priorities. Career.
"You did it." I silently uttered when I saw one of his posters. Naging tanyag na Engineer nga siya hindi lang sa bansa pati na rin sa labas nito, like what he told me, years ago.
"Doktora, kilala mo 'yan? Gwapo no?"
"Doktora, crush mo 'yan no? Halata naman kasi!"
Iyan lagi ang mga sinasabi nila sa akin sa tuwing napapalingon ako sa mga posters niya. Madalas nila akong tuksuhin sa kan'ya. Hindi nila alam ang nakaraan naming dalawa. And that what makes my heart aches. Wala silang kaalam-alam na nasasaktan nila ako sa tuwing binabanggit nila ang pangalan niya.
Naging doktora ako ng sarili kong hospital, tulad ng pinangarap ko. We had already 20 branches here in the Philippines. Though, I never planned to have some outside the country. Kuntento na akong dito na lang manatili.
Marami sa mga kaibigan ko ang nagsasabi na sayang. Sayang daw kami. Pero, hindi natin madadaya ang tadhana. Hindi natin mapipilit na ituloy pa ang istoryang natapos na.
Sometimes, I wonder what if kung kami pa rin. What if nabalanse ko ang oras ko at naglaan din para sa kan'ya. What if, pinili ko siya sa panahong kailangan niya ako. Pero alam kong hindi ko na maibabalik iyon. Alam kong wala na talaga, kahit patuloy pa ring umaasa na sana mayroon pa.
Hindi na ako ang nababagay sa kan'ya. Hindi na ako katulad niya. Hindi ako naging tanyag kagaya niya. I'm not even successful just like him.
Girls drool over him. Kahit hindi siya manligaw, kapag nagustuhan niya, tiyak na magugustuhan din siya.
Pero madaya nga talaga ang tadhana. Matapos ng limang taon, nagkrus muli ang mga landas namin.
Under the moonlight, February 14, 2014, pinagmamasdan ko siyang naglalakad palapit sa akin.
May hawak na bulaklak at tsokolate sa kan'yang kaliwang kamay at may ngiting nakakabit sa kan'yang labi.
"Natupad mo na ba ang mga pangrap mo?," he asked me. I just nodded. Hindi ako makapagsalita habang nasa kan'yang harapan ngayon dahil alam kong babagsak ang mga luhang pinipigilan ko. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko nga siya. Hindi na lang siyang isa sa mga posters na nakalap ko at idinikit sa dingding ng aking opisina.
He smiled.
"This time, ako naman. Ako naman ang tutupad sa pangarap ko."
"W-what?"
"Natupad mo na ang mga pangarap mo. Sapat na siguro ang limang taong paghihintay ko. Kaya ngayon pangarap ko naman ang aabutin ko," sagot niya bago lumuhod sa harap ko.
Kasabay ng pagluhod niya, ang unti-unting pagpatak ng mga luha ko.
"Remember what I told you?," he asked me.
"A-alin?," sagot ko. Sinikap kong sagutin siya habang naluluhang pinagmamasdan siyang nakaluhod sa harap ko.
"Na may tamang panahon para sa atin?"
Tumango ako. Ngumiti siya bago huminga ng malalim. He looked at me, with his eyes filled with his undying love for me.
"Ito na iyon. Dra. Raine Gonzales, will you marry me?"
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
Historia CortaCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.