TAMING A JEALOUS GIRLFRIEND (PART 1)

536 15 0
                                    


The most beautiful thing I've ever experience in my entire life is to tame a jealous girlfriend.

I'm Jeric, a certified jealous girlfriend tamer.

Have you ever been in a relationship, wherein all you did was to explain your side? Everytime you smile at someone, talk and even glance at a random person, especially girls.

Meet Janessa, my girlfriend.

Marami na ang nagsabi sa akin na hiwalayan ko na siya. Kesyo wala daw siyang tiwala sa akin. Kesyo nagiging tanga lang daw ako sa kan'ya. Maraming kesyo. Pero ganoon naman talaga

kapag mahal mo ang isang tao diba? Nagiging tanga tayo. Love is what makes every people fool.

"Sino 'yung babaeng nakatingin sa'yo kanina?" Kinalampag niya ang mesang nasa harapan namin. Napabuntong-hininga ako. It looks like explaining time again.

"Huh? Sino? Hindi ko napansin e." I acted like nothing happened. Well, it was really nothing.

Ilang sandali lang, nakita ko na ang pagsimangot niya. How cute.

"Bakit kasama mo 'yung lintang 'yon?!"
"Bakit ka kinakausap nung kaklase mong babae?"
"Cheater ka! Nginitian mo yung babae kanina!"

Napapansin niya lahat ng kilos ko basta tungkol sa babae. Pero, sa lahat ng iyon, iisa lang naman ang kinahahantungan sa huli.

"Magkagrupo kayo ni Cara?"
"Saan kayo gagawa ng project?"
"May gusto ka siguro kay Cara, no?"

Oo, nakakasawa na, nakakasawa kasi paulit-ulit na lang na ganoon ang nagyayari. But I will never quit, I will never give up my love for her.

"Seatmate kayo ng Cara na 'yon?"
"Layuan mo nga 'yong babaeng 'yon!"
"Porke maganda, nilalapitan mo na? Okay na sa'yo na kausapin siya kahit may girlfriend ka na?!"

Si Cara, her most hated person in the whole universe.

Cara was just an ordinary girl for me. Walang-wala nga siya kumpara kay Janessa. Hindi lang sa pisikal na kaanyuan, pati na din sa panloob. Janessa is my definition of love and contentment.

"Baby, I love you."
"Ikaw lang talaga, promise!"
"Sus nagseselos na naman ang baby ko!"

It just that, Cara likes me. Kaya naman ganoon nalang ang pagseselos sa kanya ni Janessa.

"Nilalandi kana ng haliparot na 'yon."
"Hindi nga ako nagkamaling may gusto sa'yo ang babaeng 'yon."
"Natutuwa ka naman na gusto kan'ya!"

Paglipas ng mga araw, napansin kong may nag-iba. Sa kakapilit niya sa akin kay iba, parang nagkakagusto ako kay iba. Nagkakagusto nga ako kay Cara.

"Saan tayo gagawa ng project, Jeric? Bawal akong gabihin eh."
"Ang galing mo talaga!"
"May quiz daw sa Chemistry ngayon. Review ka na."
"Salamat!"

Ibang iba yung atmosphere kay Cara, pagdating kay Janessa.

"Layuan mo siya, sabi eh!"

"Wag kang papalandi doon."
"Akin ka lang, tandaan mo 'yan"

Sa kakapilit niya sa akin kay Cara, yung dating wala lang, nagkaroon bigla ng halaga.

"Jeric, si Janessa sinugod si Cara sa may plaza!". Nabigla ako nang nagmamadali akong lapitan ng mga tropa ko. Kaagad akong nagpunta roon at naabutan kong nakahiga na sa buhanginan si Cara, habang nasa ibabaw nito si Janessa.

"Janessa! Stop it!" Hinila ko siya. Nanlilisik ang mga matang tumingin siya sa akin.

"Nararapat lang sa kan'ya 'yan! Nilalandi ka ng haliparot na 'yan!"

Mariin akong napapikit dahil sa mga nasabi niya. Hinarap ko siya at tumingin ng diretso sa kan'yang mga mata.

"Maghiwalay na tayo, Janessa." Pagak siyang napatawa matapos marinig iyon. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin.

"Bakit? Tuluyan ka ng nalandi ng babaeng ito? Ipagpapalit mo nga ako sa babaeng ito?!," sabi nito habang dinuduro-duro si Cara.

"Hindi na ikaw 'yan e. Tuluyan ka ng nilamon ng selos mo. Mahal kita, alam mo 'yon. Sumusobra ka na, Janessa. Hindi na ikaw ang babaeng mahal ko," I explained. Masakit sa akin na nakikitang nasasaktan siya ngayon. I love her. I can't stand seeing her in pain just because of me.

Humagulgol siya. "Kung ganoon, bakit ganito? Bakit mo ako iiwan? Minahal lang kita, Jeric. This shows how much I love you that I can be a monster in my own just to fight for my love. Rason mo lang 'yan para pagtakpan na niloko mo ako!"

"You forced me to do that. Ikaw ang gumawa niyan sa sarili mo. Lagi na lang siya ang bukang-bibig mo kahit noon pa man alam mong malinaw na ang pangalan mo lang ang alam ko. Pangalan mo lam gang alam nito." I said as I pointed to my heart.

"Then don't break up with me."

I shook my head.

"Kung hindi mo ako pinilit sa kan'ya, hindi tayo aabot sa ganito. Kung hindi mo siya laging binabanggit sa akin, hindi pangalan niya ang rerehistro sa utak ko. Hindi siya ang iisipin ko. Kung hindi mo ako pinilit sa kan'ya, hindi ako susubok na kilalanin siya. Hindi ako magtatanong sa sarili ko sa kung ano ba ang pinagseselosan mo sa kan'ya. Kung hindi mo ginawa ang mga bagay na 'yan, hindi ko siya magugustuhan, Janessa. I'm sorry but I'm breaking up with you."

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon