"Sana maging Doctor ka! Gusto ko talaga na maging Doctor ka!"
I still clearly remember her words that night. Gusto niya akong maging doktor. At hindi ko alam kung bakit.
Pangarap ko naman talagang maging doktor pero nakapagtatakang ganoon na lang niya ako suportahan.
Ilang taon na ang lumipas mula noong gabing 'yon, sariwa pa rin sa akin ang lahat. Ilang taon na rin simula noong iwan niya ako at naglaho na parang bula.
I met Zary when I was 13. Kasama siya ng kwarto ng kapatid ko sa isang Heart Center noon. Katulad ng kapatid ko, may sakit din siya sa puso.
Noong una, hangin lang ang tingin ko sa kan'ya at hindi pinapansin. Ganoon din naman siya sa akin, ang lalaking katabi nito ng higaan lang ang kinakausap. Biglang isang araw, nalaman ko na lang na may gusto pala ito sa akin. Tinutukso kasi siya ng kasamang lalaki sa akin na ikinagagalit niya pero namumula naman. Noong araw ding 'yon nag-umpisa ang lahat.
Eventually, my sister died. 'Yon ang naging rason ko kung bakit gusto kong maging doktor. Hindi ko matanggap kung paano ko nakitang kapusin ito ng hininga habang hawak ang kamay ko. Wala akong nagawa para tulungan siya. I just watched her died.
Hindi na rin kami nagkita pa ni Zary pagkatapos noon dahil hindi na ako muling bumisita pa.
I pursued my studies abroad. Siniguro kong naka-align lahat sa medisina ang mga kursong kinuha ko. I even applied to prestigious universities. Buong buhay ko, itinuon ko sa pag-aaral.
Then, I saw Zary again. Katulad ko, dito rin siya nag-aral. Nakahanap siya ng heart donor kaya gumaling sa sakit. Iyon nga lang ay ibang kurso ang kinuha dahil hindi raw nito kakayanin ang medisina.
I courted Zary after a year. Sinagot din naman niya makalipas ang anim na buwan. Zary became everything to me. Isa na siya sa mga rason sa pagdodoktor ko. Baka kasi sa paglipas ng ilang taon ay bumalik ang sakit niya, sa isiping 'yon, pinangungunahan ako ng takot.
"Sana maging doktor ka! Gusto ko talaga na maging doktor ka!"
Paulit-ulit niyang sinabi sa akin 'yon. Ilang ulit ko siyang tinatanong noon kung bakit pero ngiti lang ang sagot niya sa akin. Ang sabi pa nga niya ay ako ang tutupad ng pangarap niya. Pero, ano nga bang pangarap niya?
She left me after that. Ang sabi ay bumalik daw ito ng Pilipinas pero hindi na kailanman nagparamdam sa akin. I even went back just to find her. Hinanap ko na rin siya sa heart center noon pero matagal na raw itong hindi bumibisita.
Kaya mas lalo ko na lang pinagbutihan sa pag-aaral. Akala ko kasi noon, kapag naging doktor ako, babalik siya sa akin. Pero hanggang sa makagraduate ako, makapasa sa licensure exam at matanggap sa isang hospital, walang Zary na nagpakita sa akin.
"Dok, may emergency patient po! Kadarating lang. Inatake po yata sa puso!"
Kaagad akong dumiretso sa emergency room nang marinig iyon. Tapos na ang duty ko sa hospital at pauwi na sana. Masama mang isipin, nagbabakasakali kasi ako na makita si Zary at iyon ang dahilan kaya hindi na niya ako binalikan.
Pero, ganoon na lang ang panlulumo ko nang makita nga siya roon. Umiiyak ito habang hawak ang kamay ng isang lalaki. I looked at the man, it was the same boy who bullied her to me.
Pinanood ko kung paano niya ipagpilitan ang sarili, makapasok lang sa loob. Sa hindi malamang dahilan, nasaktan ako. Paalis na sana ako nang magtama ang mga mata namin. I saw hope in her eyes upon looking at me. Mabilis itong pumunta sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.
"Diego!"
Isinama ko siya sa akin at pinakalma. Sigurado naman kasi ako na aabutin din ng ilang oras ang operasyon.
"Years ago, he didn't survive his operation." Panimula niya.
Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napalingon ako roon bago pilit na kumakalas pero hinigpitan nito ang hawak.
"Naalala mo ba noong tinanong mo ako kung bakit gusto kitang maging doktor? Ang sabi ko noon, ikaw ang tutupad sa pangarap ko."
Nilingon ko siya. Nanatili ang tingin niya sa akin.
"Ito na 'yon, doktor kana. Pwede mo na bang tuparin ang pangarap ko? Pagalingin mo siya. Heal my husband, Diego."
BINABASA MO ANG
Bella Thoughts
القصة القصيرةCompilation of flashfictions written by Bella Cheshire.