MY THREE SUITORS AND ME

839 20 0
                                    

May tatlo akong naging manliligaw.

For 24 long years, I was single. Walang naging manliligaw o kahit naka-MU man lang.

"Kapag may nanligaw sa'yo, sagutin mo kaagad para magkajowa kana! Baka tumanda kang dalaga niyan."

Bilang nag-iisang single noon sa aming magkakaibigan, lagi akong tinutukso ng mga ito. Huwag na raw akong choosy, kapag may dumating, sunggaban ko na kaagad. Kaya naman noong magpakasal na halos ang mga ito, na-pressure ako. Sakto namang dumating ang mga manliligaw ko.

Balik tayo sa mga manliligaw ko, sina Vito, Kiel at Markus.

Vito is a good-looking guy. Marunong pumorma, mabango at malakas ang dating sa mga babae. Halos araw-araw kung bumisita ito sa bahay, gabi-gabi rin kung tawagan at i-chat ako. Kapag bumisita ito, hindi mawawala ang mga regalo niyang skin care. Dahil nga ay may hitsura, sagana ito sa mga skin care products. Palibhasa ay nasa ibang bansa ang mga magulang nito kaya halos imported ang mga regalo. Mabait naman ito kaya lang ay ilang taon ang tanda ko sa kan'ya. Kasalukuyan pa itong nag-aaral sa kolehiyo at wala pang trabaho.

Si Kiel naman ang ikalawa. Sa kanilang tatlo, siya ang pinakabet ng mga kaibigan ko. May trabaho, may ilalaban din naman sa hitsura at galante. Tulad ni Vito, madalas din ang pagpunta niya sa bahay at pagbibigay ng mga regalo. Balita ko ay nagpapagawa na nga raw ito ng sariling bahay dahil nga may balak na talagang magpakasal at mag- settle down. Nasa kan'ya na nga halos sana ang mga gusto ko sa isang lalaki kung hindi lang ito seloso. Sa tuwing kausap ako nito, hindi mawawala ang mga tanong nito tulad ng kung sino ang kasama ko buong araw, pinuntahan ba ako ng iba pang manliligaw ko o kaya naman ay kung may iba pa ba akong kausap na lalaki bukod sa kanila. Wala naman problema kung seloso ito kaya lang ay gusto nito na siya ang superior sa isang relasyon kaya naman minsan ay nakakasakal.

Ang huli ay si Markus, the career-oriented suitor ko. Sinalo yata nito ang lahat ng kasipagan sa mundo kaya puro trabaho ang inatupag. May mataas na posisyon sa kompanyang pinagtatrabahuan nito at sagana sa awards tulad ng employee of the year. Hindi tulad ng iba, bihira lang ito pumunta sa bahay, pinapadala lang din nito ang mga regalo sa akin. Kapag naman magkausap kami, hindi mawawala ang topic tungkol sa trabaho. Minsan lang din kung mag-day off ito kaya halos walang oras sa akin. Wala namang problema sa akin kung career-oriented siya, mabuti nga na may pangarap at nagsisikap kaya lang siya kasi iyong tipo ng lalaking manliligaw ng babae para lang may pang-front sa mga magulang nito. Hindi ko alam kung talagang mahal ba ako nito o nanliligaw lang dahil gusto na ng magulang niya na mag-settle down na ito.

"Pumili ka na lang sa kanila, Cristine. Hindi kana bata, 24 kana nga eh. Pagtiyagaan mo nalang ang isa sa kanila kaysa tumanda kang dalaga."

Iyan ang laging sagot ng mga ito kapag nagkukwento ako sa kanila tungkol sa tatlo. May kaniya-kaniya ng asawa ang mga ito at ako na lang ang naiwang single.

But years after, I was married to none of them. I decided to turn them down and waited for a year more. Lahat sila ay tumutol sa ginawa ko pero hindi ako nagpapapigil.

Ngayon ay kasal na ako sa lalaking bigla nalang dumating sa buhay ko. He wasn't my ideal man but he made me feel complete and contented. A man who taught me not to settle myself for less and always look for what I deserve.

Sa mga choices nga sa test, may none of the above, sa lovelife pa kaya natin wala?

Love, relationship and marriage is not a race, na kung sinong maunang makahanap at mag-settle down, siya na ang panalo. It is not.

It's actually the matter of a right man, on the right time, with the right reasons.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon