He never complimented me. Kahit isa, wala akong nakuhang papuri mula sa kan'ya.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin, siguro ang pangit-pangit ko sa mga mata niya. Kaya kahit simpleng biro lang na cute ako, hindi niya magawa.
I've never felt insecurity with any other girls before. Kung titingnan nga, maganda naman ako, maputi-puti naman at may katangkaran. Kaya lang hindi nga lang siguro tipo ng pang-special ang ganda ko, sakto lang at nothing special.
On the other hand, Sinian, my boyfriend is a hunk. Bukod sa varsity player sa school, singer din ito at magaling sa academics. Taga-hanga lang ako dati niyan, hindi ko nga alam kung paano niya ako nagustuhan.
Idagdag mo pang hindi rin biro ang bilang ng mga babaeng nagkakagusto sa kan'ya. Hindi hamak na mas maganda sa akin at mas nababagay bilang girlfriend niya.
"Nian, ang gaganda ng mga girlfriend ng barkada mo. Ikaw yata nahuhuli?"
Isang araw, rinig kong sinabi sa kan'ya ng coach nila. Alam kong pabiro lang 'yon pero hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko. Kaya ang ginawa ko, umatras ako at tumakbo kung saan-saan. Natatakot kasi akong marinig ang sagot niya. Sabagay, totoo naman kasi, hindi naman niya kailangang i-deny.
"Pre, nakita mo ba 'yong transferee? Junior pa lang 'yon pero ang lakas ng dating. Mas mukha pa yatang babae 'yon kaysa sa girlfriend mo."
Isama pa 'yong mga barkada niya. Mabait sa akin ang mga 'yan kapag nakaharap ako pero ilang beses ko na rin silang narinig na sinusulsulan si Sinian na hiwalayan ako para manligaw ng mas magandang babae. Tulad ng dati, tatakbo ulit ako para hindi marinig ang sagot niya.
One time, naisipan kong magpaganda para sa kan'ya. Inubos ko 'yong isang buwang allowance ko para bumili ng mga magaganda at pang-seksing damit. Bumili rin ako ng bagong set ng make-up. Ilang gabi rin akong nagpuyat sa panonood ng mga make-up tutorial para lang matuto ako.
I know, he never obliged me to do this. Hindi nga niya pinaramdam sa akin na kulang ako. Pero, hindi rin naman niya pinaramdam sa akin na sapat ako. Pakiramdam ko, palagi akong nahuhuli sa mundo niya. Palagi na lang akong hindi kabilang sa mga taong nararapat sa kan'ya.
Nang matapos ako sa pag-aayos, hindi ko na makilala ang sarili ko. I've never been like this. Hindi nga ako makapag-suot ng palda pero ngayon ay halos nakikita na ang kaluluwa. I've never used make-ups, liptint lang ay ayos na sa akin.
Kaagad ko siyang tinawagan at sinabihang pumunta sa bahay. Madalas siyang pumunta rito kaya hindi na nahihiya sa magulang ko. Sinalubong ko siya sa sala, nagtaka ako sa ekspresyon niya nang makita ako. Alam kong nagulat siya pero parang may halong pandidiri.
Tama nga ako, hindi niya nagustuhan. Halos mamula kasi ang mukha ko sa bawat dampi ng bimpo sa akin.
"Ano ka clown? Huwag mo na uulitin. Hindi mo bagay."
'Yan ang sabi niya sa akin habang patuloy na sinisira ng bimpo niya ang mukha ko. Never akong nainsecure pero nawawalan na talaga ako ng self-confidence.
Hanggang sa inaway ako ng isa sa mga admirer niya. Namukhaan ko ang babae, ito 'yong pilit na nagbibigay ng bottled water kay Sinian tuwing may laban siya. Lumapit ito sa akin kasama ang mga alagad niya.
"Ang pangit naman pala ng girlfriend ni Sinian. Ano bang gayuma ang pinainom mo sa kan'ya at nahulog siya sa'yo?"
Hindi ako sumagot. May ibang nakikiusyoso na rin sa amin. Wala rito si Sinian dahil nasa locker room para magpalit. Tumingin ako sa pintuan, wala pa rin siya. Mas lalo pa akong kinabahan nang makitang papalapit na rin dito ang coach nila.
"Anong mayroon dito? Bella, may problema ba?"
Binalingan ako nito. Umiling ako kaya itong isa na ang sumagot.
"Coach, ang pangit naman ng girlfriend ni Sinian. Mangkukulam yata ito, ginayuma si Sinian."
Inirapan ako nito. Tumawa lang si Coach. Tinapik nito ang balikat ng babae.
"Hija, kung ako sa'yo, itigil mo na 'yan. Walang ibang maganda para kay Nian kungdi si Bella. Wala ka ng pag-asa ro'n."
Nagtaka ako sa sagot niya. Parang kailan lang ay kinukwestiyon din niya ang lalaki. Lumapit na rin sa amin ang isa sa mga kagrupo nito.
"Ako nga, Coach, nireto ko na siya sa model kong pinsan. Tinanggihan lang ako. Iisa lang lagi ang sinasabi. Sorry, mas maganda ang girlfriend ko."
"Sorry, mas maganda ang girlfriend ko."
Natawa pa silang dalawa nang malamang pareho lang pala ang laging sagot ni Sinian sa kanila.
"'Diba, Sinian? Sorry, mas maganda ang girlfriend ko."
Nagpatuloy ang pang-iinis sa kan'ya. Napalingon ako sa likuran at nakitang naroon na nga siya. I looked at him, teasing. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Don't mind them. Huwag kang maniwala sa mga sinasabi nila. Hindi ka maganda."
Napatawa ako. He never complemented me. As in never, kahit pabiro lang. 'Yon pala sa iba niya ako pinagmamalaki.
Admit it or not, we all need a boyfriend like him. Hindi man niya ako kayang purihin ng harap-harapan, sapat na sa akin ang malamang pinagmamalaki niya ako sa iba sa tuwing nakatalikod ako.