I can feel it.
Someone was following me wherever I go. Nararamdaman kong nariyan siya, palakad-lakad, nagtatago at ayaw magpakita.
Sa tuwing gabi, nararamdaman ko siyang nakasilip sa bintana ng kwarto ko. Pinagkakasya ang sarili sa maliit na siwang na naiilawan ng buwan. Pagsapit naman ng umaga, nakatanaw siya mula sa malayo, pinagmamasdan ang bawat kilos ko.
"May sumusunod nga sa akin," ilang ulit kong pagkumbinsi sa mga magulang na paniwalaan ako but they will just ignore me. Sabi nila, isa lang daw iyon sa mga lame excuse ko kasi may gusto lang akong ipabili sa kanila.
My parents are both busy with their works. Lumaki akong yaya lamang ang kasama sa bahay at walang magulang na gumagabay.
"Para sa'yo rin naman lahat ng ginagawa namin ng daddy mo," natatandaan ko pang pagrarason ni mommy no'ng minsang hindi sila nakapunta ng family day sa school.
Hindi rin sila nakaattend ng graduation ko ng elementary at wala rin noong 18th birthday ko para samahan ako.
Solong anak nila ako. Marahil, parehong ginugugol ang buong oras para sa trabaho kaya hindi na nila ako nasundan.
"Sino 'yan?," sigaw ko habang mag-isang naglalakad sa subdivision namin, isang gabi habang pauwi ako.
Walang sumagot. Bagkus, narinig ko lamang ang dahan-dahang paglapit nito sa akin base sa mga tunog na nililikha ng mga sapatos niya.
"Patricia, ikaw ba 'yan?," pagtawag ko sa pangalan ng bestfriend ko para itago ang kaba. Nanigas ako sa takot lalo pa ng humihip ang malamig na simoy ng hangin na nagpataas ng balahibo ko.
Kaagad akong tumakbo sa malapit na guard house para humingi ng tulong. Mabuti na lamang ay napapalibutan pala ng mga CCTV camera ang buong subdivision kasama na pati sa daanan nito. Nirewind nila ang videong kuha kani-kanina lamang at nakapagtatakang isang pusa lang ang nakasunod sa akin.
Mukhang alam ng taong 'yon na may mga camera kaya nilimitahan nito ang pagkilos para hindi mahuli.
Sa eskwela naman, nadatnan kong nakabukas ang locker ko. Hindi sira ang padlock pero ginulo nito ang mga gamit ko, mukhang may hinahanap.
Walang CCTV sa locker room kaya hindi ko siya mahuhuli. Ipinatest ko rin sa lab namin sa school kung may ibang fingerprints na makukuha pero nakakadismayang 'yong sa akin lamang ang nakita.
Tiningnan ko rin kung may nawawala ba akong gamit pero wala naman. Napapaisip tuloy ako kung ano bang sadya ng taong 'yon gayong wala naman siyang ibinibigay o kinukuha sa akin.
"Alea, what happened?," si Patricia. Nakita kasi niya ako kaninang pumasok sa lab na katabi lang ng room nila.
"Nadatnan ko kasing nakabukas ang locker ko at magulo lahat ng gamit," sagot ko.
Tiningnan ako nito na parang ewan at naiiling.
"Girl, nakalimutan mo na ba?," tanong niya.
"Ang alin?," nagtataka kong sagot.
"Gan'yan naman talaga 'yan. Iniwan mo 'dibang bukas 'yan kasi nagmamadali ka para sa P.E n'yo? Walang nanggulo diyan, magulo na talaga 'yan."
Huh?
Ipinagsawalang-bahala ko lamang ang sinabi n'ya. Malakas ang kutob ko na may kagagawan dito 'yong stalker ko.
Akala ko, iyon na ang huli dahil ilang buwan itong hindi nagparamdam. Nagkamali ako, may mas lalala pa pala sa kaya nitong gawin.
Sinubukan niya akong patayin.
Hindi ko nakita ang mukha niya no'ng gabing iyon pero naaalala ko pa kung paano siya marahas na pumasok sa kwarto ko habang may hawak na kutsilyo.
Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na pangyayari at nagising na lang ako sa isang puting silid. Nasa hospital ako. May dextrose ang isang kamay, may mga benda sa iba't ibang parte ng katawan at naroon sa gilid si mama, walang emosyong nakatingin sa akin.
"Anong nangyayari sa'yo? Anong balak mong gawin sa buhay mo?," she asked. I sighed.
"Mom, I told you, may sumusunod nga sa akin! Kagabi, binalak niya akong patayin!," I reasoned out.
She shook her head, ayaw maniwala sa akin.
"You tried to kill yourself, Alea!," sigaw nito sa akin. Nagtaka ako.
"No, mommy. Nando'n siya kagabi! Papatayin niya ako."
Tumawa ito. "Well, Alea, nando'n din kami ng daddy mo. Nakita namin kung paano mo pagtatagain ang sarili mo. And you know what's worst, para kang baliw na kinakausap 'yang sarili mo!"
Napatanga ako. Hindi na sumagot. Tulala lamang ako at hindi nagsasalita. Hindi ko nga namalayan na nakapasok na pala ang doktor ko sa silid at kausap na ang aking mga magulang.
"I think that you're daughter has Narcissistic Personality Disorder. Those people who have this disorder commonly characterized by a long term pattern of exaggerated feelings of self importance and an excessive need for admiration. They usually live in a fantasy world that supports their delusional of grandeur."
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa doktor.
"So, anong ibig n'yong sabihin? Gawa-gawa ko lang na may nagmamahal sa akin, na may humahanga sa akin? Someone was following me!," I snapped.
Umiling ang doktor.
"Walang sumusunod sa'yo, Miss Aragon. Guni-guni mo lang ang mga 'yon."
Napapikit ako sa inis. "Someone is obsessed with me!"
Muling umiling ang doktor.
"No one is obsessed with you. You're the one who's obsessed with yourself."
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
القصة القصيرةCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.