Is courting another girl when you are still in a relationship is already a form of cheating?
Ofcourse. Definitely, yes.
But in my case, it's not.
It's not, because I let him. Pinayagan ko siyang manligaw ng ibang babae.
Within three years of our relationship, sanay na akong ganoon ang set-up naming dalawa.
Madalas ko siyang samahang bumili ng isang boquet ng bulaklak at isang box ng tsokolate sa paborito naming shop. Syempre, hindi para sa akin kungdi para sa ibang babae. Sasamahan ko rin siyang manligaw sa bahay ng babae. Hihintayin ko siya sa labas ng bahay o kaya naman ay sa loob ng sasakyan. Kahit ilang oras pa 'yan titiisin ko kasi alam kong sa huli, hindi naman ako mabibigo.
Karaniwan, trenta minutos lang ang itinatagal niya sa pamamahay na 'yon. Bigla-bigla na lang siyang lalabas ng bahay at tatakbo sa akin para mayakap ako ng mahigpit. Memoryado ko na nga ang linya niya kapag ganoon na ang nangyayari.
"I'm sorry, love. Hindi ko sinasadya. Ikaw lang ang mahal ko."
Marahil, sasabihin ng iba, napakasinungaling naman ng boyfriend ko. Pero iyon naman talaga ang totoo eh. Alam kong mahal niya ako.
I somehow remembered 2 years ago when I caught him cheating on me, when I caught him courting another girl. Hindi ko nga lang mabilang kung ilang mag-asawang sampal ang inabot niya sa akin at ilang suntok ang natamo niya kay papa dahil sa katarantaduhan niya. Humanga pa nga ako sa kan'ya dahil ang lakas pa rin ng loob niyang pumunta sa bahay at nagsisisigaw na ako lang daw ang mahal niya.
Nangako siyang hindi na mauulit kaya pinatawad ko siya. But I know behind my back, ginagawa niya pa rin 'yon. Nanliligaw pa rin siya ng ibang babae kahit kami pa.
Naging maayos naman kami. Not until one day, I caught him again.
He's not cheating. Wala siyang ibang babaeng nililigawan.
I caught him having a check-up. Having a check-up in a hospital. Kasama niya noon ang parents niya.
Alzheimer Disease.
Common disease nowadays but he got the rare one. Oo, nakakalimutan niya madalas ang mga bagay-bagay but in his case he only tends to forget someone he loves romantically. In short, sa aming lahat, ako lang ang nakakalimutan niya.
That's why, pinapayagan ko siyang makipaglapit at manligaw ng iba. Kapag nakakakita at nakakausap niya ang ibang babae, pumapasok ako sa isip niya. He remember me when he's with someone else. He remember himself cheating on me.
Hindi ko na nga mabilang kung ilang babae na ba ang itinulak ko sa kan'ya sa loob ng isang taon para lang maalala niya ako. Kung minsan nga, ako pa ang naghahanap ng babaeng nililigawan niya sa mga dating sites.
"Rina, Rina, Rina, Rina, Rina."
Hindi ko magawang maging masaya habang patuloy niyang binabanggit ang pangalan ko. Ilang linggo na kasi siyang walang ibang babae.
I should be happy. I should be. He clearly remember me now. Pero hindi e! Hindi pa rin daw nawawala ang sakit niya sabi ng doctor niya. Kaya paanong naaalala niya ako?
He tends to forget someone he loves romantically, right?
"Jim, who is she?," I asked him while pointing my finger to Angeli.
He shook his head.
"I don't know her name, Rina. Hindi ko siya kilala."
Angeli was my bestfriend. Isa siya sa mga niligawan niya noon.