TINAKE-OUT KO 'YUNG CREW SA MCDO

478 17 0
                                    


"Isang Jolly hotdog nga po"

"Po? Ma'am?", gulat na tanong ni ateng cashier.

"Joke lang! Isang large burger, fries at nuggets nga po", sagot ko.

Ngumiti lang si ate. "Drinks po ma'am?"

"Coke nalang po ate. Pakidamihan nalang ng yelo, papantayan ko lang panlalamig niya"

Natatawa nalang ako sa reaction ni ate. Halatang gulat siya sa mga banat ko.

"Dine in po or takeout?", tanong na lang niya.

"Dine out po. Charot lang. Dine in po!", sabi ko.

"'Yan na po lahat ma'am?"

"Hmm, ate pwede pong pa take-out si Kuya?", nahihiyang tanong ko sabay turo kay kuya na naglalampaso.

"Austin! Take out ka daw ni ma'am", sigaw ni ate. Napatingin sila sa amin kaya mas lalo akong nahiya.

Si kuyang crew naman, umismid lang. Ang sungit!

"Wait niyo nalang po ma'am yung order nyo. Heto po 'yung number"

"Ate, siya po maghahatid ng order ko ah?", request ko.

"Sige po ma'am", sagot niya kaya umalis na ako.

After ng ilang minuto, si kuyang crew nga yung naghatid ng order ko.

"Here's your order ma'am", kunwaring nakangiti pa si kuya, pilit naman.

"Hi I'm Maura", pagpapakilala ko.

Hindi niya ako pinansin. "Enjoy ma'am"

"Diba tinake out kita?", wala pa ring epekto.

"May kailangan pa po ba kayo?"

"Ikaw", banat ko pa ulit.

"Aba-------", hindi na niya natuloy ang sasabihin nang sumingit si ateng cashier.

"Babe wag mo nang patulan. Bata lang yan"

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon