CORONA VIRUS FT. WATTPAD

394 12 1
                                    


Ibang klase pala talaga magbiro ang tadhana. Yung tipong sa hindi sinasadyang pagkakatataon, bigla ka niyang paglalaruan.

CoViD 19 is all over the world. Marami ng apektado, marami ng namamatay. Unluckily, I am one of those infected.

I am quarantined now for almost 10 days. Hindi makalabas, iniiwasan ng mga tao.

Aaminin ko, minsan iniisip ko na sana mamatay nalang ako. Sa mundong puno ng toxic na tao, wala ng magmamahal sa isang tulad ko.

Hanggang sa makilala ko si Liam. Katulad ko, isa rin siya sa mga infected.

Feeling ko, na-love at first sight yata ako sa kan'ya. Swerte ko nalang, dahil mukhang ganoon din siya sa akin.

Nakakatawa nga, habang yung iba, natatakot sa corona virus, ako, lumalandi rito. Pero ganoon naman talaga ang buhay, kapag ginagago ka niya, sabayan mo lang.

Masasabi kong masarap sa feeling na may Liam sa buhay ko. Para na nga akong nakatagpo ng living Jboy ko. Iba kasi ang datingan niya kapag nagagalit siya.

"Miss, oras na para kumain. Ihahanda ko lang," isang lalaki ang biglang nagsalita sa tabi ko. Mukhang isa sa mga bagong volunteer nurses para sa amin.

Natatawa nalang ako kapag nakikita ko sila. Nagmumukha kasi silang astronaut sa suot nilang makapal na puting uniporme.

Habang inihahanda niya ang kakainin ko, hindi niya sinasadyang mabuhusan ako ng tubig.

"Miss, pasensiya na!," natataranta ito habang naghahanap ng tissue na pwedeng pamunas sa damit ko.

Pareho kaming natigilan nang biglang bumukas ang pinto. Si Liam.

"Don't you dare touch her!," anito at mabilis na naglakad papunta sa kinaroonan ko. Kinuha nito ang tissue na hawak ng lalaki at siya na mismo ang nagpunas sa akin.

"Leave," malamig na utos pa nito sa lalaki.

Nang makalabas ang lalaki, his gaze darted on me. Matigas ang expresyon ng mukha nito at supladong nakatitig sa akin.

"Anong problema?," maang tanong ko. His brows shut up as he looks away.

His jaw clenched, not uttering any word. Dinampot lang niya ang kutsara at sinimulan akong pakainin.

Minsan naman, napapaisip ako kung Jboy nga ba itong si Liam. Bipolar yata. Bibigla nalang kasi itong nagiging maninisid na shokoy at possesive men.

"Anong ginagawa mo rito?," tanong ko habang sinasarado niya ang pinto. Nagkibit-balikat lamang ito.

"I just want to hug you, that's all," aniya habang sumasampa sa higaan ko.

True with his words, he hugged me. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa may maramdaman ako.

"Ano 'yon?," I asked. Mas lalong humigpit ang yakap nito sa akin at hinuli ang dalawang kamay ko.

"Li---," I tried to shout his name but its too late. Siniil na ng kanyang labi ang labi ko. He kissed me hard so I kissed him back with the same ferocity.

Ilang sandali pa, naramdaman ko ng dumadapo sa iba't ibang bahagi ang aking katawan ang kamay niya.

"S-stop----," hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

With Liam, unstoppable, hindi ko na siya napigilan.

Days passed, akala ko bumubuti ang lagay naming pareho.

Pero tulad nga ng kwento nina Cooper at Agatha o Peter at Behati, hindi lahat ng istorya, nagtatapos ng masaya.

On my 33rd day, muli akong nagpatest para malaman kung bumubuti na ang lagay ko.

After several tests, lumalabas na ang resulta.

I am now corona virus free person. Natalo ko ang sakit na 'yon.

Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Liam. Sinalubong ako roon ng takbuhan ng mga doctor at nurses. Lahat sila, papunta sa kwarto niya. Bigla akong kinabahan.

"Doc, ano pong nangyayari?," hindi na ako nakatiis at nagtanong na sa nakasalubong na doctor.

"May namatay na pasyente sa kwartong 'yon," aniya at tinuro ang kwarto ni Liam.

Dali-dali akong tumakbo papunta roon. Huli na nang marinig ko ang sinabi ng doctor.

"Time of death, 11:45 am."

Napahagulgol ako. Mukhang hindi na niya makikita ang mundo, tulad ng pinangarap naming dalawa.

"Hinahanap mo ako? Chill, nag-cr lang ako."

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon